1

72 17 23
                                    

Rochete's POV

Gabi ngayon at umuulan. Nakalimutan ko pang dalahin ang payong ko.

Pumasok ako sa classroom nang basang basa.

"Ms. Ermezia, go and change your uniform." sabi ni teacher Perez.

"Sir, am I allowed to enter the classroom if I do not wear my school uniform?" tanong ko kay teacher Perez na matangkad, nakasalaming makapal, matangos ang ilong, may kayumangging balat, at di gaanong katabaan.

"Just today. I don't want you to look pitiful just because you forgot to bring your umbrella."

"어떠게 알아?"gulat na tanong ko. (How did you know?)

"Huh? What did you just say?"

"Ughh.. ahh I said I'm going to change. 감사합니다! I mean, Thank you!" sabi ko at tumakbo na sa cr at nagpalit.

Ako nga pala si Rochete Aniel Ermezia, 16 years old, 4th year junior high school.

Naglalakad ako nang kusa na lang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang.

Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
___

Tumitig ako sa kawalan. Hindi ko alam kung gaano katagal.

Paano kaya kung korean ako tapos girlfriend ako ni Jeon Jungkook? Ahhhhhhhh! Omo, namatay na siguro ako sa kilig---

"Huy, isang minuto ka na atang nakatulala sa ere. Nakikinig ka ba?" tanong ni Criselda na kaibigan ko.

"Huh? Ugh--" I stopped in midsentence when someone cut me off.

"Aishhhh. 어떠게?" (What should I do?)

I looked at... him. Nakaupo siya sa teacher's table habang kumakain ng lollipop at idinuduyan pa ang paa na parang bata.

"S-sino siya? Transferee?" tanong ko kay Criselda habang tinuturo ang lalaking iyon.

"Huh? Sino? Si teacher Perez? Anong transferee?" takhang tanong ni Criselda.

"Uyy, pinag-uusapan namin yung sa activity. Aattend ka ba sa sabado? May suggest ka ba?" tanong ni Yuri sa'kin na ikinalingon ko sa kanila.

"Ughmm.. wala naman." sabi ko at binalik ang tingin sa table.

Napatayo ako at napaawang ang bibig sa gulat nang makitang wala na dun ang lalaki.

"Rochete, bakit ba wala ka sa focus?" tanong ni Reg.

"Rochete, ano bang nangyayari?" tanong ni Lisa.

"Epekto lang yan ng kdrama.. nakoo, sabi ko naman sa'yo wag mo pagsabayin ang kdrama at studies eh." Sabi ni Criselda.

"아니... I saw him. He's sitting there." sabi ko habang tinuturo kung saan ko siya nakita kanina. (No...)

"Sino?" tanong ni Yuri.

"Imagination mo lang yan kakapanood ng k---"

"아니야!" sigaw ko na ikinalingon nilang lahat. (No!)

Buti na lang lumabas muna si sir Perez.

"Aigooo.. nakakarindi naman makasigaw 'tong babaeng 'to." sabi nung lalaking kumakain ng lollipop na ngayon ay nasa may pintuan na.

Itinuro ko siya.

"Ikaw? S-sino ka? Hindi ako nag-iimagine diba?" tanong ko sa kanya at nagulat siya.

Lumingon lingon siya sa paligid bago muli akong hinarap.

"Ako?" di makapaniwalang tanong niya habang tinuturo ang sarili niya.

"Oo. Ikaw!" nakangiting sabi ko sa kanya.

See? Hindi ako nag iimagine.

Ngumiti siya ng malawak at lumapit sa'kin ng patalon-talon na parang bata.

"Nakikita mo ako?" nakangiting tanong niya.

"Oo, bakit? Hindi mo ba ako nakikita?" tanong ko na nakapagpatawa sa kaniya.

"Hindi yon ang ibig kong sabihin... thank you!" sabi niya at niyakap ako.

"야! What are you doing?" tanong ko at tinulak siya. (Hey!)

Ngumiti lang siya.

"R-Rochete... s-sinong kausap mo?" tanong ni Yuri na umaatras.

Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay gulat na gulat at nagbubulung-bulungan.

"Nababaliw na ba siya?"
"Anong nangyari jan? Na over sa kdrama? Hahaha"
"A-anong ginagawa niya?"
"Anong nangyayari sa kaniya?"
"Hayy.. iniwan lang tayo sandali ni Mr. Perez para bigyan ng time tungkol sa activity, ganyan na siya? Anong ginagawa niya? Nababaliw na ata siya."

"C-Criselda... R-Reg,Yuri, Lisa... you believe in me, right? N-nakikita nyo siya diba? Hindi ako nag-iimagine. Nakikita nyo siya diba? Diba?" tanong ko habang tinuturo ang lalaking 'to.

Nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig nang sabay-sabay silang umiling.

"Anong nangyayari sa'yo, Rochete? May nakikita ka bang di namin nakikita?" tanong ni Lisa.

"Yu Ryeong. I am Yu Ryeong." pakilala nang lalaking busy sa pagkain ng lollipop.

"S-stay away from me." sabi ko kay Yu Ryeong.

"If that's what you want." sabi ni Reg at lumayo silang apat sa'kin sa pag-aakalang sila ang sinasabihan kong lumayo.

"Reg! Criselda! Yuri! Lisa! H-hindi kayo naniniwala?" naiiyak na tanong ko.

"Mukha ba silang naniniwala?" tanong ni Yu Ryeong.

"Wala akong nadinig. Wala akong nakikita. Wala." sabi ko sa sarili ko habang tinatakpan ang mga tenga ko at nakapikit.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon