For my EVERYTHING <3

83 2 0
                                    

Hi My EVERYTHING! Kumusta kana? Sana okay ka huh? Inaalagaan kaba nila ng mabuti jan? Doncha worry maayos ako dito swear! Masaya nako dito ee. Wala nakong nararamdamang sakit. Diba sabi ko naman sayo? Ayaw kong ikaw ang mauuna satin. Hindi ko kasi kaya ee. Alam kung napaka imposible yon pero haha nothing is impossible kaya with Christ. Ikaw ang everything ko ee. Aanhin ko pa ang buhay ko without you? Alam kung pag ikaw ang nawala sobrang daming malulungkot. Pero pag ako hindi gaano. Alam mo namang sobrang mahal kita diba? Sobra pa sa sobra. I can't stand losing you. Ikaw ang weakness ko. Ang strength ko. Sa bawat araw na ipinagkaloob ng Diyos saken. Ikaw ang laging dahilan kung bakit di parin ako sumusuko sa hamon ng buhay. Ikaw nagbibigay ligaya saken ee. Sayo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng Love. Alam kung wala ng ibang taong makakapantay ng Love mo. Kaya sobra din kitang mahal ee. Higit pa sa buhay ko.

Naalala ko pa dati. Maliit pa lang ako non. Nung nagpasya kang ipasok nako sa school. Everytime na susunduin nako ng service ko papuntang school. Kapag di ka sumama hindi rin ako papasok. Ganon kita kamahal. Ayaw ko kasing pumapasok ng wala ka ee. Sobrang namimiss kita. Kahit nga nasa school nako. Ikaw parin ang laman ng puso't isipan ko. Nagaalala kasi ako lagi para sayo. Ayoko kasing magkawalay tayo kahit ilang saglit lang. Siguro normal lang talaga 'to pag laging magkasama. Ikaw lang kasi kakampi ko ee. Ikaw lang laging nasa tabi ko. Ikaw lang yung taong kayang igive up ang work para lang mabantayan ako sa school. Grabe! Kaya sobra kitang mahal ee.

Lahat ng pagyayari sa buhay ko. Masaya man o hindi, andyan ka. Lahat ng birthdays, pasko, new year, graduation, mga program sa skul ko, nandyan ka. Never mokong iniwan. Never mo akong hinusgahan. Kaya sobra talaga kitang mahal. Handa akong makipagpatayan para lang sayo. Hindi kita kayang ipagpalit kahit kanino. Kahit sa anong yaman.

Everytime na minamaliit ko ang aking sarili. Ikaw laging ngsasabi na push lang. Never kitang makakalimutan. Ikaw number1 sa puso ko ee. Mawala na lahat wag lang ikaw. Pano ako pag wala ka diba? Kaya mas mabuti na siguro 'tong ganto. Sobra kitang mahal.

Wag kang malulungkot jan ah? Sumbong mo lang saken pag sinasaktan ka nila. Hahaha alam ko namang di nila magagawa yon ee. Ibinilin kita sa kanila. Wag mong pababayaan sarili mo ah? Inom ka gamot mo. Lahat ng meron ako, iyo na. Mahal na mahal kita. Sorry kung hanggang dito nalang. Sorry kung hindi na kita mapapasyal sa iba't ibang bansa. Parehas na tayong mahina ee. Ikaw kase, ang hina mo kaya sobrang nanghihina na din ako. Mahal kita sobra. Ikaw ang buhay ko ee. Sorry kung hindi ko na lubusang mapatunayan sayo kung gano kita kamahal. Babawi ako sayo. Pero pano ako makakabawi? Diko na kayang lumaban. Mahina nako. Sorry ah?

Ilang taon kanang nagaalaga samin. Buong buhay mo nga binigay mo na samin ee. May hihingiin paba ako? Ikaw lang sapat na kase. Sobra kitang mahal. Higit pa sa iniisip mo. Satuwing pinaguusapan natin ang tungkol sa death, nalulungkot ako. Ayoko kasing nagpapaalam ka sakin ee. Pero tingnan mo nga naman hahaha mas nauna pako sayo. Sobra po kitang mahal. Pakatatag ka ah? Ikaw ang pinakamatapang sa lahat ng taong nakilala ko. Sobra kitang mahal. Wag kanang malungkot ah? Sobrang kailangan kapa nila. Wag ka munang aalis okay? Hayaan mo nako dito. Masaya nako. Basta sana wag mong kakalimutan na MAHAL NA MAHAL PO KITA INAY KO.
Sobrang kitang mamimiss. Mga ngiti mo, bawat chika mo, mga lungkot mo na saken mo lang sinasabi. Mamimiss ko yan. Sobrang swerte ko na ikaw naging nanay ko. Wala kase ikaw ibang ginawa kundi ang mahalin lang kami ee. Kaya sobra din kitang Love. Mahal na mahal po kita. Pakatatag ka lang ah? Gusto ko sana ibigay sayo 'tong puso ko. Kaso nakalimutan kung mahina din pala' to. HAHAHA my everything ko? Maging happy ka ah? Sobra po kitang Love.

Gusto ko sana ako'ng magaalaga sayo.

Gusto kitang alagaan pag hindi na ikaw masyadong makalagad. Gusto ko ako magsusubo sayo. Ako maghuhugas ng puwet mo. Gusto ko ako magbibihis sayo. Gusto ko ako ang gumawa sa mga bagay na hindi mo na kayang gawin. Kaso pano ko gagawin yon? Sorry ah? Nauna nako ee. Haha iLoveYou my evrything. Sorry kung kailanagan ko na kayong iwan. Ikaw na nga nagsabi, lahat hiram lang natin sa may kapal. Basta mangako ka sakin na hinding-hindi mo papabayaan ang sarili mo. Salamat sa ilang taong pagbibigay kabuluhan sa buhay ko. 

SALAMAT sa lahat lahat po inay. Alam kong hindi sapat ang salitang SALAMAT para masuklian ko lahat ng binigay mo sakin. Pero diba sabi mo, ginawa mo ang lahat kasi yon ang tungkulin mo bilang nanay namin. Alam mo ba na kapag binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong pumili ng ibang magiging nanay. Hindi ko tatanggapin ang pagkakataon nayon. Bakit pa naman ako maghahanap ng iba kung ikaw palang sobrang sapat na. Wala nakong hahanapin pa sayo ee. Sobrang complete package mo na. Maaaring hindi ka perpekto bilang tao. Pero para sa akin, more than perfect ka bilang nanay ko. Lagi kaya kitang pinagmamalaki. Ikaw kasi ang wonder woman ng buhay ko ee. Grabe! ang powers mo inay. Sobra ngakong bilib sayo ee. Sobra sobra po kitang mahal. Handa kong iaalay ang buong buhay ko para lang sayo. Ikaw ang kauna unahang tao ang nagmahal sakin ng ganito. Alam kong never mo akong sasaktan. Pero sorry. Sobrang sorry kasi ako nagawa kitang saktan. Iiwan na kita. Ayy mali pala-- INIWAN NA KITA! SORRY PO. MANANATILI KA SA PUSO KO NAY! BABANTAYAN PO KITA LAGI. Gusto ko HAPPY ka lang. Maging masaya po ikaw para sakin. Ayaw ko na umiiyak ka dahil sa pagalis ko. Kasama ko na ang dakilang lumikha. Wala kana pong dapat ipagalala.

P.S MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kita NANAY KO!
iLoveYou GOODBYE :'(

-YSABEL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My LAST WORDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon