Chapter 16 | Monstrosity, Freaks of Nature

959 112 2
                                    

Tartarus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tartarus. Noong unang beses pa lang na narinig ko ang pangalan ng grupo na kasama sa target namin sa misyon na ito, tumatak na kaagad 'yon sa isipan ko. Hindi ko alam kung may gano'n ding kuwento sa mundong ito, pero sa mundo na pinanggalingan ko, kilala ang lugar na 'yon bilang mitolohikal na bilangguan para sa mga nagdurusa at makasalanan.

A wretched home for the wicked souls.

Dapat ba akong matakot dahil sa kakilakilabot na pangalan ng grupo nila? Hindi. Bakit ako matatakot kung pangalan lang naman 'yon?

Sooner or later, we will be facing an actual dragon; flying mythical creature who breathes fire. Compared to that, this band of good-for-nothing thieves pales in comparison. That is why, wala rin akong panahon para matakot ngayong napapalibutan na kami ng napakaraming miyembro ng nasabing grupo.

Aside from the fire-breathing giant lurking somewhere around this mountain, I am also being surrounded by a group of monstrosity—my own companions. Kung may dapat akong katakutan, sila 'yon. Nawala ang excitement na nararamdaman ko kanina matapos makita kung paano makipaglaban ang mga kasama ko. Hindi manlang nila ako binigyan ng oras para mag-shine!

"'Mare, hindi ko alam sa 'yo, pero sa tingin ko talaga hindi magandang oras 'to para mag-space out ka."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bigla akong itulak ni Raiden sa lupa. I ought to get mad at him for toppling me mercilessly, but had he not done that, I would be headless by now. Instead, I am now bathed with mud and dirt as he wrestled the Tartarus member who tried to behead me.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Pagkatapos ay nakita kong papalapit sa akin si Zervis, whom I suspect to have witnessed my exchange with Raiden. When he finally towered over me, he disapprovingly clicked his tongue and shook his head. "What did I say about becoming a nuisance?"

He's obviously unimpressed by what had happened, kaya napagdesisyunan kong tumalikod na lang at takbuhan siya. "Wala akong panahon para kausapin ka. Bye!"

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging kampante ngayong napapalibutan kami nang napakaraming kalaban. He had both of his hands tucked in his pants, looking bored to death. Despite being barehanded, he was able to send his enemies flying through his aura and incantation alone.

I've heard that he was able to master enchantments and the manifestation of energy, but damn this was beyond my expectations! He's on another level, and as much as I hate to admit it, he looks calm and collected and unlawfully gorgeous while fighting.

Kaya ko rin 'yon, wait lang.

"Hoy, 'mare," tawag ni Raiden sa akin. Nang lingunin ko siya ay agad akong nagsisi dahil nakangisi na naman siya sa akin, halatang nang-aasar. "Tumutulo laway mo. Pakipunasan, please."

"Ang kapal ng kaluluwa mo."

Matapos kong kausapin si Raiden ay mabilis akong dumistansya sa kaniya, takot na baka aksidente akong madamay sa mga atake niya. Hindi ko na makita ang kilos niya dahil malawakan at mabilis siyang umatake, at ayaw kong maging casualty no'n!

of Sins and HeraldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon