Minsan kailangan nating tanggapin na hindi para saatin ang taong minahal natin.Mama, bukas na bukas ipakilala ko siya sa inyo--tinig ng kapatid kong inlab na inlab sa sinasabi niyang kasintahan niya. Tsk. Iiwan din yan. Promise.
Ate, saan ka ngayon? Wika ko.
Pakialam mo?-mataray niyang sagot saakin. Ganyan talaga yan siya, palaging galit pag-ako ang kausap niya. Hindi daw kasi ako support sa kanya. Hays.
Wala naman. Sige, ate yun lang. Mahinahon kung sagot.
Ngayon na ang araw. Araw, kung saan ipakilala ni ate ang kasintahan niya.
Ilang minuto ang lumipas may biglang huminto na sasakyan sa harap ng aming bahay.Nilingon ko si mama, ganun nalang ang gulat ko nang nakatiim baga si mama at nakakuyom ang mga kamao nito, habang nakatingin sa bagong dating. Mustang. Mayaman. Kung titingnan mo masyadong mayabang sa sarili. Pero di ko makakailang may itsura siya. Maladagat na mga mata, matatangos na ilong, mapupulang labi at hindi matatago ang kakisigan sa katawan nito. Inosente kung tingnan pero masama ang kutob ko sa sitwasyon na'to.
Mama, okay ka lang? Puno ng kuryusidad na tanong ko.
Bigla nalang binago ni mama ang emosyon niya. Bumuntong hininga at tumango saakin. Okay lang siya. Pero halata sa mga mata niya ang galit at pagtataka.
Excited na bumaba si ate Kc galing sa kwarto niya at direstong lumabas upang sunduin ang kasintahan nito.
Nagmasid lang ako. Nasa kusina ako at sa sala naman si mama. Wala na si papa. Matagal na siyang WALA. Pinatay siya ng amo niya sa kadahilanang nagnakaw raw si papa ng mga mamahaling alahas nila. Kung saan isang pamimintang lang. Taliwas sa isip namin ang rason nila. Hindi ganun si papa. Hindi siya magnanakaw. Inosente siya.Habang nasa kusina ako, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. At hindi ko namalayang nasa tabi ko pala si ate.
Oh, ate bat nandito ka sa kusina? -- nagtatakang saad ko. Nang silipin ko ang sala. Nag-uusap si mama at ang kasintahan niya. Kitang-kita ko kung paano nakikitungo si mama sa lalaki. May matinding galit sa mga mata niya. Samantalang, hindi naman iyon napapansin ng binata.
Magtitimpla ng juice-- malamig na tugon niya.
A-ah, Sige pupunta lang ako sa harden-- magalang na saad ko.
No, pumunta ka sa sala ng makilala mo siya-- nangingiting sabi ni ate.
Okay. Saad ko at dumiritso sa sala.Nang malapit na ako sa pinto papuntang sala. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pinag-usapan ni mama at ng binata.
Ulitin mo nga ang pangalan mo?-- puno ng pagtitimping saad ni mama
Arthur Cruz Valiez po-- magalang naman na sagot ng binata.
Ah, HAHA- payak na saad ni mama at halata sa boses nito ang lungkot. So, ikaw ang kaisa-isang anak na lalaki ni Ginoong Malic Rosalez Valiez at Ginang Vienna Cruz Valiez. Ang amo ng asawa ko. May pagdidiing wika ni mama.
Nagulat ako sa sinabi ni mama. Anak siya ng taong pumatay sa papa ko. Anak ng-! What coincidence. Tsk.Oh, bat di ka pa pumasok?-- nagulat ako ng biglang nagsalita si ate sa tabi ko. At agad-agad na binuksan ang pinto.
Namilog ang mata ni mama ng makita kami ni ate. No, mama walang narinig si ate. Wala. Tumingin ako kay mama at binigyan siya ng assuring look.Babe, nag-usap na kayo ni mama? Ay Oo nga pala si Angelica kapatid ko.--malanding pagpakilala ni ate saakin.
Hi Arthur Cruz Valiez nice to meet you Angelica- sabay Abot ng kamay niya saakin. Tinanggap ko yon. At sumagot ng NICE TO MEET YOU TOO.
Ericka Gel Barnuhi, binabalaan kita ngayon palang mag-ingat ka sa kasintahan mo. Baka pagsisihin mo yan sa huli. -saad bigla ni mama kay ate at hindi alintana ang nagtatakang tingin ng binata kay mama. Nagulat si ate at hindi nakapagsalita.
Mama,.. wika ko... Kontrolin mo ang iyong emosyon mama. Dagdag ko pa.
Sige, sa kwarto lang ako. Angelica, ikaw nang bahala dyan sa sala.-- walang emosyong sagot ni mama saakin.
Nagulat ang dalawa sa inaakto ni mama at habang ako ay tahimik lang sa isang tabi. Naiintindihan ko si mama, dahil alam kung labis ang pangungulila niya kay papa. At nangako siyang wala ni isa sa pamilyang VALIEZ ang humawak o magmahal ng ng pamilyang BARNUHI. Abot sa langit ang galit at poot ni mama sa pamilya ng kasintahan ni ate. No, hindi siya sapat para kay ate. Kailang pa namin ng hustisya sa pagkamatay ni papa.
Lumipas ang isang buwan, at naisipan ni mama na lumuwas ng probinsiya at doon na mamuhay. Pumayag ako, maliban nalang kay ate na ayaw iwan ang kasintahan niya. Sa galit ni mama, nasabi niya dito ang totoo. Nabilaukan si ate ng laway halata sa mga mata niya ang galit at pangamba. Ayaw niyang maniwala pero yun ang totoo. Si ate din ay nangakong gumanti sa gumawa nun kay papa. Kaya nang malaman niyang si ARTHUR ay anak ng pumatay kay papa ay hindi siya nagdadalawang isip na sumama sa probinsiya. Iniwan niya si Arthur. Alam kung nasasaktan si ate sa ginawa niya pero wala akong makikitang pagsisisi sa mga mata niya. Mahal siya ni Arthur at mahal niya rin ito, pero dahil sa pangyayari ang pagmamahal na iyon ni ate para kay Arthur ay napalitan ng poot at galit.
-The Ennnd