CHAPTER NINE

8.7K 310 37
                                    

CHAPTER NINE

"MOMMY AIDA?!" Halos hindi makapaniwalang bulalas ni Andru nang makita niya sa may pintuan ang kanyang mommy. Ang buong akala niya kasi ay hindi ito makakapunta sa kanyang graduation dahil sa ayon dito ay busy ito sa trabaho nito at hindi ito pwedeng umabsent. Pero mukhang dahilan lang nito iyon para masorpresa siya sa araw na ito.

Nangingilid ang mga luha na nilapitan niya ang kanyang mommy at buong higpit na niyakap ito. Isang taon din kasi silang nagkita at kahit naman madalas siya nitong sermunan noon ay na-miss niya talaga ito ng sobra.

"I am so proud of you, Andru!" sabi sa kanya ni Mommy Aida habang hinahaplos ang likod niya. "Ang sabi ko sa'yo noon ay tapusin mo lang nag high school mo pero look at you... Gagraduate ka with honors! Salamat, anak. Maraming salamat!" Alam niyang naiiyak na rin ito tulad niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan sa mukha ang ina. "Dahil this time, ayokong biguin kayo, mommy."

"Kaya nga proud na proud ako sa'yo. Teka, may kasama nga pala ako," sabay kindat ng mommy niya.

Napakunot ng noo si Andru ngunit napalitan iyon ng malapad na ngiti nang makita niyang nakatayo si Theo sa may pintuan. Sinugod niya ito ng yakap. "Dude!!!" tangi niyang naisigaw.

"Ano ba, dude! Hindi naman halatang na-miss mo ako!" Natatawang sambit ni Theo.

"Gago ka! Ang tagal kaya nating hindi nagkita!" aniya at hinila niya ito papasok. "Ano, kumusta? Paano ka nakasama dito kay mommy? Graduating ka rin, 'di ba?"

"Tapos na ang graduation namin. Ayun, pasang-awa," tumawa pa ito. "Sa pagmamahal ko na lang sa'yo kaya ako nandito!"

-----***-----

MASAYANG-MASAYA si Andru hanggang sa matapos ang graduation ceremony. Ang Mommy Aida at Lola Fe niya ang umakyat sa stage kasama niya. Pagkauwi nila sa bahay ay nasorpresa siya nang may madatnan siyang mga handang pagkain. Iyon pala ay nagpa-catering ang kanyang mommy. Halos lahat ng kanilang kapitbahay ay naroon upang kumain at batiin siya sa kanyang pagtatapos sa high school.

"Hindi nakakapagsisi na sumama ako dito kay Tita Aida," ani Theo sa kanya habang kumakain na sila.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Eh, kasi ang daming foods. Masasarap pa!"

"Gago ka talaga!" natatawa niyang turan kay Theo na sinundan niya ng pagbatok nito.

"Andru, dalhin mo nga itong pagkain kina Jojo at nahihiyang pumunta dito," sabay abot ni Lola Fe sa kanya ng pinggan na may spaghetti, lumpiang gulay at sandwich.

"Okey po, 'La," aniya at kinuha na niya dito ang pinggan.

Nagpaalam muna siya kay Theo upang pumunta kina Jojo. Naglakad lang siya papunta doon dahil malapit lang naman. Pagkabigay niya kay Jojo ng pagkain ay umalis na rin siya. Pabalik na siya nang bahay nila nang makita niya ang malaking bato na nasa dagat. Napatigil siya sa paglalakad at may lungkot na pinagmasdan ang batong iyon. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng kalungkutan ng sandaling iyon.

"Aquano..." Kusang lumabas iyon sa kanyang bibig. Pabulong lamang ngunit punung-puno ng emosyon. Hindi na napigilan ni Andru ang pagpatak ng kanyang luha.

Maraming alaala nila ni Aquano ang biglang nagbalik sa kanyang isipan. Iyong iniligtas siya nito hanggang sa dinalhan at pinakain niya ito ng kung anu-anong pagkain. At nang magkaroon ito ng paa. Napakasaya nila noon. Napakarami nilang alaala na binuo.

Pinahid ni Andru ng kanyang palad ang luha sa mata niya. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. "Atleast, kahit na sa maikling panahon lang kita nakasama ay marami akong masasaya at magagandang aalahanin sa'yo, Aquano. Tama ka nga, wala sa haba o tagal ng nagkasama tayo. Iyon ay nasa kung naging masaya ba tayo sa panahon na tayo ay nagkasama. Salamat, Aquano..." mahina niyang sabi.

Ang Asul Na Buntot ni AquanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon