Kaunting thrill muna para sa inyo.Sorry pero hindi pa ito ang climax.
-------------------------------------------------------------
"Masarap ba yang kinakain mo?"
Tanong sa akin ng isang malamig na boses na galing sa likod ng pintuan ng refrigerator. Muntik na akong mabilaukan habang nilalamon ko ang paborito kong Rocky road ice cream para sa midnight snack.
Nanigas ang buong katawan ko.Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil may nakahuli na ata sa akin .
"Patay na." Ito lang ang dalawang salitang umiikot sa isip ko ngayon.
"Ano na ang gagawin ko?" bumubulong pa ako sa sarili na may halong kaba. Tuloy pa rin ang lamon ko na parang wala akong narinig. Sumusubo pa rin ako kahit tumutulo na ang ice cream sa puti kong pantulog.
"Ehem." biglang umubo yung taong nasa likod ng pintuan ng refrigerator. Dahan-dahan akong tumayo mula sa Indian sit kong pagkakaupo sa harap ng bukas na Samsung 4-door fridge ng mansyon. Parang umatras ang pawis ko sa takot hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Patawarin po ninyo ako Sir Gallagher...Ahh eh nagugutom po kasi ako."
Napapikit ako nang mahigpit. Kulang na lang itulak ako sa bangin. Tumahimik ang paligid. Umatras ako mula sa pintuan ng fridge. Hawak ko pa rin ang isang galon ng ice cream. Payuko akong lumayo ngunit ramdam ko ang dalawang matang nakasunod sa bawat hakbang ko. Tumingin ako sa bandang paa ng taong iyon. "Nakasuot sya ng shorts? Hindi sya nakapajama?" Tanong ko sa sarili ko.
Kabisado ko ang matanda kong amo. Ang Don ng mansyon. Hwag raw Don ang itawag namin sa kanya, "Sir Gallagher na lang." hindi ko yun makakalimutan kasi istrikta ang nanay nya.
"Sino pala sya?" Sino itong taong ito?, tanong ko sa sarili, yakap-yakap ang galon ng ice cream napansin ko na humakbang ang taong iyon at humarap sa fridge.
Kumaluskos ang fridge na parang may hinahanap sya. Huminto siya pagkatapos ng ilang segundo lang. Unti unti naman akong naglakad papunta sa lababo na ilang metro lang ang layo sa akin.
"Sandali." sabi ng taong iyon.
"Ooo..po Sir may kelangan.. po ba kayo?" tanong kong may nginig.
"Nawawala kasi iyong ice cream ko, rocky road iyon e."
Ilang salita mula sa kanya at... nabitawan ko ang galon ng ice cream na hawak ko pagkasabi nya nito.Nagtataka ako dahil wala syang halong inis o galit pagkasabi niya. Humakbang ang taong iyon sa harap ko at kitang-kita ko ang tuhod nya. Naaaninag ko nang kaunti dahil bukas ang pinto ng malaking refrigerator.
Makinis, matipuno ang mga binti nya, may konting buhok, at may peklat syang pahaba sa kanang tuhod niya. Pakiramdam ko hindi si Sir Gallagher yon. Matagal na akong katulong dito sa mansyon. Dalaga pa ako nandito na ako at pajama ang palaging suot ng amo ko.
"Sir, paaaasen--" hihingi sana ako ng tawad ng biglang pinulot nya ang galon ng ice cream na nabitawan ko.
"Nagkalat ka pa..hehehe." may tawa nyang sinabi ang mga salitang iyon. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at guminhawa ang pakiramdam ko. Inilagay niya ang galoN ng ice cream sa lababo. Ako naman nakayuko pa rin. Itinuloy ko na lang magsorry.
"Hindi na po mauulit sir Gallagher."
-----------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)
RomanceIsang masikap na dalaga. Mataas ang pangarap. Medyo mataas. Nakatira ako sa isang mansyon.Anim na araw sa isang linggo kong pinagsisilbihan ang dalawang binata o bachelor na mga anak- mayaman. Sina Sir Sed at Sir Dave; parehong gwapo, laging maban...