1

34 2 3
                                    

"Si-Sir" kinakabahang saad ng isang babae

"I'm sorry kung na late po itong documents na pinauutos niyo sa akin" saad ulit nito sa nakatalikod na lalaki

"Sorry? Anong sorry sorry your just wasting my time" galit na humarap ang lalaki

"Alam mo naman di ba na busy ako ngayon lalo na't madaming dokumento akong pipirmahan at meetings na kailangan kong puntahan"

"Sorry again sir di na ulit mauulit"

"Dapat lang ,pwede ba umalis ka na sa harapan at naloloka yung utak ko sayo" bulyaw nito sa babae

Nagkakandarapa namang umalis ang babae

Napahilot sa kanyang sentido ang lalaki ng may biglang tumawag sa kanya

"Hello who is this?" mautoridad na kanyang sagot sa tumatawag

"Si Paolo ito ,Wow wala man lang bang goodmorning diyan?" sarkastikong saad ni Paolo

"Pwede ba huwag ngayon wala ako sa mood"

"Teka lang naman brad mamaya ha yung sinasabi ko sayo" saad ng lalaking nasa kabilang linya

"Sinabi? Eh wala ka namang sinasabi ah" singhal naman nya sa lalaking kausap

"Sign of aging na yan brad,birthday ko mamaya dun parin sa tambayan natin yung venue huwag mo akong iindiyanin at siguradong magtatampo ako"

"Anong oras ba?"

"9 pm sharp brad"

"I'll try" saad niya habang binubuksan ang laptop

"Anong I'll try diyan yan ka na naman eh!!"

Napabuntunghininga na lang sya bilang senyales ng pagsuko sa kaibigan.

"Oo na,Oh sya sige I'll end this call"

General's POV

Isang kilalang tao di lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa ang nagngangalang Jose Manalo siya lang naman ang nagmamay ari ng napakalaking kompanya na tinatawag na CBCOMPANY .

Marami rin syang ari-arian katulad ng mga malls at resorts.Kilala siyang perfectionist at seryoso pagdating sa trabaho. Kinatatakutan rin siya ng kanyang mga empleyado . Maraming babaeng nagkakandarapa at nabibighani sa kanya dahil may kung anong karisma ang mayroon siya . Kahit na may nagkakagusto sa kanya kahit na mga artista o kapwa negosyante ay wala siyang balak na magkaroon ng jowa dahil para sa kanya ay masaya na siya sa kung ano man ang meron siya.Minsan nga ay may nagtanong  sa kanya sa isang interview kung may balak siyang magpakasal lalo na't he is already 54 years old. Ngunit isa lang ang palaging sinasabi niya sa mga nangungulit .

  "Marriage is for serious people and I'm not one of them .I hate commitment "




It's already 9pm when Jose already finished his work.Napansin niya rin ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone.It is one of his bestfriend.He decided not to answer the call para surprisahin ang kaibigan lalo na't birthday nito.

Mabilis niyang niligpit ang kanyang mga gamit upang makaalis na sa kompanya. Ng makarating sa parking lot ay napangiti na lang sya ng makita ang kanyang sasakyan tinuturing niya kasi itong "baby" It is a Mercedes benz.

Mabilis siyang nagtungo sa lugar kung saan naroroon rin ang kanyang mga kaibigan kadalasan rito ay mga artista o politicians.

Ng makarating ay agad siyang pumasok sa bar. Maingay at halos lahat ng dumalo ay lasing na.Hinanap niya kung nasaan ang kanyang mga kaibigan at ng makita ay nagtungo sya agad.

"Brad kala ko dika na makakadalo" sabi ng isang kalbong lalaki na nagngangalang Wally

"Tarantado pwede ba yun brad,Eh nasaan si Paolo" Jose said bago umupo at tumungga ng alak

"As usual nandoon na naman sa mga baby boys kuno ,Alam mo naman yun pinagbigyan ko na lang at birthday niya naman " Wally said while giving Jose a weird look

"Oh anong tinitingin tingin mo sakin?"

"Mabuti naman at bagay sayo yung suot mo ,halatang galing ka pa talaga ng kompanya mo eh" Tumatawang sabi ni Wally sa kanya

Naka suit and tie kasi si Jose at Slacks with matching black shoes .Habang ang mga naroroon ay naka simpleng attire lang .Binigyan lang naman siya ng irap ni Jose

"Jooooseeeeeee" sumisigaw na pagkakasabi ni Paolo na halatang lasing na

"Hoy buang huwag ka ngang sumigaw kala mo naman ang layo layo ko " suway ni Jose sa kaibigan

"Syempre namiss kita no,so where's my gift?" Paolo utter while tumataas taas pa ang kilay na parang batang naghihingi ng gift

"Kiss na lang pwede?Charot Ito pala yung gift ko sayo" Jose said habang inaabot ang regalo sa kaibigan

"Buksan mo na" dagdag pa niya

Tila bata namang nagbukas si Paolo sa regalo at laking gulat niya na isang Rolex laman ng box at sapatos na mamahalin. Kaya napayakap siya rito.

"Salamat kuya brad" masayang sabi ni Paolo sa kanya

"Wow ang gara naman ng binigay sayo Pao baka naman brad?Buti ka pa Pao ang ganda ng binigay sayo eh sakin kalendaryo at boxers lang yung natanggap ko" Pagpaparinig ni Wally

"Ah ganun nagpaparinig ka oh siya sige ikaw na magbabayad sa lahat ng bills sa restaurant natin ha" kunwaring seryosong sabi ni Jose

"Ito naman di mabiro ang ganda kaya ng kalendaryong binigay mo nakakatouch brad sobra" kunwaring punas sa kanyang mata

Binigyan naman ni Paolo ang dalawa ng liqour sabay sigaw ng "Cheers"

Marami rami na rin silang napag usapan lasing na rin sina Paolo at Wally habang si Jose naman ay tipsy lang.Hanggang sa dumako ang kanilang pag uusap tungkol sa babae at lovelife ni Jose

"Brad Alam mo huwag ka masiyadong maging workaholic sige ka tatandang binata ka niyan" sabi ni Wally kahit lasing na ay nasa tamang katinuan pa naman

"Oo. nga kuya Jose gusto ko rin namang makita kang masaya ka" Paolo bago tumungga ng alak

"Hay ewan ko sa inyo,bat ba napunta sakin yung usapan.Masaya naman ako ha ,I'm fine look" nakangiting ekspresyon niya sa mga kaibigan

"Masaya ba talaga or napipilitan lang ang samin lang naman ni kuya Wally ay maging masaya ka in a way na iba yung magiging dahilan ng mga ngiti mo " Sabi naman ni Paolo

"Yung may humahawak sa kamay mo ,May lalambing at hahalik sayo" Sabi naman ni Wally habang umaarte sa kanyang pinagsasasabi

"Tapos hahalikan ka" Paolo said while pouting his lips

"Hay ewan ko sa inyo basta ako di ko kailangan ng babae para lang maging masaya ako" seryosong saad ni Jose habang naka crossed arms

"Huwag magsalita ng tapos baka panain ka ni Kupido kuya "

"Sabi nga sa kanta "Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito" pakantang sabi ni Paolo

"Hay bahala kayo mga sira ulo! Ang hina niyo namang uminom , Cheers mga brad" saad ni Jose habang itinaas ang bote ng alak

"Cheers" sigaw naman nina Wally at Paolo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon