Brave
Pagkababa ko ng stage, may mga lumapit saakin. Nandon na sa ibaba si Ma'am Lucy at si Vanessa nag hihintay saakin. Nakangiti sila pareho. Sinalubong nila kaagad ako ng yakap.
"Akala ko pang soft voice kalang. May dragon pala jan sa katawan mo! Grabe ka!" Ani Vanessa.
Napahalakhak nalang ako at umiling. May ibang nagpapicture rin saakin at yung iba naman nakipag shake hands.
"Hey... birthday ko next week. Gusto ko sana na kumanta ka doon. Don't worry may bayad. Please! Ang ganda mo kasi at tsaka ang ganda ng boses mo." Sabi ng babaeng matangkad na lumapit saakin.
Ngumiwi ako at tiningnan si Ma'am Lucy na nakatingin rin saakin.
"Well... It all depends on Cat. I did not signed her a contract. And I don't think she needs it. Loyal sya saakin e." Anito.
Tumawa ang babae at napailing nalang. "Oh well. Heres my card. I'm really hoping na tatawagan nyo ko. And its also an opportunity. Ma eexpose ang alaga mo and you'll be her manager, Madam Lucy. Think about it. Think it twice." At kinandatan kami.
Umalis na ang babae. Nasa isang table kami at kami lang tatlo. Minsan may lumalapit saakin para makipag kilala. I'm really exposed tonight. Wala talaga akung naaalala na pangalan na binanggit nila.
"Tama rin naman kasi ang babae 'yon, Madam. Sikat na producer 'yon e. High grossing films ganon. Exposure narin kay Cat if ever." Biglang usat ni Vanessa kaya tinoon ko ang buong pansin sa kanya.
"You think it is, Van?" Ma'am Lucy.
Tumango sya at nilinok ang kinain. "Oo naman, Madam. Imagine, sya pa ang lumapit kay Cat because of her pure talent. Malaking party siguro 'yon at pupunta ang ibang begating artista."
If I'm going to accept that, makakalikom talaga ako. That would be a great opportunity para bumukod ng sariling akin. I would no longer connect with the Sandovals and Celestial dahil aalis ako sa puder ni Greg. Pero babayaran ko muna lahat ng binigay saakin ni Greg.
"Tsaka, ipapakilala rin sya ng babaeng 'yon sa mga kakilala nya. You know, maimpluwensya sya. She's rich and she's on top. Kukunin ka bilang bagong singer! Kukunin ka ng isang recording company to sing a song. And they will pay you more than what you deserve!" Medyo napalakas ang boses ni Ma'am Lucy kaya napahawak sya sa bibig nya.
Marami rin syang connection. All I have to do is to think. Pero kung ako lang talaga, tatanggapin ko 'yon.
"Okay lang. Kailangan ko rin kasi ng pera." Sabi ko sa dalawa.
"Eh, ano pa hinihintay natin? Tawagan muna, Cat." Sabi ni Ma'am Lucy.
Yon nga lang ang problema dahil pano ako tatawag e wala akung cellphone. Nabuhay ako sa bundok ararat. Walang gadgets doon. Sa sobrang hirap ko, pati ganung bagay e wala ako. Pero mas okay din naman e. Di naman kasi importante masyado iyon para sakin. Kasi sino naman tatawagan ko? Sino itetext ko? Ano gagawin ko sa cellphone? Tsaka ngayon lang na realize na kailangan ko pala pero ayoko muna sa ngayon. Makikigamit nalang ako.
"Ah... hehe. Wala akung cellphone, Ma'am e."
"Huh?"
"Bibili na ako, Ma'am pagka nagkapera na ako. Tsaka makikitawag nalang ako. I can't afford to lose this opportunity e."
Tumango lang sya at ngumiti. Biglang nawala si Vanessa kaya lumilinga-linga ako sa paligid. Kahit sa dance floor ay wala rin.
"Nakita nyo si Vanessa, Ma'am?" Tanong ko.
"Ha? E, nandyan lang 'yan kanina e. San ba nag punta? Teka hahanapin ko."
Umalis kaagad sya. Pero di nya hinanap kasi may nakabangga sya na isang sikat na artista at nag usap sila habang nag tatawanan. Hays. I do it my self.
BINABASA MO ANG
From Afar (Isla del Fuego series 3)
General FictionHe always told you that he loves you but he keep on hurting you. The whole world despise you. Wala ka ng matanggap kundi puro nalang sakit. Will you still love him despite of what he did?