Chapter Sixteen | Butterfly Weed

328 16 30
                                    


Chapter theme: I Smile - Day6

"I'm sorry," Brix repeatedly uttered, stealing glances at me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I'm sorry," Brix repeatedly uttered, stealing glances at me.

Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya kaya idinako ko na lang ang tingin sa labas. Tikom din ang mga labi ko dahil wala akong mahanap na salita na babasag sa katahimikan ko.

Earlier, when his lips met mine, I almost kissed him back, but the guilt I felt quickly snapped me back to reality. Aaminin ko, si Gabriel ang imaheng nakita ko nang sandaling magdikit ang mga labi namin. Mga halik niya ang pinananabikan kong malasap muli at nang masilayan kong hindi si Gabriel ang taong nasa harapan ko ay malakas kong naitulak si Brix—palayo sa akin.

Ang sama-sama ko. Si Brix ang kasama ko ngayon pero ibang tao naman ang laman ng utak ko. Si Brix ang nasa tabi ko pero ibang tao ang hinahanap ng puso ko. I should be the one apologizing to him, not the other way around. Pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang effort at oras niya sa akin.

I want to give him a chance, to embark on love once more. If I choose him, this fragile heart will no longer suffer or endure the weight of pain. And maybe, with him, I can finally be happy again. But deep down, I know that my heart still beats for him, my heart only wants him. And Brix doesn't deserve that.

This guy, who has been with me through my highs and lows, deserves a love with unwavering commitment—not the kind of love that lacks wholehearted effort.

Gusto kong sabunutan na lang ang sarili ko. Why do I always find myself leaning towards the complicated road?

"We're here," anunsyo ni Brix.

Doon lamang ako napabalik sa wisyo matapos ang malalim na pag-iisip. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng aming bahay. Brix stepped out to open the door of his car for me, and we still hadn't exchanged a word. As I was about to push the gate open, Brix suddenly turned me around so I could face him.

Our eyes met. Kahit na malamlam lang ang ilaw dito sa labas, I could clearly see the sadness in his eyes.

"Are you mad at me?"

I shook my head and sent him a reassuring smile. "I'm not mad."

"Then why won't you talk to me?"

"Napagod lang ako. Wala na akong energy para dumaldal," I replied, though I could sense that he wasn't satisfied with my answer.

Hinila ako ni Brix palapit sa kanya at kinulong ako sa isang yakap. Nanatili kaming dalawa sa gano'ng posisyon ng ilang minuto. Ang tanging naririnig ko lang sa katahimikan ng gabing iyon ay ang malalakas na tibok ng puso niya at ang bawat malalalim na hugot niya ng hininga.

"I'm really sorry, Kelly. I just got carried away. I promise it won't happen again. I'm sorry if I made you feel uncomfortable," he sincerely expressed.

"It's okay. I'm sorry din."

Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nagbaba ng tingin. "Why are you apologizing?"

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon