Gamit ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw, binasa niya ang nilalaman ng librong pambata.
"Ayaw ng kaniyang amang Hari na ipakasal ang kaniyang anak na si prinsesa Ayesha sa lalaking iniibig niya, bagkus ipakakasal siya sa sultan ng Sulu gaya ng napagkasunduan ng dalawang tribo. Napakasakit kay prinsesa Ayesha ang malayo sa kaniyang iniibig na Sultan ng Brunei. Ipinag utos ng Hari na dalhin ang kaniyang anak sa Sulu at maglakbay sa karagatan hanggang sa makarating doon. Subalit, hinarang ang mga mandirigmang ito ng Sultan ng Brunei. Nagtagumpay siyang mailigtas ang Prinsesa Ayesha at magkasama silang umuwi sa kaniyang kaharian. Nabigo ang mga inutusan ng kaniyang amang Hari na proteksyonan ang prinsesa at magawa ang kanilang misyong makarating sa Sulu. Sa takot na sila ay mapugutan ng ulo. Nagpatuloy sila sa paglalayag. Nahati hati ang mga mandirigma sa tagal ng kanilang panahon sa paglalayag. Ang iba ay naging mga pirata na naghahanap ng kayamanan sa karagatan, ang iba ay piniling maglayag nang maglayag at ang iba naman ay naging mangingisda upang mabuhay ng tulad ng karaniwan. Pero kahit naging karaniwang tao na sila naroon pa rin ang kanilang tapang at lakas bilang isang mandirigma. Di kalaunan sila'y tinawag na 'sea gypsies' o man of the seas dahil sa husay nilang mangisda. At dito nga nagsimula ang Alamat ng mga Badjao" nakangiting isinara ng gurong si Johara ang lumang aklat matapos basahin kay Maria ang paborito nitong kuwento.
"ang ganda po talaga guro ng Alamat na yan! Kahit paulit ulit mo pang basahin sa akin yan hinding hindi ako magsasawa" tuwang sabi ni Maria habang kinukuha ang lumang librong hawak ng kausap at ibinalik sa kahon na nasa ilalim ng papag niya.
Tumayo si Johara para tingnan ang sarili sa salamin. Kumurot siya sa bulaklak ng gumamela na nasa labas ng bintana ng bahay nila Maria. Inipit niya ito nang mahigpit at nagpaikot ikot ito sa daliri niya hanggang sa makuha ang katas nito. Idinampi niya agad ang katas sa labi.
Sumunod naman si Maria sa kaniya at nang makita siya sa salamin ay pinalakpakan siya nito.
"ang ganda mo na guro.. " masayang sabi nito sa kaniya.
Piningot ni Johara ang matangos na ilong ni Maria.
"ikaw ang bata bata mo pa, napakagaling mo ng mambola"Kumamot sa ulo si Maria.
"sabi ni Lolo sa akin hindi na ako bata, dalaginding na ako.. Di ba nga sampung taong gulang na ako." depensa nito.Lumuhod si Johara at idinampi ang natitirang katas ng gumamela sa labi niya.
"sige na nga.. O ayan mas mapula na ang labi mo." sabi niya.
Kumatok sa pinto ang Lolo ni Maria.
"magsisimula na ang unang araw ng kasalan. Tayo na guro. Ikaw Naman apo, huwag maingay at magulo. Manood ka dahil balang araw ikaw naman ang ikakasal" saka tinungo ang pinto ng bahay nila at lumabas na.Nagkatinginan si Johara at Maria.
Napakamot uli sa ulo si Maria.
"bata pa ako Lolo.. " habol nito.Natawa si Johara.
"o ngayon bata ka na.. "Nagtawanan ang dalawa.
Inilabas agad ni Maria ang damit ng kaniyang ina.Isinusuot ito ng kaniyang ina noong nabubuhay pa ito sa tuwing may kasalan sa tribo. Matingkad pa rin ang kulay dahil sa husay mangalaga ng mga damit pang okasyon ang ina niya.
"para ka na ring isang badjao guro dahil sa damit ni Naynay"
"talaga ba? --lalo na kapag isinuot ko na itong mga perlas sa ulo ko. " ipinatong na nito ang palamuti sa mga ulo ng kababaihang badjao na kinuha niya mula sa maliit nitong pouch.
Nang makita nila sa salamin.
"lalo na! " sabay pa silang nagsabi nito.Ilang minuto pa, lumabas na rin ang dalawa sa bahay nila Maria.
"salamat sa pagpapahiram nito.. ""syempre ikaw ang guro namin dito, di sumusuko sa amin! "
Ngumiti si Johara sa sinabi niya.
"tingnan mo nakatingin lahat sila sa akin.. "
"Sabi ko sa'yo guro, maganda ka talaga sa suot mo!"
Lumapit na sila sa tumpok ng mga ka-tribo ni Maria na nanonood ng pagsayaw ng Limbai, isang tradisyunal na sayaw para sa pagsalubong sa ikakasal at sa pamilya ng lalaki.
Nagpalakpakan ang lahat ng naroon matapos ang sayaw.
Lumabas ang babaeng ikakasal sa bahay nito habang ang lalaki at ang pamilya nito at naghihintay sa gitna ng kasalan.
"ang ganda ng bride, yong kaniyang damit ngayon halatang mamahalin." sambit ni Johara.
"guro anong bride? " napakunot noo si Maria."bride.. Babaeng ikakasal"
"ahhh... Mayaman kasi yong lalaking mapapangasawa niya. Sabi ni Lola, ang dowry na ibinigay ng lalaki ay higit sa kwarentamil. Balita rito sa buong tribo na lahat ng gastos ay sa lalaki.. " paliwanag ni Maria.
Nakita ni Maria ang kaniyang Lola na nagsasaboy ng bulaklak sa dinadaanan ng babaeng ikakasal.
"gusto ko kapag ikakasal ako, kasama ko pa ang Lolo at lola ko.. " nasambit ni Maria.
Napaluhod uli si Johara nang marinig ito. Seryosong kinausap ang bata.
"wala ka pa sa hustong gulang. Tapusin mo muna ang pag aaral mo. Gaya nong babaeng ikakasal ngayon. Tingnan mo nakapangasawa siya ng edukadong lalaki.. "Tumango si Maria.
"basta ikaw ang guro ko. Kapag iba hindi ko maintindihan. Wikang Badjao kasi ang gamit nila sa pagtuturo. ""maswerte ka napadpad ako rito sa tribo ninyo para magturo ng mga batang gaya mo" inayos ni Johara ang mahabang buhok ni Maria.
"isa kang espesyal na bata rito sa tribo ninyo. Mangarap ka! Mangarap ka para sa pamilya mo, sa tribo mo at para sa sarili mo! "
Pangaral niya kay Maria.Sa isang pribadong sementeryo,
Hinihintay ni Greg na makaalis ang mga taong nakipaglibing. Sinugurado niyang nakaalis na rin sa puntod ng kankyang una ang kaniyang ama at kapatid bago siya lumapit sa puntod.Umaagos ang sunod sunod na luha niya. Nanginginig ang kaniyang mga kamaong nakatiklop. Nakatingin lamang siya sa larawan ng kaniyang ina.
"Mommy... Bakit kailangang mangyari ito sayo?"Napaluhod siya sa lupa.
"Mom.. I don't know how to live without you."Hindi pa rin humihinto ang paghikbi nito.
"kasalanan mo ang lahat ng ito Dad!! Magbabayad ka! " sigaw nito sa puntod ng ina.Ang maliwanag na araw ay biglang nagtago. Kumulimlim ang buong kalangitan. Saka kumulog at umulan nang malakas.
Pero naroon pa rin si Greg. Yakap yakap ang larawan ng ina sa harap ng puntod nito.
Makukulay ang damit ng mga nasa paligid niya. Naaaliw si Maria na pagmasdan ang iba't ibang disenyo ng mga malong na suot ng mga babaeng badjao. Ganoon rin ang mga palamuti sa leeg at sa ulo nila.
Napalibutan din ng mga bulaklak ang paligid ng tribo. Sinamahan pa ito ng mga makukulay na tela na nakasabit sa itaas ng mga puno sa paligid. Lahat ay nagsasayawan. Nakikita niya ang hagikhikan ng mga matatandang badjao. Marahil sa sobrang saya nila at mayroong isang badjao na babae ang ikinasal ngayon.
Napakarami ring pagkain ang nasa gitna ng mahabang lamesa. Natutuwa siya dahil makakakain sila ngayon ng masasarap na pagkain.
"mabuti na lamang tatlong araw pa ang kasalan, ibig sabihin tatlong araw ding kakain ng masarap na pagkain"
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...