Chapter 3 First day of School Pt 2

45 2 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok namin ay naupo na ako sa pinaka komportableng upuan para sakin. Pinaka gilid sa gawi ng pinto at pinaka likod din. Dito kasi ay tapat ng bintana at malapit pa sa exit door.

Ayos to dahil mukha namang sinusunod dito ang tamang paggamit sa mga bagay-bagay. Nakasara kasi ang pintuan sa likod ko at pagpasok palang ay makikita mo ng disiplinado ang mga estudyante dito pero syempre, siguradong may mga eepal dito.

Yung mga kabataang nagpapayamanan na akala ko mo may naipatayo ng sariling negosyo. Wala akong magiging problema kung hindi nila ako papakialaman. Lalo na nitong nakaraang 6 na buwan ay talagang pati sarili ko ay kinakalaban ko pa minsan. Tss.

Most of them are the kind of individuals who mind their own business. That's very good for me since, I may not be an anti-social (nakikipag usap naman ako pag sila ang nauunang magsalita), I really abstain myself from doing social interactions.

Pero mukhang mababago ang atmosphere sa room nato dahil sa kakulitan ng pinsan ko.

Dumukdok lang ako sa arm ng upuan ko since maaga pa naman talaga at dahil first day, for sure hindi pa ganun ka pormal ang set up. I heard Scarlet approaching and put her bag beside my chair pagkatapos ay nagtungo siya upang makipag kilala sa mga kaklase namin.

Pag matagal ko ng nakakasama ang isang tao, I can already distinguish his/her footsteps among the others.

Wala naman akong balak matulog dahil nag aamok talaga ako pag nabibitin sa tulog. Alam ko namang any minute from now ay iingay na ang paligid at magdaratingan na ang iba pa.

Ayo talagang pumasok dahil puro self introduction ang mangyayari at ayoko ng nagpapakilala. Ayoko ng kahit na anong first time actually, they are very uncomfortable kaya gusto ko din ng may sariling mundo.

Isang first lang naman ang gustong gusto ko, at yun ay ang maipaghigante ang mga magulang namin ni Scarlet.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko at humingang malalim dahil baka mawalan ako ng kontrol sa sarili. Kalmado naman akong tao kaya minsan lang mangyari yun.

Sa training namin dati ay magkakasabay kaming magpipinsan at dun ka pipili ng kabakas (partner) mo. Ayoko ng may alagain kaya wala akong pinili maski sino pero hindi ako tinigilan ni Scarlet kaya napapayag nalang ako nung mawala ang parents namin.

Kung hindi ako papayag ay mapupunta kami pareho sa control center at napaka boring nun. Ayaw din ni Scarlet dahil mahilig nga siyang makisalamuha at ayaw niya namang puro computer ang kasama niya araw-araw.

Halos lahat din kasi ng kasabayan namin nun ay natatakot sakin. Tss
Si papa lang ang lagi kong ka sparring nun, ayaw akong ipartner ng mga tita ko sa mga anak nila, baka daw mabalian ko.

Nung una ay nainsulto talaga ako kaya minsan ay pinagdidiskitahan ko sila ng sadya, pero pinagsabihan ako ni papa at pinaintindi ang sitwasyon ko.

Dati pa man ay napansin na daw nila lolo na kontrol sa emosyon ang problema sakin dahil pag ayaw ko sa isang bagay ay bigla ko nalang iyong sisirain, itatapon o sisilaban. Kaya dinisiplina ko din ang sarili ko dahil ayaw ko namang maging sakit sa ulo.

Nang alam kong kalmado na ako ay nagmulat na ako ng mga mata at sinulyapan si Scarlet. Simula ng araw na nakagaanan ko siya ng loob ay nagagawa ko ng maglabas ng mga personal na intindihin sakanya. Nasobrahan nga yata ako ng bait at minsan ay hindi na talaga siya nakikinig sakin.

Ang kabakas ay ang magiging kakampi mo sa lahat ng bagay. Maaari ring maging pinaka mahigpit na kaaway dahil babantayan niyo ang isat isa kung mangangahas ba itong sumuway sa ultimate rule.

Dalawang buwan ko na ring alam na tinamaan na ng lintik tong abnormal nato dahil alam ko namang syota niya ang isa sa mga Cullen, nalaman ko lang ng marinig kong magkikita na daw sila sa school ng sweetie niya.

Wala din naman akong balak ipahamak tong kumag na to kaya babantayan ko nalang.

Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng umingay na ang paligid at nauukupahan na ang mga bakanteng silya.

Nagpaalam na rin si Scarlet sa mga bagong kakilala at umupo na sa tabi ko. Nagkwento siya tungkol sa mga napagusapan nila at ipapakilala niya din daw ako pero maya maya ay sumimangot siyang parang bata ng mapansing hindi naman talaga ako nakikinig. Natawa nalang ako ng bahagya sa itsura niya.

Maya-maya pa ay may isang magandang babae ang pumasom sa room namin. Slim body, short hair at kapansin pansin ang maganda niyang pag ngiti. Maaliwalas ang mukha niya kaya mukhang hindi naman mapapabilang to sa pasakit ngayong taon.

"Magandang araw sa inyong lahat" masayang bati niya. Alam ko na kung anong subject to. "Good morning Mrs. Tagacay" bati ng lahat maliban sakin. Kahit papano ay alam na namin ang mga pangalan ng mga magiging guro namin, nakalagay na sa schedule.

"Papahintulutan ko lamang ang paggamit ng wikang Filipino at dayalektong Tagalog sa aking klase" mahinahon at nakangiti niya pa ring sagot.

"Dahil unang araw, gaya ng nakasanayan ay kailangan niyong magpakilala pero gagamit kayo ng isang pirasong papel at lalapitan niyo ang limang estudyante sa silid na ito at sila ang una ninyong kikilalanin. Kayo ang pipili upang maging interesante ang unang pagpakilala" Hindi ba nangangawit panga neto? Kanina pa siya nakangiti.

"Maliwanag ba?" Pahabol niya pa.

"Maliwanag po." Mind you, si Scarlet ang pinaka masaya dito, pinaka dinig ang boses e.

Nagtayuan na ang lahat, maliban sakin syempre. Mamaya na ako pag konti nalang ang nakatayo. Ganun din naman si Scarlet. Nauuna nila kaming lapitan ni Scarlet at iniaabot ang kanilang papel, nakangiti naman sila kaya pagkatapos ni Scarlet ay nagsulat nalang din ako ng pangalan.

Yung unang lima na lumapit sakin ay sila nalang din ang nilagay ko sa papel ko para di na ako tatayo. Bwahaha.

Nang maramdaman kong may nakatingin ay sinulyapan ko sila at nakita ko ang grupo ng kababaihan na masama ang tingin samin.

Hindi ko nalang sila pinag aksayahan ng oras pero tong katabi ay matamis naman silang nginitian. Sigurado akong ito ang unang makakaranas ng kamalditahan ni Scarlet. Napailing nalang ako habang palihim na natatawa.

Natapos ang maghapon na puro ganun ang ginawa. Magbibigay ang mga guro ng papel atsaka namin isusulat ang mga pangalan namin.

Student's move dito kaya kami ang lumilipat ng room at nagiiba din ang classmates depende sa schedule. Apat na minor subjects 1 hour bawat isa, P.E na isa't kalahating oras, tsaka major na 2 1/2 hours.

Magkapareho kami ng P.E ni Scarlet kaya ayos na din dahil magkakasabay kami lagi kapag uwian.

Hello. How was it?
Suggestions are welcome😊
Enjoy.

Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W  U P D A T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon