Ako si Ria. 4th year highschool na. Sa bukid kami nakatira. Nag aaral ako sa kabilang bayan. Sabi nila, maganda daw ako. Pero di naman. May bestfriend ako na kinakatakutan ng lahat. Si Jenna.
Mabait naman si Jenna eh. Siya yung nirape sa sagingan nila nung 8 years old pa kami. Magkalaro na kami simula nung bata at hanggang ngayon nandito pa rin sya. May hinahanap daw sya. Yung mga nangrape sa kanya.
Mabait naman si Jenna eh. Nung nabubuhay pa sya, napakalapit nya sa mga taga rito mapa mahirap man o mayaman. Gaya sya ng mga magulang nya. Mababait at maaalahanin. Napakaganda rin nya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, mapupungay ang mga mata, manipis ang labi, ang ganda ng ngiti. Di sukat akalain ng mga tao dito na ganun kaaga sya kukunin. At sa ganung paraan. Nahirapan nga ang buong nasasakupan nila mag adjust dahil sa pagkawala ni Jenna.
Ibang iba na ang mukha ngayon ni Jenna. Naaagnas ang mukha, malamlam ang pulang mata, malalim ang boses at napaka dilim ng aura. Nakaka usap ko sya. Palagi syang umiiyak at humihingi ng tulong sakin. Minsan nga nagugulat ako kasi bigla nlng syang sumusulpot. Gusto nya raw maging isang tao. Kahit sa ibang kaanyuan para makapaghiganti. Mangyayari lang daw yun kapag nakahanap kami ng isang babaeng Virgin pa at may gagawin daw kaming ritual sa kanya. Kung ano man yun, ikukwento ko sa inyo.
AN~
HEY. HAHAHA. COMMENT LANG PO KUNG IPAGPAPATULOY. AS YOU CAN SEE, BAGONG WRITER AT FIRST STORY KO TO. HELP ME FIND A NICE COVER PO PARA KAY JENNA AH. THANKEE.--zebraelxcx