10

20 6 0
                                    

Rochete's POV

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Binigay mo na eh. Bawal nang bawiin." naka-pout niyang sabi at kinuha na ang lollipop. "Uy.. ayos ka lang?" tanong niya nang mapansing tulala ako sa ere.

"Ayo-Ayos lang! Syempre." sagot ko at pilit pinakalma ang sarili.

Hindi niya sinadya yun. Aksidente lang na nahawakan niya ang kamay mo Roch, okay? Wag mong bigyan ng kahulugan yon. Bakit ba nagkakaganyan ka?

"Aishh!"

"Huh? B-bakit naiinis ka na naman? D-dahil ba dito sa lollipop? Dahil ba hindi mo nabawi?" sunod-sunod at nakahikbing tanong niya habang napatigil sa pagbubukas nito.

"Huh? Ughh.. Did I say that out loud?" tanong ko at tumango siya.
"Ahh hindi ikaw ang kinaiinisan ko." sabi ko sa kanya.

Yung sarili ko ang kinaiinisan ko! Bakit ba nagkakaganto ako? Nakakainis!

Bumalik ako sa upuan ko at kinain niya na yung lollipop.

"You can always tell me a story." sabi ko at ngumiti lang siya.
_______

8:15pm na at kakaalis lang ng mga kaklase ko at ng iba pang estudyante.

"Hay.. bakit kaya di ka pa rin bumabalik sa dati?" tanong ko habang nakaupo kami sa stage magkatabi.

"Di ko rin alam." sabi niya at nakatingin lang sa'kin.

"Rochete!" tawag nung makulit na transferee nung biyernes na Darwin pala ang pangalan at kaklase ko pa.

"Ano?" inis na tanong ko.

"Anong ginagawa mo diyan?" sabi niya at umakyat sa stage at naupo sa tabi ko. Tagusan lang sa kanya si YuRyeong.

Tumayo si YuRyeong at lumipat sa kabilang side ko.
"Yieee, may crush yata yan sa'yo." asar ni YuRyeong at umirap lang ako.

"Bakit di ka pa umuuwi?" tanong naman ni Darwin.

"Eh ikaw? Bakit di ka pa nauwi?" inis pa rin at mataray na tanong ko.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin noh?" tanong niya at pinisil pa ang ilong ko.

"Ano ba?!" agad ko namang tinabig ang kamay niya.

Sinakbit ko ang bag ko at tumayo ako nang hilahin niya ako dahilan para mapaupo ulit ako.

"Uh-oh!" sabi lang ni YuRyeong na di man lang nag-abalang tulungan ako.

"Stay with me." sabi ni Darwin.

"Bitawan mo nga ako!" sabi ko at pinilit magpumiglas sa mahigpit niyang hawak sa braso ko.

"Alam mo bang kalat na ang balita tungkol sa'yo? Na nakakakita ka raw ng multo?" mausisang tanong niya at naramdaman kong may humila sa'kin patayo dahilan para mabitiwan ako ni Darwin.

"Binabastos ka ba ng isang yan?" tanong ni Yuri habang hawak ako sa kaliwang braso.
Tumayo si Darwin.

"Yuri Marquez. Well, nice to meet you but can you please excuse us?" nakangiti pero madiing sabi ni Darwin at hinila naman ang kanang braso ko.

"Kaka-transfer mo lang dito, kung makaasta ka parang kilalang kilala mo na ako ah?" madiing sabi rin ni Yuri at hinila ako palapit sa kanya.

"Di na yun importante. You know what's important?" nakangising tanong ni Darwin.
"She's mine." at hinila ako ni Darwin.

"Ano ba?! Tama na! Bitawan nyo ako!" sabi ko pero walang bumibitaw sa kanila.

Nagulat ako nang may humawak sa dalawang braso ko mula sa likuran at hinila niya ako mula sa pagkakahawak nina Yuri at Darwin.
"Okay ka lang?" tanong niya habang hawak pa rin ang mga braso ko mula sa likuran.

Hindi ko man siya kita, ramdam ko at sigurado akong siya si Yu Ryeong.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
Haharapin ko sana siya nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at pigilan.

"Hindi nila ako nakikita. Pag lumingon ka sa'kin, baka isipin na naman nilang baliw ka, at ayaw kong mangyari yun." sabi niya kaya di ako lumingon.

Natauhan ako nang suntukin ni Darwin si Yuri.
"A-anong nangyayari? Yuri!" sabi ko at nilapitan ang natumbang si Yuri.

"Halika na, Roch." sabi ni Darwin at hinigit ako pero di ako nagpahila.

Tinulungan ko si Yuri na makatayo.
"Okay ka lang?" tanong ko.

"Okay lang." sabi niya at hinila ako papunta sa likuran niya.
Pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi niya.

"She's never been yours, and will never be." sabi ni Yuri at may biglang pumito.

"Kayo, ba't di pa kayo nagsisi-uwi?" Anong nangyayari dito? Sa stage talaga kayo magpapatayan? Oh sige! Magpatayan kayo! Ako yung audience! Ano bang title ng movie na 'to, Agawan? Sumama kayo sa'kin sa office!" mahabang speech ni sir Carandang na disciplinarian ng paaralang ito.

"Uh-oh..." rinig ko pang sabi ni YuRyeong bago ako tuluyang bumaba ng stage.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon