13

14 4 0
                                    

Rochete's POV

"YuRyeong, bakit?" sabi ko habang naka-focus sa pagkain ng burger.

"Nandito ba siya ngayon?" tanong niya na di man lang sinagot ang tanong ko.

"Bakit nga?" tanong ko ulit na may bahid ng pagka-irita.

"Basta. Sabihin mo na kung nandito siya. Kung kasama natin siya ngayon dito." pangungulit niya na nababahiran na rin ng pagkairita.

"Oo." tipid na sagot ko habang busy sa pagkain.

"Dito ba sa side na 'to?" tanong niya ulit at itinuro ang katabi kong bakanteng upuan kung saan walang tao, walang multo, walang YuRyeong.

"Ayun." sabi ko at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya kung saan nakaupo si YuRyeong.

"Hi!" nakangiting bati ni YuRyeong kay Yuri kahit na di naman siya nakikita't naririnig nito.

"Multo. I-I mean, YuRyeong. Nakakaselos ka na ah. Naiinis na ako sa'yo. Tingnan mo, ikaw na 'tong gustong kasabay ng bestfriend ko. Kung nakikita lang sana kita, baka mas nakakakampante pa. Baka mamaya... nagpapacute ka sa bestfriend ko ha. Naku, bubugbugin talaga kita pag nakita kita." kausap ni Yuri sa upuan, este kay YuRyeong pala.

Eh pano ba naman, dahil di niya kita si YuRyeong, sa upuan siya nakatingin.

Nakahikbi si YuRyeong.
"Sorry." sabi niya at halos maibuga ko ang iniinom kong tubig.

Halos mautas ako ng kakatawa.

"Bakit?" naguguluhan pero natatawang tanong ni Yuri sa'kin.

"Alam mo... kung makikita mo lang yung.. reaksyon niya.. HAHAHAH!" pigil-tawa ko pero in the end, di ko rin napigil.

"Akala ko naman ako yung nagpatawa sa'yo eh." nagseselos na sabi ni Yuri at natigilan ako sa pagtawa.

"Ehh... kasi.. natatawa ako sa reaksyon niya. You should have seen his face. Parang 3 years old na pinagalitan ng magulang dahil naglaro sa putikan." medyo natatawa pa ring sabi ko.

"Rae... ang cute mo pag tumatawa, hahahaha!" tumatawang sabi ni YuRyeong at nag-init ang mukha ko.

"Roch... Alam kong matagal mo nang alam pero gusto ko lang sabihin na... Gusto kita. Gustong-gusto kita. Kaya sorry kung nagseselos ako kahit wala akong karapatan." sabi ni Yuri na nakapagpawala ng atensyon ko kay YuRyeong.

"Sus, drama mo." sabi ko at sinuntok pa siya sa braso.
_____
"Dahil sa nangyari kahapon, dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo at lumaban." sabi ni YuRyeong habang ipinu-posisyon nang maayos ang mga kamao ko.

Hindi naman ako  maka-focus dahil naiilang ako sa puwesto namin pero sa kanya, balewala lang.
Nasa likod ko kasi siya habang hawak niya ang dalawang kamao ko at pinupwesto ito nang maayos at kino-control kung paano ang gagawin kong pagsalag o pag-atake.
Pakiramdam ko kasi yakap niya ako kaya naiilang ako.

"Rae." tawag niya gamit ang ginawa niyang nickname sa'kin.

"Oh? Bakit?" tanong ko nang makita siyang nasa unahan ko at nakatayong nakatitig sa'kin.

Bigla na lang siyang nag-pout, nagkamot sa ulo at nagpapadyak na parang bata.
"Hindi ka naman nakikinig eh." naiinis na sabi niya habang nagpapapadyak pa rin.

"Huh? Ahh e-eto na nga." sabi ko at ginawa ang ilan sa mga natatandaan kong itinuro niya kanina.
______

"Hayyy.. nakakapagod." 
Hinihingal at pawisan akong umupo sa sahig ng backstage.

"Mabilis ka naman palang matuto kahit minsan natutulala ka." sabi ni YuRyeong pagkainom na pagkainom ko ng tubig.

"Magaling ka naman palang magturo kahit minsan isip-bata ka." sabi ko naman at nag-pout lang siya na mas lalo namang nagpa-cute sa kanya.
______
P. E. class ngayon at lahat kami ay nasa labas.

Ang nakakapagtaka ay hindi ko pa nakikita si YuRyeong mula kaninang umaga. Hindi ko siya nadatnan sa armchair ko na nakakapanibago kaya naman kanina pa akong di mapakali dito.

"Rae!" nakangiting bati niya papalapit sa'kin.

Lalapit na sana ko at papagalitan siya dahil sobra niya akong pinag-alala nang bigla na lang siyang matumba at may humawak naman sa braso ko.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon