Chapter 7

29 4 0
                                    

{CHAPTER 7}

Goodluck sa exam!

~M.I

Yan yung nakalagay sa mesa ko na may roses.


"Uy ano yan?  Anong meron kayo ni Matteo?  Bakit may paganyan ganyan na Siya. Ikaw ah hindi ka na nag ko kwento" Alyssa said.

"Kwento ko nalang mamaya mag rereview pa ako eh. Sorry" pag sisinungaling ko kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ako makaka concentrate.

Kinalabit niya ako "Dali na!  Alam ko na naka review ka na no'n pa!" pangatwiran niya.


Tinignan ko si Matteo na nakangiti. Lumapit siya sa'min ni Alyssa saka siya umupo sa kabilang arm chair. Naiilang ko din siyang tinignan. Tinignan ko din si Alyssa na tahimik na bumalik sa libro kahit na baliktad naman. Napag hahalataan naman siya eh!


"Nag breakfast kana?  " tanong niya

"Hmmm hindi pa eh medyo late na kasi ako nagising kanina" namumula kong sabi


Hinawakan niya yung kamay at hinila niya sa kung saan. Saan kaya ako dadalhin nito? Kung makahila naman akala mo hindi ako tao.

" Izannnn! Saan ba tayo pupunta!?" sigaw ko.

Hindi naman siya mabilis tumakbo pero ang lalaki naman ng hakbang niya.



Nasagot ang tanong ko dahil andito kami sa cafeteria. Pinaupo niya ako sa pang dalawang upuan. Tsaka siya nag order. Dark chocolate cupcake. Tapos dalawang drinks, orange juice.



"Bakit andami? " totoo binili niya yata lahat ng cupcake.

" Sa susunod kung ayaw mo ng pinapakain kita. Dapat kumain ka na. " matigas na sabi niya sabay ngiti sakin.

"Mag re review pa ako" alibi ko.

"Ako na lang mag review sayo. Basahin ko nalang at sagutan mo habang kumakain ka" aniya




Wala na akong nagawa pa. Natapos na ko at pagkarating namin sa classroom ay sakto namang nag bell. Una ay inayos muna namin yung upuan. 10 persons yung lalabas, ayoko sanang lumabas Kaso nga lang ako yung pinili ni Mr. Manangan. Si Alyssa ay sa labas din pero si Matteo ay sa loob. Hindi naman 'yon ang kaso sa'kin ayoko lang talaga sa labas kasi masyadong maraming dumadaan.



Natapos ang exam namin,  maaga kami umuwi para makapag handa sa exam namin bukas . Tatlong subject nalang kaya Baka halfday lang kami. Tapos checking na siguro tapos may ipapagawa silang mga activities. Pag katapos non ay intramurals na siguro sasali nalang ako sa badminton. Matanong nga kay Matteo kung saan siya sasali.

Nilapitan akong Matteo saka niya ako kinalabit pero hindi ko siya pinansin at inayos ko na 'yong mga gamit ko.


"Ihahatid na kita" kalabit ni Matteo

"Sige." tipid kong sagot.

"Tipid naman sumagot " sabi niya sabay ngiti sakin

Matipid ba 'yon?

"Sige, sige,  sige, si-" pamimilosopo ko pero tinakpan niya 'yong bunganga ko nong kamay niya.

"Sinabi ko na ang tipid mo lang sumagot,  pero hindi ko sinabi na pilosopohin mo 'yong pagsasalita mo " Kunot noo niyang sabi.

"Ah gano'n ba 'yon? " Mas lalo pa niyang pinag salubong 'yong kilay niya


Tumawa din siya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Sa totoo lang hindi ko siya makilala minsan. Para siyang baliw at the same time napaka seryoso. Kailangan ko mag isip ng sasabihin kong iba,  baka kasi masiraan na siya ng bait.



Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now