Chapter 16: PalaTwo✔️

456 20 1
                                    

——————————————
CHAPTER 16

ALDI'S POV

Nagising ako dahil may mahinang yumugyug sa katawan ko. Humikab muna ako at idinilat ang aking mata.

"Good morning my princess. Wake up na 'cause it's your day," saad niya sa'kin.

Tiningnan ko siya, ang ganda ng ngiti ni Gab kaya sinuklian ko din ito ng ngiti. Sino ba naman ang hindi ngingiti kung ang bubungad sa umaga mo ay isang matamis na ngiti na galing sa mahal mo.

Kinamot ko ang mata ko. Kinapa ko ito baka may muta. Buti at wala.

"Happy Birthday prinsesa ko." Hinalikan niya ang noo ko at ginulo ang buhok ko.

"Thank you," binigyan ko siya ng matamis na ngiti ko.

"Maligo ka na, alas syete na ng umaga" saad ni Gab.

Tinungo ko agad ang banyo at makaraan ang kinse minutos ay lumabas ako at nadatnan si Gab na nagbibihis ng damit.

Black and white na hawaiian shirt at puting short ang suot niya naka puting hat din ito. Naka unbutton ang tatlong butones at nakikita ang kanyang maputing dibdib. Nakikita din ang upper part ng abs niya dahil dito.

Kinuha ko ang damit ko sa closet at pumunta sa banyo para do'n magbihis. Naka green na hawaiian shirt at white short ako.

Nang lumabas ako sa banyo ay ngumiti si Gab sa'kin.

"Aldi, okay lang ba ang suot ko. Mas gumwapo ba ako." sabay ayos sa kanyang shirt at pa-pogi.

Natawa ako sa kanya. "Oo na. Ikaw na ang pinaka-pogi sa islang 'to"

Kinurot ko ang ilong niya at natawa nalang kami pareho.

"Tara na sa baba?"

Tumango ako at lumabas na kami ng kwarto. Bumaba na kami at pumunta sa function hall. Nadatnan namin silang lahat sa pasilyo ng hall. Si Mama at Papa ay may kausap na babae. Staff ng Resort siguro ito. Nakuha namin ang atensyon nila.

"Boys! Tapos na kaming kumain ng tito niyo. Kumain na kayo. Ina-asikaso lang namin ang mangyayari mamaya sa function hall," saad ni mama.

"Tita hindi kami lahat boys no!" wika ni Ricardo.

Tumawa lang si mama sa turan ng kaibigan ko.

"Ma, ba't sa function hall pa? Pito lang tayo at ang laki ng espasyo do'n. Pwede naman do'n sa cottage sa may dalampasigan," mungkahi ko.

"Oo nga tita para less gastos. Kayo pa naman ang sumagot ng pamasahe at gastos namin dito sa resort," sabat pa ni Zeke.

"Mga anakshies, okay lang na kami ang gumastos dahil bisita namin kayo," sabi ni mama.

"'Tita mas maganda ang tanawin do'n sa may bandang dagat tita, do'n nalang tayo," dagdag ni Cree.

"Tutal ay lahat naman kayo ay gusto do'n. Edi do'n na tayo" ngiting sabi ni papa at bumaling sa staff ng resort. "Miss, do'n nalang po kami sa kubo"

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon