Youth Camp - 2
***
Ganun pa rin ang mukha niya nung mapalingon ulit ako sa kanya. Poker face, malapit ng magdikit ang kilay sa sobrang kunot ng noo, mukhang may galit sa mundo, nakasimangot, UGH! Nakakabad vibes!
Hindi na ako makakoncentrate sa ginagawa namin. Nakakainis kasi!
“Nik, may problema ba?”
Problema?! Ayan oh! Problema ang mukha! Naiintindihan naman kita Kuya kung naiinitan ka kasi ganun din yung nararamdaman ko pero yung irapan ako at mag-‘tss’?
Great. Just Great!
Napailing na lang ako kay Sab at humarap na kasi tapos na yung navidadau na pinagawa samin. Pinaupo na ulit kami. Actually masakit na sa pwet. Hmp!
Nagstart na silang magsalita kung anu-ano. Parang mini mass kasi may gospel din ganun. Pagkatapos ng gospel, may time na silence lang tapos pinapunta bawat parish at school sa harapan para makita yung bible. Dinasalan lang namin ito at saka bumalik na sa pagkakaupo.
Pagkatapos ng mga prayer prayer ay pinatayo na kami kasi blessing niggun na. Parang closing prayer na ‘to.
Nagbuo kami ng dalawang circle pero sa dami namin, hinati hati kami kaya mga anim na bilog ang nagawa namin. Sa bawat bilog may bilog sa loob. Wait, ang gulo ba? Basahin niyo ulit.
“Yung mga nakaorange sa loob na lang.”
“Oo nga.”
Nahiya naman kaming lahat. Kita niyo, kapansin pansin yung suot naming orange. Pumunta nalang kaming lahat sa loob at nagform ng circle.
Pagkatapos ng ilan pang paalala ng mga animator, nagstart na yung tugtog. Naitanong ko sa sarili ko kung bakit nasa harapan ko si Sab?
“Sab!” suway ko pero pabulong lang “Wag mo ngang laruin!”
Hindi niya ako pinakinggan kasi nung bandang maghaharapan na at para pupurihin yung gitna na paabante, ginawa nanaman ni Sab yung kahindik-hindik na gawain niya. Muntik na tuloy akong matawa sakanya! Buti na lang at napigilan ko at nabaling ang atensyon ko sa iba.
o_O
T-totoo ba ‘tong nakikita ko? Y-yung kaninang lalaking halos pagsakluban ng langit at lupa ang mukha, nakangiti na?
Ang cute niya pala pag nakangiti.
*Iling-iling*
Anu ba Nikka? Akala ko ba galit ka sakanya? Tsk.
Matapos ang ilang ikot at abante, natapos din, “Good Afternoon Campers! Sit down for the orientation.”
BINABASA MO ANG
Youth Camp (Short Story) [On Hold]
Подростковая литератураNa-inspire ako sa Christ the King Youth Camp (CTKYC 2014) namin kaya ko 'to nasulat. Hahaha lol, habang sessions nga, nagsusulat ako sa notebook. Buti hindi ako nahuhuli XD Lahat po ng events/nangyari/schedule is based on our CTKYC. Pero yung mga sc...