Chapter 21: Hot, spicy soporific love making

347 6 3
                                    

Kung asa bingit ka ng kamatayan, ano ang unang unang papasok sa isip mo? Siguro makikita mo yung buong span ng buhay mo, yung mga bagay na masasaya, yung mga taong mahal mo at maiiwan mo kung sakaling mawala ka na nga. Pero kung iisipin, wala naman akong maiiwan sa mundo, ano mang oras pwede na akong mamatay ng wala man lang nakakaalam.


Pwede na akong umalis at walang makakapansin dahil wala na akong taong pinapahalagahan tulad ng dati. Wala na rin yung taong hinahangaan ko at tinitingala noon. Kaya sa paglisan ko sa mundo, siguro para lang akong hangin na dumaan at muling nawala. Meron mang makapansin, makakalimot rin.


Nung buong akala ko ay nilamon na ako ng kadiliman ay nakaramdam ako ng isang kaunting galaw, isang pintig sa tapat ng aking dibdib at hangin na pumapaypay sa aking mga labi.


Minulat ko ang aking mga mata pero hindi masyadong malinaw ang paningin ko. Ikinurap ko iyong muli hanggang sa wakas ay maaninag ko ang asa aking harapan.


"Nasaktan ka ba?" mga salitang unang rumehistro sa aking tenga. Umiwas agad ako ng tingin sabay ng mabilis na pagtayo.


Sh.t anong ginagawa ko at nakadapa ako sa ibabaw niya?


"Tinatanong kita nasaktan ka ba?" pag-uulit niya na sinagot ko naman ng iling. Wala naman akong natamong ni isang gasgas at lalong hindi naman ako napilayan.


Pinanood ko siyang tumayo at pagpapagan yung pantalon niya. "Thanks." bulong ko. Kung hindi dahil sa kanya baka nahagip na ako ng kotse na yun.


Kumunot naman yung noo niya habang nakatingin sa akin. "Bat ka kasi naglalakad sa gitna ng kalsada?"


Naningkit yung mga mata kong tinitigan siya. "Hindi mo ba nakitang talagang gusto akong sagasaan nung kotse na yun?" iritableng sagot ko.


Niligtas niya ako, fine. Nagpasalamat na ako di ba, pero ang pagsabihan ako sa dapat at di ko dapat ginawa? Ano ako tanga na alam na ngang may dadaan tapos hindi tatabi?


Umiwas naman ako nung makita kong umandar yung sasakyan tapos nun nga mas lalong binilisan nung driver yung kotse niya. Ramdam ko talaga na nananadya yun eh.


"Whatever." napatingin ako ulit kay Mervin nung magsalita siya. "Kumain na nga lang tayo." Pagpapatuloy niya saka nauna nang maglakad.


Tinitigan ko lang yung likod niya habang nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Wala akong balak na sumunod sa kanya dahil iritable pa rin ako sa sinabi niya.


Lumingon siya sa akin na para bang nagtataka. "Ano hindi ka susunod?" tanong niya at tuluyan na ngang tumigil at humarap sa akin.


"Hindi." tipid kong sagot habang naniningkit pa rin yung mga mata kong nakatingin sa kanya. Yumuko siya at sumipa ng kung ano sa semento at muling naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.


Nabigla na lang ako ng higitin niya yung kamay ko at kaladkarin kung san.


"Kaya kong maglakad mag-isa." iritable kong sambit pero umiling lang siya. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya sa panahong iyon pero nararamdaman kong nakaismid siya, siguro? Basta pansamantala siyang nanahimik habang kinakaladkad pa rin niya ako.


Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin pero mahigpit iyon kaya mas lalong nadadagdagan yung pagka-irita ko. "Judging by the looks of it, hindi ka naman willing sumama kahit pakiusapan pa kita ng maayos. You're the type that when you put your mind to something, you stick to it no matter what. Kaya alam kong hindi ka sasama unless kaladkarin kita dito."


Napatunghay ako sa kanya at nawala ang kunot sa noo ko. Anong sabi niya? Saka is this some kind of effect ng mood swings pag meron ka? If it is, I don't like it. Nagiging mas iritable ako at bigla bigla na lang nabblanko ang emotions ko kaya nung marinig ko yung sinabi niya ay hindi ko alam kung anong dapat kong isagot, more like hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon