"Manang! Manang?!"Panay ang tanaw niya sa malaking mansion. Ilang ulit niyang pinindot ang doorbell sa gilid ng malaking gate habang tumatanaw sa loob. Ilang sandali pa ay nakita niya si Julie na palabas ng mansion. Kumunot ang noo nito nang makita siya.
"Oh hon..." Anito at pinagbuksan siya ng gate.
"Kanina pa 'ko dito bakit hindi mo 'ko pinagbubuksan?" Aniya habang sumisilip sa loob.
"I'm sorry, nag-aasikaso kasi ako sa kusina. Wala na kasi si manang."
Napatingin siya dito. "What?!"
Bumuga ito ng hangin. "Sinama ni Don Kiko para may alalay si Sandra. Well, kay manang lang naman kasi komportable 'yan si Sandra bukod kay Cedrick."
"Wait, wait, what do you mean? Wala dito si Sandra?" Gulat na tanong niya. Ilang sandali itong tumitig sakanya pagkuway tumango.
"Yes. Dinala siya ni Don Kiko kaninang umaga, matagal na talagang pinagplanuhan ni Don Kiko na dalhin si Sandra sa state para mas mapadali ang recovery niya. Kasama din nila si Cedrick." Sabi nito. Hindi niya alam kung ilang beses siyang kumurap pagkuway tumingin sa mansion partikular sa itaas.
'She just leave me? Pero imposible 'yon....'
Binalingan niya si Julie at ilang sandaling tinitigan ito.
"Kung ganon ikaw lang pala ang nandito?" Nakangising sabi niya. Tumaas naman ang sulok ng labi nito at ikinawit ang braso sa leeg niya.
"Yes.... so, kaya kaba pumunta dito dahil sakin?"
Natawa siya ng mahina at pinulupot ang braso sa bewang nito. "Oo naman, may iba pa ba akong dapat puntahan dito?"
"Lately kasi palaging si Sandra na lang ang hinahanap mo... nagseselos na 'ko." Nakangusong sabi nito.
"Ngayon hindi na.... papasukin mo ba 'ko?" Aniya dito. Ngumiti naman ito at tumango saka siya hinila papasok sa mansion. Pasimple niyang nilibot ng tingin ang buong paligid.
"Nasaan ang dad mo?" Tanong niya kay Julie.
"Ayon, out of town din." Sabi ng dalaga habang panay ang hila sakanya.
"Hey..." Bumaling ito sakanya. "...would you like to eat first?"
"Nah, i'm full.." Sabi niya dito. Nang-aakit ang ngiti na hinila naman siya nito paakyat ng hagdan. Pasimple siyang tumingin sa kwarto ni Sandra, nakasara ang pinto nito at hindi niya tiyak kung nandito ba ang dalaga. Malakas ang pakiramdam niya na may nangyari kanina, pati na rin ang tumawag sakanya alam niyang boses 'yon ng matanda. Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay humarap agad sakanya si Julie at akmang aabutin ang labi niya.
Mabilis siyang lumayo dito. "Gusto ko munang mag-shower hon." Nakangiting sabi niya.
Nakangiting kumalas ito sakanya at naupo ito sa paanan ng kama. "Sure hon, i'll wait for you."
Dumeretso naman siya sa banyo saka sinara ang pinto sa likuran. Kinuha niya ang maliit na animo'y spray sa likod ng suot niyang pantalon at saka sumilip sa labas. Nakita niyang abala sa paghubad ng damit si Julie, mabilis niyang ini-spray ang hawak sa labas saka sinara ang pinto. Ilang minuto ang binilang niya bago siya muling lumabas. Nakita niyang nakahiga na si Julie sa kama, hindi pa nito halos nahuhubad ang suot nitong damit. Walang emosyon na lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa kabila.

BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...