Sulat para sa kaibigan

693 1 0
                                    

Dear Love,

Asan ka na nga ba? Ang dami daming tao ang naghahanap sayo. Ang daming tao na nais matagpuan ka. May iba na napagod na, may iba na naghahanap pa. Pero hanggang kelan ka nga ba nila hahanapin? Hanggan kelan sila magiintay na duamaan ka sa harap nila? San ka nga ba nagtatago? Napakahirap mo namang hanapin. May iba na nainip na at di ka na natagpuan, may iba naman na sinuwerte at nakita ka agad. Haaay.. Ilang puso pa kaya ang masusugatan? Ilang tao pa kaya ang uuwing luhaan? Sana mabawasan na sila noh, kasi ang hirap mabuhay sa mundo na puro kasama mo ay malungkot at aburido. Sana makita ka na ng ibang tao. Sana wala ng taong kailangan pang magpakahirap para matagpuan ka lang. Yung pag hahanap kasi sayo ay parang isang gera, kelangan mo muna makidigma bago matamo ang ginhawa. Pero hanggang kelan sila didigma? Hangang kelan sila makikipaglaban makamit ka lamang? Sana lahat ng tao maging masaya na. sana lahat ng tao may ngiti na sa kanilang mga mukha. KAsi ang sarap sa feeling ng alam mo na may nagmamahal sayo, yung alam mo na may umaalala sayo araw araw, yung may yayakap sayo ng mahigpit kapag may pinagdadaanan ka. Ano kayang itsura ng mundo kung lahat ng tao ay masaya, siguro lahat tayo walang puot at galit sating mga mukha, siguro kay saya saya ng bawat araw natin. Sana lahat tayo maging masaya, sana malapit na yung panahon na yun. Sana..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat para sa kaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon