Chapter 23

60 3 1
                                    

Aurelis's POV

Napapawhistle pa ako habang ioopen na ang dummy account ko na medyo matagal ko ng hindi na nabuksan pa. Noong huling attempt ko na buksan 'yon, no'ng galing pa kami ni Bluster sa bahay ng Mama niya.

Maraming notif na nangangamusta sa akin dahil medyo kilala na rin naman itong account ko dahil sa pambabash.

Rew: Y'all still love Blake despite all of his fucking issues? Lol.

Tema: Tru lang, mamsh! Pangit naman ng idol nila at mukha pang basura kung umarte.

Agad akong napairap ng may makitang tweet na binabash siya. Kung noon, ako lang itong madalas mambash mukhang sa tagal kong nawala, may kapalit na ako.

Agad ko namang niretweet 'yon na may kasamang comment.

Lis: Pakita muna ng mukha. Haha. Mas pangit ka siguro, baho pa ng hininga mo, baho ng ugali ^_^

Madami naman na nagreply sa tweet ko na 'yon, mukhang nanibago na ang iba.

Leah: Ano? Fan ka na ulit, Lis? Edi kinain mo din ang mga sinabi mo. Haha.

Rereply-an ko na sana isa isa ang mga retweet nila pati na rin ang replies kaya lang ay biglang may nagpop na notification, may nagmessage sa akin.

blublubluh: You're now a fan ha?

Lis: Well, I just think that he's not that bad :))

Hindi ko na nakita pa ang reply nito dahil agad akong napatingin kina Reese at Archer na siyang nagtatawanan sa gilid. Kanina ko pa pinipilit na hindi pansinin ang ingay ng dalawang ito kaya lang ay hindi ko na ata talaga mapipigilan pa.

Maybe I was also kind of jealous dahil kung dati ako 'yong pinupuntahan ni Reese dito sa bahay, ngayon ay iba na. Naiintindihan ko na naging close sila dahil sa training pero ako itong bestfriend diba?

Hindi ko alam kung mapapatawa na lang ako sa sarili o ano dahil sa pagiging selosa ko. Ilang araw na rin na hindi kami nagpapansinan nitong si Reese, hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang wala ng usap. Baka hindi na mahalaga kaya ganoon?

Padabog akong tumayo dahil sa ingay nila at nagtangkang lumabas. Kita kp na agad na nagulat sila sa akin at pinagmasdan pa ako. Palabas pa lang ako ay nagtanong na agad si Archer.

"Saan ka pupunta, Aure?"tanong niya sa akin.

"Papahangin sa labas."simpleng sambit ko at naglakad na ako patungo sa labas.

"Bakit nandito ka na, Aure?"tanong ni Mama.

"Papahangin po sa labas."dire-diretso na akong lumabas dahil wala naman na akong magawa. Agad akong napasunod kay Bluster na siyang naglalakad habang nagcecellphone. Nakangiti pa ito kaya agad akong napangiwi.

Pasimple naman akong nakikitingin sa phone niya ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ginagawa nito.

Agad kong hinablot ang cellphone sa kanya at tinignang mabuti ang username nito.

"What the?! Ikaw si blublubluh?!"malakas kong sigaw sa kanya. Pinagmasdan ko naman ang pamumula ng mukha nito at agad na hinablot sa akin ang cellphone niya.

"Why? Do you know me?"tanong niya at nilapit pa ang mukha sa akin. Napalunok naman ako, well, hindi niya naman alam na ako 'yong nakakausap niya diba?

"Hindi!"malakas kong sigaw at tinulak siya.

"Sinungaling."sabi niya at pinitik pa ako sa noo.

"So alam mo na ako 'yon?!"malakas kong tanong sa kanya.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon