"Mika! Anong ginawa mo kay pareng Drick ha? Bakit absent siya ngayon?"
Agad na tanong ni Brent sa kanya matapos niyang pumasok sa loob ng classroom. Nagrecess kasi sila nina Zyrina at Clara sa canteen.
"Hoy, aba! Wala akong ginawa sa kanya! Malay ko ba kung bakit absent 'yon"
Sabi naman niya kay Brent dahil kanina pa siya nito kinukulit na may ginawa daw siyang masama kay Drick kaya ito absent ngayon.
"Umamin ka na kasi! Ano ngang ginawa mo sa kanya? Nako! Kapag may nangyaring masama doon ay ikaw ang sisisihin ko!"
"Wala nga akong ginawa sa kanya eh!"
"Kayong dalawa d'yan, magsisimula na naman kayo ng away. Agang-aga pa lang ay sigawan agad kayo d'yan ng sigawan"
Natatawang sabi ni Clara at natatawang inakbayan naman siya ni Brent.
"Ganto lang talaga kami maglambingan ni Mika, 'diba?"
Tanong nito sa kanya at napailing-iling na lang siya saka siniko ang tiyan nito. Napa-igik naman ito na ikinangisi niya.
"Gan'yan ako maglambing sa'yo"
Sabi niya saka bumalik na sa upuan at natawa naman sina Clara at Zyrina. Maya-maya naman ay dumating na ang subject teacher nila.
"Nasaan si Lilac?"
Tanong niya kay Mark na nasa unahan lang niya at mukhang walang balak magsulat dahil panay lang ang kain nito ng candy kahit na may teacher pa sila sa unahan.
"Katabi ni Kisses, ano pa bang bago doon?"
Napatango-tango naman siya saka napatingin kay Brent nang batuhin siya nito ng isang crumpled paper sa ulo.
"Bakit?"
"Paupo ako d'yan, pwede?"
Tanong nito at tumango naman siya tutal ay wala naman si Lilac. Isa pa ay gusto rin niyang makatabi ito.
"Tapos ka ng magsulat?"
Tanong niya dito nang makaupo ito at agad naman itong tumango.
"Tinapos ko na agad, alam ko namang sesermonan mo na naman ako 'pag 'di ko tinapos agad"
"Buti alam mo"
"Ikaw ba? Tapos ka na?"
Tanong naman nito habang nakataas pa ang isang kilay.
"Hindi pa pero patapos na"
"Ano ba 'yan, Mika? Daig pa kita"
Natatawang sabi nito at natawa din naman siya.
"Wow, at least tinatapos ko naman"
"Tapusin mo na dali!"
"Bakit?"
Tanong niya ngunit nginitian lang siya nito kaya naman ipinagpatuloy na lang niya ang pagsusulat. Matapos magsulat ay agad siyang humarap dito.
"May sasabihin ka ba?"
"Pwedeng mag-open?"
"Sure, ano ba 'yon?"
Sagot naman niya at pinalapit naman siya nito bago nagsimulang mag-open. Nakinig lang siya dito at ito naman ay tuloy-tuloy lang sa pagsasalita.
Talagang detalyado ang paraan ng pakukwento nito at kung ibang tao siguro ang nagkukwento sa kanya ng ganoon ay baka kanina pa siyang nawalan ng ganang makinig.
"Uso pala talaga ang favoritism sa pamilya niyo 'no?"
"Oo at malas ko lang kasi hindi ako paborito"
Naiiling-iling na sabi nito at nakaramdam naman siya ng lungkot para dito.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"