KBANG (Chapter 22)

87 5 0
                                    

(FRIENDLY DATE)
***

ELLA

"Tapos na akong mag-palit" wika ko paglabas na paglabas ko pa lamang sa girls comfort room.

Kasalukuyang naka sandal si Chris sa pader ngunit agad din siyang napa tayo at napa-ayos ng salamin nang marinig niya ako. Buti na lang talaga may spare uniform ako sa locker ko.

"Good, let's go" maikli niyang sagot saka naglakad.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaki na 'to basta sumunod na lang ako. Besides, wala akong karapatang mag reklamo sa manyak na color blind na magnanakaw ng halik na 'to dahil may utang na loob pa ko sa kaniya.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa kotse niya.

"Get in" maikli niyang utos saka sumakay sa driver's seat, umupo ako sa shotgun seat ng walang imik. Inilagay ko ang seatbelt ko. Sinugurado kong tama ang pagkakahila ko dahil baka mamaya na naman siya ang gumawa tapos halikan niya ako—wait, nag aanticipate na naman ba ako na mahalikan niya?

Umayos ka nga Ella!

"Are you okay now?" tanong niya habang nag d-drive.

"O-okay lang ako" sagot ko. "Siya nga pala Chris, salamat sa pagtulong sa akin kanina ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka do'n kanina"

"Wag mong isipin 'yon, I owe you a lot at isa pa, we're friends naman na 'di ba?" he stared at me coldly.

Ano ba 'yan! Ang lamig na nga ng aircon dito sa loob ng kotse niya ang lamig pa ng mga titig niya, freezer 'to te tapos ako 'yong karne?

"Wait, correction. Frenemy tayo okay?" biro ko "Pero iyon na nga 'yon, you only owe me once dahil niligtas kita no'n. Pero kasi noong tinulungan mo akong makalabas sa stockroom hindi ba't quits na dapat tayo? Eh niligtas mo na naman ako kanina eh" mahaba kong litanya na ikinangisi niya lang.

"Ella, walang pinipili ang pag-tulong lalong wala ring quits-quits. Una sa lahat, patay na sana ako kung hindi dahil sa 'yo at sa kaibigan mo. Believe me or not, 'yong mga bumihag sa akin sa abandonadong bahay wala silang sinasanto—baka pumatay nga sila kung kinakailangan eh. Miyembro sila ng gang at may gusto silang patunayan. Kaya kahit ilang beses pa kitang tulungan, hindi pa rin no'n mapapantayan ang ginawa mong tulong. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na ayaw na ayaw mo sa existance ko dati but you still helped me" sagot niya with a blank face.

Wait, gang? Anong gang? Gangster ba siya?

"Chris tapatin mo nga ako, gangster ka rin ba?" kunot noo kong tanong.

"May naka bangga akong gang, may sarili kaming hideout sa school. What do you think?"

"Ano ba 'yan! Ginugulo ma lang 'yong tanong eh, oo saka hindi lang naman dapat 'yong sagot pero pinahirapan mo pa" inis kong wika. "So ano nga?" dagdag ko pa.

"I am the president of Lion Vortex gang, the most powerful gang within metro manila. At 'yong bumuhag sa akin, they are the Death Scorpions. They wanted us to fight them para mapatunayan ang sarili nila sa lahat, na sila ang dapat na tinitingala at ng lahat ng mga gangs. Pero tinanggihan namin, they got insulted and set me up instead saka pinahirapan. If only I wasn't tied, malalabanan ko sila ng patas" usal niya.

Isa 'yong malaking rebelelasyon. Hindi lang pala siya manyak na color blind na magnanakaw ng halik, isa rin pala siyang gangster.

Dati akala ko, mukha lang siyang gangster—pero totoo pala.

"Oh ano? Natahimik ka? Natatakot ka na ba sa akin ngayon?" he asked.

"Ako? B-bakit naman ako matatakot?" kampante kong sagot "Siya nga pala Chris, may pasok ako mamayang 2pm. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon