Sa bahay~
Kuya: Uy crush ko yung classmate mo. Si J, single ba yun?
Ako: Ah oo single yun.
Kuya: Help mo naman ako oh?
Ako: Syor! Ano gagawin ko?
Kuya: Hingin mo muna # nya tas ibigay mo sakin.
Ako: Oki, right away!
Sa School~
Ako: Uy J, crush ka ni kuya. Hehe. Kung pwede daw makuha number mo?
J: Hala sure ka? OMG! Crush ko kaya kuya mo. Promise totoo ba yan?
Ako: Jusme oo nga. Dali penge number mo.
J: Oh eto, 0929xxxxxxx. Hehe. Grabe I can't believe it!
Ako: Edi wag ka maniwala.
Sa bahay~
Ako: Oh kuya number nya.
Kuya: Yon! Thank you, makakatext ko na din sya.
Ako: Anong thank you? Bayad oy.
Kuya: Number lang naman 'to e papabayad ka pa. Tumigil ka nga.
Ako: Kfine!
Sa School~
J: Uy nakakatext ko na kuya mo. Hihihi. Grabe pogi pogi ng kuya mo tapos ako pala crush nya? Grabe talaga. Hihihi.
Ako: Kalma ka lang.
J: Lilibre kita. Tara!
Maraming beses akong ginastosan ni J, siguro almost 1 week din yun. Grabe ang saya kasi kapag breaktime lagi ako libre. Minsan libre din ako sa load. Oh san ka pa? Feeling ko suitor ko sya, char!
Sa bahay~
Kuya: Hoy hindi sya yung gusto ko. Si L pala. Akala ko J ang name nya e. Sabihin mo hindi sya yung crush ko.
Ako: Ay ampoga naman oh! Nilibre na kaya ako nun saka parang suitor ko na nga yun e para lang mapalapit sakin dahil sayo. Sya na lang! Pokka naman oh, nakakahiya noh! Masasaktan yun e crush ka pa naman nun.
Kuya: Sus bahala ka, e alam mo naman na di gaanong maganda yun kaya si L nga kasi yung crush ko pala. Bahala ka na dun.
Ako: Ang eps neto pagkatapos itext-text ng kung ano sabay ganto? Gago neto!
Sa School~
Ako: Hi J. Hehe
J: Oy musta? Di na nagtetext kuya mo sakin. Di rin nagrereply, may nangyari ba?
Ako: Ah e ano kasi.
J: ANO?
Ako: Sabi ni kuya si L daw pala crush nya. Akala nya kasi J name ni L e kaya akala ko din na ikaw yun. Sorry di pala ikaw.
J: HA? ANONG SORRY? PUCHA NAMAN KAYA PALA DI NA NAGPAPARAMDAM EH! ANO IBALIK MO SAKIN LAHAT NG GINASTOS KO SAYO! ABA EH AKALA KO MAGIGING KAMI TAPOS DI PALA AKO YUNG CRUSH NYA? PUTIK ANO BA NAMAN YAN?!!!!!
PS: True to life yan mga bhe pero alter alter din ng konti kasi nangyari yan a year ago. Ampoga nadehado ako dun noh? Ako na nga tumulong, ako pa nagka-utang. Akala ko kusang libre nya yun, hindi pala. Ampoga talaga >:c