Top 3 Winner (Tie for 3rd Place)
Letters From Romeo
Ara Gumabon“Kapag gusto, maraming paraan. Kaya lahat talaga ng paraan gagawin ko mapansin mo lang ako.”
My story, Letters from Romeo, is dedicated to my Heartbreakers’ family (one of the main reason why I joined different contests.
Thank you guys for encouraging me all the time) and to some other friends.
To Kuya Jahr, you have a good heart. Thank you for this opportunity.
And to the most important source of my writing skills, God Almighty, all the glory ang praises to you.
—Ara Gumabon
“Ikaw ba si Juliet?” Natigilan ako sa pagsusulat ng makarinig ako ng boses mula sa aking likuran. Isang matangkad na lalaki na naka-fitted school uniform at medyo magulo ang buhok ang tumamban sa akin. Oo, may itsura siya pero wala naman akong pakialam. Nagulat ako noong una kasi hindi ko alam kung ako ba talaga ang kinakausap niya. Pero hello? Ako lang naman mag-isang nagre-review dito sa ilalim ng puno para sa darating na prelim exam namin, so obviously ako nga talaga ang kinakausap niya.
“Mukha bang Juliet ang pangalan ko. Bakit ikaw ba si Romeo?” Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya naman siyang tumawa kahit hindi naman joke ang sinabi ko. Malala na ang isang ‘to, ha.
“I’m the first one who asked if you are Juliet. Ano ikaw ba si Juliet?” He smirked at me. Mahangin. Sino ba siya sa akala niya bigla na lang sumulpot na parang kabute at tatanungin kung ako ba si Juliet?
“Teka nga, ano bang trip mo? Hoy! Abnoy, maghanap ka ng ibang pagti-tripan dahil nag-aaral ako.” May mga nilalang talaga sa mundo na sadyang wala yatang magawa sa buhay. Inayos ko ang notebook at libro ko para umalis na sa lugar.
“Hey, nagtatanong ako ng maayos.” Pero ‘di ko siya pinansin at humakbang ako palayo sa kanya. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin hanggang sa makarating kami sa school grounds.
“Nanadya ka ba? Ano bang problema mo? Bakit ka sunod nang sunod?” Hindi ko maalala kung naging classmate ko ba siya or what. Marami akong irreg na naging kaklase at sa laki ba naman ng University hindi ko na alam kung sino sino ang nakakasalamuha ko. Hindi naman kasi ako palakaibigan may isa akong kaibigan si Clarisse pero sa kasamaang palad ay a-absent daw siya ngayon.
“So, ano ikaw ba si Juliet?” Nakangiting tanong niya ulit sa akin. What the hell?
“Ang kulit mo rin ‘no?”
Tumingin siya sa relo niya bago sumagot sa akin. “Fine, late na ‘ko sa klase ko. By the way, I’m Romeo and you will be my Juliet soon.” And he winked at me then he left.
What did he say? Hindi yata ma-digest ng small intestines ko ang kahanginan ng isang iyon.
“Hoy, ano ‘yon ha?” Halos malaglag naman ang dapat malaglag sa akin ng may bumunggo sa tagiliran ko.
“Aray, masakit ‘yun ah. O? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?”
“Nawala na naalala ko ‘yung exam natin sa Trigo mahirap ang special exam wala ka man lang mahingan ng saklolo.” Sagot ni Clarisse sa akin. Hindi siya gano’n kagaling sa acads.
“Tara na sa 5th floor para sa exam natin.”
“Ano muna kasi ‘yun?”
“Alin ba?” ‘Pagmamaang-maangan ko.
“‘Yung kanina? Hello? ‘Yun yung transferee last sem na madalas pinag-uusapan ng mga girls sa canteen.”
“Malay ko sa abnormal na ‘yun. Pakialam ko sa kanya.” So transferee student pala siya? Kaya naman pala hindi pamilyar sa akin.
YOU ARE READING
Jahric Lago Presents: Dreamlovers (Published under TBC Publications)
RomanceHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #37 in Anthology (04-25-20) #196 in Short Story Collection (04-27-20) 10 stories. 10 authors. 10 dreamlovers. Ang librong ito ang magpapatunay na may forever basta maniwala ka lang. Sabi ko nga, to believe is to see. K...