Entry 2: I Want U Back.
Hehey! :) Una sa lahat... Ang entry na ito ay para sa mga taong gusto ng second chance at hinihingan ng second chance.
Okay, Unahin muna natin yun mas madali...
Hinihingan ka ng Second Chance.Ineng o Utoy, una sa lahat.. Ilang taon ka muna? Eto ha.. Kung ang age mo ay nasa span ng 12-13 years old,
Well may mga batang ganyan kaaga mag ehem lande ehem. ^___^v Peace. Kung humihingi yung crush mo or ka-MU mo o yung ehem jowa ehem mo, ako na nagsasabi sayo! WAG NAAAA!!! UTANG NA LOOB MAAWA KA SA MAGULANG MO! MAHAL ANG TUITION!!! MAG ARAL KA MUNA!!! HAHAHAHA! Feeling Lloyd Cadena. Pero seryosong usapan, bold at caps lock yun para damang dama mo! Kasi hindi pa talaga yan ang ideal na age ng pag ehem lande ehem! Kaya utang na loob sa halip na harapin yang ehem kalandian ehem mo ay harapin mo muna yang librong matagal nang nakatago dyan sa bahay o bag mo!
Okay, kung halimbawa namang 15 above ka na. Okay, acceptable na ang pag ehem landi ehem. Okay na. Hahaha kasi perhaps nasa Grade 9 at 10 ka na.
Okay... Sigurado ka bang mahal mo? Kasi kung hindi naman edi mas malaking HINDI! Wag ka na mag aksaya ng panahon. Wag mo na pag-isipan. Tama na sya at tama ka na!
Kung halimbawa namang mahal mo, Okay, Sya na ang pinagpala at minahal mo sya! Pero... Ano bang atraso nya at nagkalabuan kayo?
Eto ang possible reasons kasi hindi ka naman sasagot.
1. Nagkagusto sya sa iba. Hmm.. Yung light muna.. Nagkaron sya ng crush. Ayan. Crush lang muna.. Hmm, wag ka muna namang mag judge! Kung crush lang naman edi hayaan mo na kasi sasampigahin kita ng bongga kung sabihin mong hindi ka nagkakacrush! Hayaan mo na sya. Ikaw pa din naman ang mahal diba? Kaya nga gusto ng second chance... Pero!!! Pero ulit!!! Kung sakaling yung crush niya ay niligawan nya o kaya naman tinetext nya at mukhang pinopormahan na nya... Naku! WAG NA! The mere fact na pinagtutuunan nya ng pansin yung babae ay interesado talaga sya dun so you better slap him with these words, "Dun ka na sa crush mo! Para free na din akong makipag friends sa crush ko." Sabay smile ng wagas! Pakita mong hndi ka nanghihinayang.
2. Nakipag break sya sa unknown reason tapos babalikan ka bigla. Eto lang yan, sabihin mong hindi mo sya tatanggapin ulit hanggat hindi nya sinasabi yung reason nya at kung sakaling reasonable at mahal mo pa edi go! Pero pag ayaw nya hahayaan mo na lang bang ganun tapos mkikipagbalikan ka? E paano kung maulit ulit diba? Hndi ko nman sinasabing mauulit ulit pero syempre nga diba nagawa na nya minsan madali na lang yun ulitin.
3. Dahil nag-away kayo. Ayan. Napaka broad ng issue na ito pero pasimplihen natin huh. Ganito lang yan, kung big deal sayo ang pinagtalunan nyo at super di mo pa sya mapatawad. Hayaan mong amuhin ka nya ulit at kapag napatunayan mong worth it pa naman edi Push! Pero kung wala na talaga ay wag mo na naman iextend ang paghihirap nya! Deretsuhin mo na sa face na "Im sorry. It's not you it's me. Ayoko na talaga" Hahahahah. Odiba? Pang pelikula ang drama! Pero nasayo naman talaga kung paano mo sya irereject. Just remember not to judge him too much.
4. Iba pang dahilan maliban sa mga nabanggit. Neng o Toy, Nasayo naman talaga yan ih. Kung mahal mo pa talaga at worth it naman sya sa second chance edi Give! :) Wag lang aabot ng third ha! Wag na wag! Makakasanayan na nya yan hanggang umabot ng 100th chance!HUMIHINGI KA NG SECOND CHANCE.
Ayan! Para ito sa mga taong na realize yung mali nila at gustong itama na ang lahat at bumalik sa sinumpaang pangako sa kanyang kasintahan. *Nosebleed*
Okay, breath in! Breath out.
Team, ito ang plano!
I will give you 5 steps to gain him/her back!
Pero bago ka magpatuloy siguraduhin mong gusto mo talaga ang gagawin mo!
Sigurado ka na?
Okay.
Number 1.
Apologize.Ito talaga dapat ang 1st. Its either magsosorry ka o maglelet go ka na. At sa case mo ngayon, gawin mo yung una. Kasi minsan talaga ang tao nag-iintay lang yan sa apology mo. Iparamdam mo sa kanya yung sincerity mo at kagustuhan mong ibalik sya sa buhay mo... Kung hindi umeffect proceed to..
Number 2.
Give him/her attention.Ipakita mo sa kanya na importante sya sayo. Samahan mo sya kapag kelangan nya ng company o kaya ihatid mo pag uwi kung lalaki ka. Patunayan mong kaya mo syang paglaanan ng parte ng buhay mo! Kung hindi pa din talaga... Eto ..
Number 3.
Let her know your worth.Ayan! Ipakita mo sa kanya yung importansya mo at yung mga role mo sa buhay nya. Tapos ipaalala mo din sa kanya yung mga memories nyo way back nung magkasama pa kayo.. Later on, mamimiss nya din yun at hahanap hanapin nya.. Pero kung hindi.. Edi gawin ang.
Number 4.
Feed him/her.Whoo! Eto talaga yun e! Hahaha. Paminsan minsan dalhan mo sya ng meryenda o kahit yung 3 meals talaga. Busugin mo sa pagkain at pagmamahal. Ano ka ba! Psychological need natin ang pagkain no! Try asking him/her out din. Ipasyal mo. Gala gala ganyan tapos gawin mo yung...
Number 5.
Communicate with him/her in the most sincere way possible.At sa huli.. Wala talagang makakatalo sa magandang usapan. Lahat naman madadaan sa ganito e. Kausapin mo sya ng mahinahon at iexplain mo yung side mo.. Lahat lahat ng nasa puso mo sabihin mo sa kanya at kung hindi pa din talaga at ayaw pa rin nya... Go back and repeat number 1! Kung talagang gusto mo sya a second try for your second chance wont harm pero kung pagod ka na sa 1st try palang edi sundin mo na yung payo ni Elsa sa frozen.. #LetItGo! Ayaw mo na ih, ano pa bang choice mo?
So... Sa pagttapos ng entry na ito gusto kong malaman mo na nasayo pa rin talaga ang desisyon kung magbibigay ka o hihingi ka ng second chance pero gaya nga ng sabi ko kanina wag na yung third huh!wag masyadong abusado!
Take it from Me :)
-Sarah G.
12-07-14 <3
BINABASA MO ANG
Take it from Sarah G.
Non-FictionMay problema ka ba? Pakiramdam mo katapusan na ng mundo? Nawalan ka ba ng girlfriend/boyfriend? At hirap kang maka move-on? Hirap ka ba sa pag-aaral mo? Kasi napapabarkada ka? o di kaya in a relationship ka? Nag-away ba kayo ng jowa mo at hindi mo...