Walks Away by Poya_JuliElmo
"Theresha! Nakatitig ka nanaman sa kawalan! Kaya ka napapagalitan eh. Makinig ka nga sa lesson," puna sa akin ng kaklase ko. Agad naman akong nainis. Kung makapagsalita naman kasi siya parang ang galing galing niya, eh palagi nga siyang bagsak! Nakakastress siya ah!
"Eh ano namang pakialam mo? Keysa sa ako ang pinapakialaman mo, problemahin mo na lang kung sino ang paplastikin mo para makakopya!" Sagot ko sa kanya sabay irap.
Di na siya nakasagot. Natakot siguro, dapat lang noh.
Ako si Theresha, kadalasan Sha ang tawag sakin. Maganda ako, mataray, magaling mambara, maganda ulit, walang pakialam sa mundo pero sa kaibigan ko meron, ayoko sa plastik at MAGANDA AKO, paulit-ulit sa maganda? Eh anong paki mo? Sa MAGANDA talaga ako eh! Inggit ka lang!
Dahil nga sa kaibigan lang ako may pakialam, sa amin tungkol ang istoryang ito. Alangan namang about 'to sa aso ko. -_- Kahit naman ganito ako ay may bestfriend pa rin ako, si Camille. We're bestfriends for a couple of years, hindi ko na matandaan kung gaano katagal, sobrang tagal na kasi talaga ng pinagsamahan namin. Hindi kami pareho ng personality, siya kasi medyo friendly, mahilig sa lovelife in short marami na siyang naging boyfriend at Mama's girl rin siya. Pero kahit magkaibang-magkaiba kami ay naging close at magbestfriend pa kami. Halos lagi kaming magkasama, sa hirap at ginhawa, sa saya man o kalungkutan. Lagi akong nandito para sa kanya, ipinagtatanggol ko siya laban sa mga umaaway sa kanya, hindi ako nagkulang sa pagiging bestfriend niya. Sa kanya ko naipapakita ang ibang side ko na hindi pa alam ng iba. Pinagkatiwalaan ko siya at minahal.
Ngunit sabi nga nila walang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Dumating yung araw na hindi na kami masyadong nagkakasama, nagkahiwalay na kami ng school at wala na ang dating komunikasyon. Ganun pa man siya pa rin ang bestfriend ko, nag-iisa lang siya para sa akin.
Pero isang araw nakita ko yung post niya sa fb, it was her picture with a girl, I conclude that girl is her classmate because they have the same uniform. You wanna know whats worse? Ang description na inilagay niya ay "I love you Bestfriend 'till forever." It hits me bigtime! Nasaktan ako syempre. I was like "So what about me?" Ano na ako ngayon sa kanya? Stranger? Ganun ganun na lang ba niya itatapon ang lahat ng pinagsamahan namin? Ipagpapalit niya ako sa taong kakakilala lang niya?
Maybe I wasn't that good enough pero siguro I don't deserve this right? Ano bang kasalanan ko at pati ang bestfriend ko ay pinagpalit ako? Prangka ako kasi ayokong maging plastik, kung may napansin ako, sasabihin ko agad. Hindi ako sinungaling. Sana hindi na lang siya pumayag na maging magbestfriend kami. Kasi kaya nga tinawag na "best" friend eh. Dahil 'yon ang 'pinaka' sa lahat ng kaibigan mo. Eh sa ginawa niya, she betrayed me. Akala ba niya hindi ko makikita yung post niya? I thought we're bestfriends? Then why did she lied to me? Sana man lang sinabi niya na papalitan na niya ako para sana naging handa ako, hindi yung biglaan at sa fb ko pa makikita. Ano bang tingin niya sa akin, bagay? Na matapos niyang gamitin at pagsawaan ay ibabasura na lang niya at hahanap na ng iba? Ang kapal naman ng mukha niya! Wala siyang utang na loob!
And now I belive that people come and go in our life. Some will be a blessing and some will leave you a lesson. Sa sitwasyon ko, Camille was a lesson. Naintindihan ko na, na sa buhay ang tanging mapagkakatiwalaan mo na lang ay ang sarili mo. Pero malay mo may makita pa akong bestfriend na mas deserving kesa sa kanya. Yung TUNAY, TOTOO, HINDI PLASTIC, at higit sa lahat yung HINDI MANG-IIWAN at HINDI AKO IPAGPAPALIT na kaibigan. Yung tipo ng tao na pagtitiyagaan ang ugali ko at hindi maghahanap ng iba dahil para sa kanya ako yung BEST sa friends niya.
Pero hindi titigil ang mundo sa pagkawala ng bestfriend ko. Hindi ko ikamamatay ang pagpapalit niya sa akin. So what kung may iba na siyang bestfriend? Milyon o bilyon pa nga ang tao sa mundong ito, marami pa akong makikilalang iba na pwedeng pumalit sa pwesto niya. I'm Theresha, I'm strong and my life goes on even if she WALKS AWAY out of it.
F-I-N
Walks Away by Poya_JuliElmo
BINABASA MO ANG
Walks Away (One Shot Story)
Truyện NgắnThis story is just one shot. This is for the people who has been replaced in their bestfriend's life. I hope you can relate. :')