Bad Ass 3: Last Choice
Her Point of view
Arghhh! I hate him!
Dapat talaga ay hindi lang yun ang inabot ng gagong tres na iyon! Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako maki kick out sa school na yon at paniguradong magiging tahimik parin ang buhay ko! hindi pa rin talaga mawala ang inis ko sa lalaking iyon, kahit siguro mabali at ma dislocate ang mga buto nun ay kulang pa rin at hindi pa rin iyun sapat para mawala ang inis ko.
Ngayon ay pauwi na ako mula sa bar na iyon, at ngayon paniguradong nakarating na kay papa ang balitang kick out na ako sa school na iyon paniguradong sermon nanaman ang aabutin ko dun pag uwi or worst, baka ora mismo ay paliparin ako niyan papuntang central at iyon ang pinaka ayaw ko.
That God for saken school is my only last option para hindi ako mapunta sa kamay ng strikta kong lola na nag pi feeling teenager sa Central, pniguradong pag napunta ako doon ay puro sermon lang ang aabutin ko at pipilitin na naman niya akong magsuot ng kinulang sa telang dress at umattend sa walang kwentang blind date sa mga apong lalaki ng kumari niyan at ang pahirap sa buhay kong etiquette lesson na puro kaartehan lang ang alam.
Nang makarating sa bahay ay mabilis kong pinark sa garahe ang baby ko, patay na ang ilaw sa loob ng bahay kaya paniguradong tulog na sila papa.
Maingat ang bawat hakbang ko papunta sa puno na katapat lang ng veranda ng kwarto ko. Maingat ko itong inakyat at dahang dahang naglakad sa sangang katapat ng veranda ko.Pilit ko itong inabot pero mukhang mahihirapan ako nito, unti unti kong ini stretch ang kamay ko tsaka pilit na inabot yung hawakan ng veranda ko, shit! Onti na lang, ayan na, ayan na ayan na, at sa wakas, naabot ko din!
Ang gagawin ko nalang ay pagatalon, ini ready ko na ang sarili ko tsaka tumalon pa pasok ng veranda pero namali ata ang bagsak ko kaya naunang tumama ang pang upo ko sa sahig, hindi ko tuloy mapigilang mapa aray at mapahawak sa nasaktang parte ng pang upo ko.
"Masakit ba?"
Someone spoke so i just irritatedly rolled my eyes.
"Malamang! Obvious ba?! Nakita mo na ngang umaray eh, ibig sabihin lang non masaki-"
Late ko ng na realize na ako lang pala ang tao dun, ibig sabihin may tao pa dun bukod sa akin?
Nanlaki ang mata ko, oh my god, anong ginagawa niya dito? Akala ko ba tulog na siya? Hindi ako makagalaw sa kina uupuan ko napansin ko din na nagpipigil akong huminga, dahan dahan akong pumihit sa direksyong pinagmulan ng boses kanina, bumungad sa akin ang isang lalaking pulang pula ang mukha, umuusok ang ilong at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.
And then, a realization hit me.....
" KHEENE BRILL SALAS!!!"
PATAY, NAHULI AKO!
*******
"Ano ba kasi ang ginawa mong bata ka at na kick out ka na naman?!"
"Eh--"(;一_一)
"Aba't sasagot ka pa! Hindi pa ako tapos mag salita! At ano tong nababalitaan kong may mga binugbog ka daw sa loob ng bar?! At higit sa lahat anong gingawa mo sa loob ng bar bata ka?!"
"An--"(ー_ー)!!
"Wag ka munang sumabat! Hindi pa ako tapos! At anong oras na?! Uwi ba to ng maayos na dalaga?! Pinalaki kitang matalino at mabuting tao yun pala kumakarengkeng ka na sa loob ng bar!"
"Ganito kasi yun dad a---"
"At magdadahilan ka pa !!!! Huling huli ka na! Hindi ba ako mabuting ama?! At lumaki kang ganyan?! Ano ba't hindi ka makasagot?! SAGOT!"
"EH PANO KO MAKAKASAGOT EH AYAW MO NGA AKONG PAGSALITAIN!*PAK* ARAY!ε٩(๑> ₃ <)7з"
Aww. Shit ang sakit talaga mambatok ng lalaking to, kung hindi ko lang ito ama ay baka matagal ko ng itong binugbog. Ang swerte niya at siya ang ama ko, kung hindi ewan ko na lang kong buhay pa ito sa bugbog na aabutin niya pag binatukan ulit niya ako.
Maya maya ay mukhang okay na ang lagay pakiramdam niya at mukhang huminahon na siya, buti naman, parang ako kasi yung aatakehin sa puso sa sigaw niya eh.
"Hmmm... Natalo ka sa usapan Kheene, Gaya ng napag usapan ay lilipat ka na sa Central."
No! Ayoko! Hindi ako papayag!
"Pero dad, ayaw ko dun! gusto mo bang maaga akong mag asawa dahil sa kaka blind date sa akin ni Lola?"
Pagdradrama ko, hayss sana pumayag na siya! Ayoko talaga dun.
"Tapos pag nag asawa ako, titigil na ako sa pag aaral, tapos pag tumigil ako sa pag aaral, sa bahay na lagi ako, magiging malaki ang chance na mabuntis ako tapos magiging batang ina ako! Ayaw ko nun eh, ikaw, gusto mo ba yun dad? Na maging batang ina ka? Pero mukhang imposible mukhang ang tanda muna, ah! Alam ko na! baka pwedeng gurang na Ina? Ah oo! Tama, tama."
*pak!*
"Aray!"
Muli akong naaphawak sa batok ng batokan niya ulit ako, sinamaan ko ito ng tingin pero inirapan lang ako nito.
"Ayaw ko nun! Kaya sige, bibigyan pa kita ng last chance! Pero sa isang kondisyon, ako ang pipili na school mo."
"Sige ba!"
Gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa narinig ko, napasuntok pa ako sa hangin, yes! Hindi ako mapupunta sa maynila! Hindi na ako magiging batang ina!
"At nagawan ko na ng paraan, pwede ka ng pumasok bukas ng umaga."
Nangunot naman ang noo ko, ang bilis naman! Pero okay lang atleast hindi sa maynila diba?
"Saan bang school yan?"
"Sa Ethereal High."
Parang nabingi naman ako sa sinabi nito, sa EH? Baliw ba siya?! Eh Elite school!
"No way!"
"Yes way baby or gusto mong sa Central ka nalang? This is your last choice baby, choose wisely."
"Fine. EH."
Napairap ako, this is ny last choice, ano pa nga bang magagawa ko, mas ayaw ko sa Central noh.
At kung nagtataka kayo kung bakit ayaw ko sa EH pwes ito na sasabihin ko na.
Ang Ethereal High or EH
Ay eskwelahan para sa mga anak ng mga kilalang tao sa business world, politika, artista o modelo, in short para lang sa mga elite ang eskwelahang iyon bukod doon ay kuta rin iyon ng mga feeling gangster na naghahabol sa akin, kadalasan nga na kikick out ako dahil sa punyetang estudiyante ng school na iyon na nang gugulo at hinahanap daw ako, kaya marami ang nag iisip na gangster daw ako, mafiosa at kung ano ano pa.Matunog din ang pangalan ko sa eskwelahang iyon, lalo na sa palayaw kung Uno at sa blonde kong buhok. Kilalang kilala rin ako dahil halos lahat ng estudiyanteng feeling gangster doon ay hinahabol at hinahanap ko dahil sa kakaiba kong lakas at galing sa pakikipaglaban, madalas ay pinipilit nila akong sumama sa grupo nila o kaya pipilitin nila akong maging gang leader nila na tinatangggihan ko dahil ayaw ko kaya ang ending ay napapalaban ako ng wala sa oras.
Ayaw kong maging gangster pero mukha akong gangster, how Ironic right? I also have deep reason para tanggihan ang inaalok nila.
I was 15 when my mom died dahil sa ligaw na bala, pinaimbestigahan ko iyon and after three months, nalaman kong mula ang balang iyon sa lalaking gangster na nagpaputok daw ng baril sa gitna ng gang fight.
Hayss, bumabalik ang galit ko kapag naa alala ko iyon.
"Good night baby, matulog ka na maaga ka pa bukas."
Sabi ni dad tsaka umalis, napabuntong hininga naman ako tsaka umakyat at pumasok sa loob ng kwarto ko. Pagdating sa loob ay napahiga ako sa kama ko, hayyy, grabe nakakapagod.
Looks like it's gonna be a long day tomorrow.
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
БоевикShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...