Too blind to see. Too dumb to feel.

50 3 0
                                    

Too blind to see. Too dumb to feel.
copyright 2014
by: chamoimoipalaboy

**

"Claire!! Si Darrel ohh! Ayiieeee!" agad kong siniko si Jamie, ang ingay kasi ng bunganga mamaya mapansin pa kami ni Darrel ee.

"Asuuss. Si Claire. Gaganyan nanaman siya.. ehemm 'ohmygosh! Yung feels ko!'" natawa naman kami sa pag gaya ni Karen sa kaartehan ko

"hahahaha! Oo nga! Oy miss arti ka pa. ee halos maging kamatis na yang pisngi mo sa pula oh. Ayiiiee!" Kada Tuesday at Thursday talaga wala na silang ibang ginawa kundi ang asarin ako sa crush ko.. si Darrel

"Wag nga kayong maingay. Kasi naman ee.." kakadaan lang nila Darrel sa harapan namin kaya ito nanaman ako.. kagaya nga ng sabi ni Karen. Yung feels ko sumasabog nanaman.. hay Darrel..

Asa kalagitnaan ako ng pagda-daydream ko ng may biglang bumungad sa harapan ko..

"Hi baby loves!" muntikan na akong malaglag sa bench sa gulat sa lalaking 'to. Sabi na ee.. sabi na talaga ee. Pag andyan si Darrel andyan din si..

"Hay naku! Emman, lagi mo na lang ginugulat si Claire! Kung yan may sakit sa puso baka matagal na yang nasugod sa hospital." Biro ni Ari kay Emman. Tumawa naman si Emman at umupo sa tabi ko na ikina-kunot ng noo ko. Tsk mangaasar nanaman 'to.

"Sorry baby loves. Na-miss kita!" pagkasabi niya nun yayakapin sana niya ako pero bago pa man niya yun nagawa at tumayo ako pero sa pagtayo ko hindi ko namalayang may tao pala sa likuran ko.. "Baby loves!"

Wala na! naapakan ko na yung paa nung taong yun. Agad naman akong tumalikod para tignan ang nabunggo ko at mag-sorry.. pero hindi ko magawang mabigkas ang salitang sorry dahil pakiramdam ko asa langit na ako.. si Darrel.. si Darrel yung nakabunggo ko.. I CAN'T!!!

"Baby loves! Okay ka lang ba? Naku Darrel pasensiya ka na kay baby loves ha." Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakatingin kay Darrel.

Kung desperado lang akong mapansin ni Darrel baka kanina pa ako kumapit sa braso niya at sinabi ang mga katagang.. 'Oppa! Please notice me!' pero ew lang.. mukha akong engeng pag ginawa ko yun. Naputol ang pag-daydream ko ng ilapit ni Emman ang mukha niya sakin.

Dahil sa gulat agad kong tinulak ang mukha niya gamit ang palad ko. Peste talaga 'tong lalaking 'to panira lagi ng moment namin ni Darrel-oppa ee.

"Sige na baby loves. Punta na kami sa next class." ngiting-ngiti niyang sabi sakin pero hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko lang siya at umupo na sa bench.

Pero hindi talaga matatapos dun ang lahat hangga't hindi niya ako napapahiya..

"Baby loves! Ingat ka ha! See you! Mwa!" mariin akong napapikit at napakagat sa labi ko dahil sa pag sigaw niya. Shet! Pag dilat ko nakita kong nakatingin si Darrel sakin tsaka iniwas ang tingin.

Ohmygosh oppa! No! wag kang maniwala kay Emman. He's a babo oppa.. ughhhh!!!

**

Monday ngayon at tamad na tamad ako. Actually Monday at Wednesday ang gustong gusto kong araw. Kasi nga walang Emman, pero sad din dahil walang Darrel. Hay magpakita ka nga sakin oppa my love..

Tahimik lang akong naka-sunod sa likuran ng mga kaibigan ko ng may biglang sumigaw..

"Baby lovesss!!!!!!" dahil sa sigaw na yun halos lahat ng estudyante sa quadrangle ay nakatingin sakin. Napapikit ako sa inis at hiya. Nyemas ka talaga Emman! Gaaaahhh!!

Too blind to see, Too dumb to feelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon