CHAPTER 12

6K 105 12
                                    

===================
@XxJinexX , @asawanijaybi , @idle8086, @MZ_SAPORCO05, @fortsteph, @aphrodite_kahea21 , @cherilorraine , @iellemar, @KimberlyFrance28, CHEcharoon, @real_ecka, @aqcyhennie , @lynethabrea, @parkyojin27, @cutie_saranghae

@ramj27 -- bebe, salamat sa flood votes :)

----- wish ko may comments din. Hnng ♥

Dedicate ko na rin 'to kay @emtimony hihi, salamat sa soon to be critique mo dito sa story ko. *bows*
===================

-CHAPTER 12-

 

“Hey, are you okay?” pabulong na tanong sa akin ni Tim nang maramdaman niyang napahugot ako ng hininga.

I just nodded at unti-unting kumalas sa pagkakayakap sakanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para ngitian si Kristoff. Nang makita akong ngumiti ni Tim, nilingon niya kung sino ang tinitignan ko. Napatingin ako sakanya nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

“Who is he?” tanong ni Tim sa akin. Bago pamandin ako makasagot ay nagsalita na agad si Kristoff.

“Ang tagal din nating hindi nagkita, Diana.” Saka niya ako nginitian. Ganoon pa rin ang hitsura niya. Singkit, gwapo, halos magkasing tangkad sila ni Tim, itim na itim ang buhok, at lalo siyang naging matipuno nang nagpunta siya ng ibang bansa. Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Namiss ko siya ng sobra. Nang iwan niya ako, gusto ko siyang makita para suntukin. Sheet mahal na mahal ko siya noon. Noon? Eh ngayon?

Dug.dug.dug

Napapikit ako para pakinggan ang tibok ng puso ko. Akala ko wala na. Akala ko nakamove-on na ako. Pero ano ba naman ‘to?! Sinusubukan talaga ako ni papa Jesus ‘no? I sighed at binalingan ng tingin si Tim na kanina pa masama ang tingin kay Kristoff. Hay, ang haba ng hair ko mga ‘day. No! Porket dumating si Kristoff mahaba na agad ang hair mo? Bakit dahil ba sayo kaya siya bumalik ng Pilipinas? Shunga!

“Pwede ba tayong mag-usap?”

I sighed. Lalong humigpit ang hawak ni Tim na para bang ayaw niya akong payagang makipag-usap kay Kristoff. As if namang makikipag chukchakan ako! Bumitiw ako kay Tim at marahan siyang tinapik sa braso.

“Hintayin mo na lang ako sa sasakyan.”

 

Aalma pa sana siya pero hindi na niya nagawa kasi pinanlakihan ko siya ng mata. Kala niya huh. He nodded at ang loko nagnakaw pa ng halik bago ako iwanan kay Kristoff! Tinalikuran na niya ako bago ko pa siya masapok. Tsk.

“Pwede ba tayong mag-usap privately?”

Tinaasan ko ng kilay itong lalaking ‘to. Gaano ka-private ba ang gusto niya? Aba! Dalawa na nga lang kami dito sa labas, eh! Kakakita lang namin ganito agad? Niyayaya niya ba ako sa....

“Ouch!” nasapo ko ang noo ko nang pitikin niya iyon. Nakamputcha!

“Hindi kita niyayaya ng kung ano Dindin! Hindi ka pa rin nagbabago. Haha” narinig kong muli ang napaka-sweet niyang tawa. Hinampas ko siya saka nginusuan.

Painful Desires (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon