W#1: 26

3.4K 58 5
                                    

Nagising si Sienna sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagpalinga linga siya sa paligid at pilit na pinoproseso ang isip kung paano siya napunta dito at anong lugar ito.

Ngunit sumakit lamang ang ulo niya na parang pinupukpok ito ng martilyo sa sobrang sakit.

Kaya naman iwinaksi na muna niya ang mga isipin sabay pinakalma ang sarili. Dahil doon nawala ng kaunti ang pananakit at doon niya napagtanto na kinidnap nga pala siya nung tatlong lalaki.

"Nasan ako? Teka bakit ako nakatali?" Saad niya habang ginagalaw ang katawan ngunit mas lalong sumisikip lang ang tali sa katawan niya.

Pinalibot naman niya ang paningin at napansin niyang nasa isang kwarto siya. Hindi yung tipikal na kapag kinidnap nasa isang madilim at mabahong lugar o mas madaling sabihin sa isang abandonadong building.

Ngunit ang pinagdalhan sa kanya ay kakaiba. Isang matinong kwarto. May mahabang sofa sa harapan niya. May table sa kanang gilid niya at may lampshade pang nakalagay.

May kamang pang-isang tao lang ang nakalagay sa kaliwang gilid niya. May mga nakasabit na kung ano-ano sa dingding. Ngunit ang nakapukaw ng atensyon niya ay ang maraming letrato na nakadikit sa dingding.

Ang mga litratong nakadikit ay walang iba kundi siya at pati si Mikhail. Kasama din si Matt doon pati si Lathea. Ngunit ang ipinagtataka niya bakit may guhit na pula doon para maka pagbuo ng spider web.

"Ano bang nangyayari? Ano ba ito?! Teka nga! Tulong! Tulong! May tao ba jan?!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala sa tali.

Tatayo na sana siya ngunit maging ang mga paa niya ay nakatali.

"Bakit ba ako nakatali?. Ano bang nangyayari? Sino ba ang mga taong iyon? Tulong! Tulong! May tao ba jan?! Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na! Miss Cass! Beb! Tulungan niyo ako!" At nagsimula ng tumulo ang luha niya dahil nagsisimula na siyang matakot at balutin ng kaba.

Kahit anong pagpupumiglas niya hindi niya magawang makawala sa pagkakatali. Gusto niyang makaalis sa lugar na iyon ngunit wala siyang magawa kundi ang sumigaw na lang.

"Hay! Bakit ba ang ingay mo? Abot hanggang sala ang boses mo" saad ng lalaking biglang pumasok sa loob ng kwarto kung saan siya nakakulong at nakatali.

"Sabi ko naman kasi sayo, lagyan mo ng tape ang bibig niyan para hindi makapag-ingay. Ang sakit tuloy ng tenga ko" saad naman ng isa habang kinakalikot ang tenga nito.

"S-sino kayo? B-bakit niyo ako kinidnap?! Anong atraso ko sa inyo?!" Sigaw niya sa mga ito.

"Easy Miss Sienna, napag-utusan lang kami. Kaya naman huwag ka ng maingay jan dahil pag naburyo ako sayo, bubusalan ko yang bibig mo" saad nito sabay hinawakan siya sa panga dahilan para makaramdam siya ng sakit.

Ang higpit ng pagkakahawak nito sa panga niya. Tinitiyak niyang mag-iiwan ito ng pasa.

"Sino ba kasi kayo? Pwede bang pakawalan niyo ako! Mga hayop kayo! Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah! Pakawalan niyo ako!" Sigaw niya dito.

"Tsk! Tsk! Tsk! Diba binalaan na kita? Bakit nag-iingay ka pa? Gusto mo talagang mabusalan ah" saad nito sa kanya sabay binitawan ang panga niya.

Napapikit siya ng alisin nito ang kamay sa pagkakahawak sa panga niya. Nang medyo nawala ang pananakit tinignan niya ng masama ang mga ito.

"Oooh, nakakatakot ka namang tumingin, Miss Sienna" sabay tumawa ang mga ito.

"Kapag nagkapasa ang panga ko dahil sa ginawa mo, hindi kita mapapatawad" matapang na saad niya dito dahilan para tumawa lalo ang dalawang lalaki.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon