Chapter 12: Confession

73 9 0
                                    

12: Confession

TANGHALIAN NA namin ngayon. Hindi ako sumabay kina Mariam dahil naiinis pa rin ako sa kanya, damay na rin si Karyn dahil nagbubulungan sila sa harapan ko. Hindi talaga maalis-alis iyon sa isipan ko. Ang linya niyang mag-ingat ako kay Yari.

Magkasama kami ngayon ni Yari. Kumakain kami sa isang restaurant na pinakamalapit. Hindi kami naglakad kasi nilibre niya ako ng pamasahe sa tricycle. Iba talaga ang babaeng ito. Pagkalipas ng 30 minutes, umalis na kami upang bumalik sa school.

Habang malapit na kami sa aming classroom- magkatabi lang ang classroom namin, bigla akong magpapaalam kuno mag-CR kay Yari dahil naalala ko kanina na sabi niya kakausapin niya sina Mariam kaya sisilip ako sa gilid ng pader ng classroom namin.

Nagkahiwalay na kami ni Yari. Nakita kong pumasok ito sa classroom. Mga ilang seconds lang ay lumabas siya agad at pumunta sa harap ng classroom namin. "Mariam!" sigaw nito sa labas. "Mag-usap tayo! Wala akong pakialam kung SSC kayo at ikaw ang first honor nila. Lumabas ka!" tuloy-tuloy niyang sigaw. Kung hindi siguro nabanggit ni Mariam na mag-ingat ako sa sarili kong kaibigan, pipigilan ko si Yari sa pagsisigaw niya. Kaso iyon ang rason kung bakit siya nagsisigaw diyan.

Nakita kong parang nagmadaling lumabas si Mariam sa classroom. Nakangiti 'to, as usual. Nakakainis, akala ko mabait talaga. "Kung tungkol 'to sa-" kalmado ang boses ni Mariam.

"Oo, tungkol do'n!" mataas ang boses ni Yari. "How dare you to say that words to my own best friend?" galit na sabi niya. Walang nagtatangkang magpigil sa away nila. Parang gusto ata nila manood ng away ng isang Grade 8 representative.

Tinignan ko si Mariam. Nakikita ko sa kanya na pinagsisisihan niya ang kanyang nasabi pero wala, when anger reigns, wala na.

"I was so careless. I'm so sorry. That's not what I meant. I just have a discernment- I used a not appropriate words- I guess." Yumuko siya nang sinabi niya ang huling salita. Nagpapaka-humble siya sa harapan ni Yari.

"F*ck*ng discernment! You just hurt our feelings. You're a Christian, right? You should think before saying any words!" Hindi na niya mapigilan magmura. Dati, tahimik 'to sa klase namin- I mean, 'di siya nakikipag-away. Naalala ko pa ang isang teacher namin na tinuligsa ang belief niya. E ngayon, ang kausap niya ay isang SSC student, first honor, at isang Grade 8 representative ay wala siyang pakialam. Nagbago siya nang umalis sa lugar na 'to.

Feeling ko, magdudugo ang ilong ko sa dalawang 'to. Sinimulan kasi ni Yari mag-English.

"I know what I've done. I want to talk to both of you. Baka siguro hindi discernment iyon- m-masiyado lang akong f-feeling. I'm sorry." Napaka-sincere niya. Ang hirap i-deny na totoo siyang nagsisisi. Pero once nga na nabasag ang plato, kahit mag-sorry, hindi iyon mabubuo.

"Sorry?" tumatawa ng malakas si Yari. "T-Talaga lang, ha. Baka gusto mo isigaw ko rito ang madilim mong sikreto sa madla? Dami nating audience." Sinenyas niya ang mga kaklase kong nanonood sa bintana, maging ang ibang estudyante sa ibang section.

Lumabas na 'ko sa pinagtataguan ko. Naglakad ako papalapit sa kanila. Kahit galit pa rin ako kay Mariam, ayo'ko naman pati past ni Mariam na binayaran ng Mama niya ang pagka-first honors niya ay iungkat.

"Yari!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa 'kin. "Stop na. Hayaan mo na lang siya na usigin ng konsensiya niya. Sapat nang kaparusahan iyon sa sinabi niya," sabi ko na lang.

Nakinig lang siya sa 'kin at binalik ang tingin kay Mariam. "First honors ka nga ba tala-" Tinakpan ko na ang bibig ni Yari.

"Kalma, Yari. Baka magka-record ka pa sa guidance office," bulong ko sa kanya.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon