Never Gonna Leave You

1.8K 49 1
                                    

Never Gonna Leave You by fangirlyehet

Francis - Princess = Humor - Fantasy

''Bat ngayon ka lang umuwe?'' tinitignan ni Kuya ang suot ko. Naka fitted dress ako with high heels and light make up. What's wrong with my look?

''Galing ako sa party Kuya diba i texted you? And it's 1am ba't gising ka pa?'' Naglakad ako papuntang kusina para uminom nang tubig. The party starts at 7pm and magtatapos sana nang 6am pero inaantok na ako at nahihilo dahil sa ininom kong mga wine ay nagpahatid na ako sa driver namin para umuwe.

''What? Wala akong narereceived na text from you, Princess'' Pinakita sa akin ni Kuya ang mga messages niya sa inbox sa phone niya at wala nga akong text sa kanya. But i texted him bago ako umalis. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong 'Messaged not sent' ang nakalagay.

''Look Kuya hindi pala na send baka naubusan ako ng load. Pinatay ko kase ang phone ko pagdating doun sa party nila Chantel. Nakauwi naman ako ng buhay at ligtas kaya wag kang nega kuya okay? I will sleep now. Goodnight'' hinalikan ko si Kuya sa pisnge at umakyat na sa kwarto ko. My Kuya is always like that well not like always dahil minsan lang akong umattend nang party. Over protective si Kuya dahil kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay. My father is already dead sabi ni Mama ay namatay si Papa nung bata palang daw kame ni Kuya. Hindi ko alam ang dahilan pero ang sabi nila Tita namatay si Papa dahil sa isang aksidente. Nasa Finland ang mama ko dahil isa siyang secretary sa isang mayaman na kumpanya.

Nagshower muna ako at nagbihis ng pantulog at humiga na sa kama. Sobrang pagod na pagod ako dahil narin sa kakasayaw ko sa Party nila Chantel. Chantel is my bestfriend since Highschool at birthday niya ngayon at nagpaparty siya sa bar na pagmamay-ari ng tita niya.

Nag text muna ako sa iba kong mga kaibigan na nakauwi na ako dahil ako lang ata ang naunang umuwi dahil hindi rin naman ako masyadong sanay sa mga party. At nakatulog din ako.

''Hmmmm'' naramdaman kong may humahawak sa legs ko kaya tinapik ko pero hindi ko parin minumulat ang mata ko. Hell i'm tired.

''Hmm ano ba'' tinapik ko ulit ang kamay nung humawak nang legs ko ''What the-'' umupo na ako sa kama ay may nakita akong lalakeng may pakpak na nakatayo sa may harapan nang kama ko. Oh my gosh! What the..

''AHHHH-Hmp!'' Sisigaw sana ako kaso ang bilis niyang matakpan ang bibig ko gamit ng kamay niya. Rarape-in niya ba ako? Kuya? Mama? Help me!!

Kinagat ko ang kamay niya pero damn ang tigas ng kamay niya. Sinisipa ko na siya at lumuwag na ang pagkakatakip niya sa bibig ko at tinanggal niya rin but he gestured me to keep quiet. Nawala narin ang mga pakpak niya at ang malapulang mata niya kanina ay naging black na ngayon. Nanahimik nga ako at tinignan ang muka niya. He doesn't look like a rapist after all. But he's a monster!
Medyo mahabang buhok na kulay brown, black eyes na kanina ay red and gosh ang pula ng labi niya!

''Who the hell are you?'' tinakpan ko ng kumot ang katawan ko.

''Hindi mo ba ako kilala, Mahal ko?'' What the hell? Mahal?

''Ano? Sinong mahal mo? Ako? Baliw ka ba?'' Nakita kong pumula ulit ang mata niya na medyo galit. ''Hindi mo ako kilala mahal ko?''

Natatakot na ako sa kanya lalo na naging malalim ang boses niya na medyo galet. Nakikita kong tinutubuan nang dalawang sungay ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko ring may pakpak na siya sa likod. Sumandal ako sa headboard nang kama at nagtakip nang kumot at sumigaw nang sumigaw. Kuya! Help me please!

''KUUUUUUYA!!! AHHHHH'' nakatakip parin ako sa kumot pero wala paring kumakatok sa kwarto. Ang tahimik na nang kwarto ko kaya binaba ko na ang kumot ko. Nakita ko siyang nakaupo sa tapat ko at tinititigan niya ako.

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon