3rd Chapter: Personal alalay

12 0 0
                                    

May tanong ulit sa isip ko bakit hindi ko siya nakilala dati.

"Amira, ayos ka lang ba. Kanina ka pa nakatayo diyan." kumalabit sa balikat ko ang isang kamay na kilala ko.

"Amira, ikaw ang magiging personal assistant ni Sir Sed dito habang nasa Palawan ang daddy at mommy niya." dagdag ni Ate Jenna na mukhang masayang-masaya ang tono.

"Ga..ganoon po ba. Bakit hindi po kayo?" binato kong tanong kay ate Jenna.

"Ayaw mo ba Amira. Ohh pwede naman si Christine,Sed." mabilis na sagot ni Sir Gallagher pagkatapos dumampot ng dalawang itlog gamit ang tinidor.

"Dad, si Christine yung tomboy?Oh dad come on!" seryosong tanong mula kay Sir Sed.

"It is just a joke Sed. Hindi ka na naman mabiro.Hahahaha!" nakakatawang sagot ni Sir Gallagher.

"Hihihi."  Ako rin,napatawa nang kaunti sabay takip ng bibig ko.

"Tama yon Amira. One month kami ng mam mo sa Palawan at may aayusin kaming business meetings doon para sa opening ng resort." sagot na maliwanag pa sa araw ni Sir Gallagher.

Oo mayamang-mayaman ang pamilyang ito. Mayaman ang pamilyang Gallagher.May pangalawang resort silang bubuksan sa susunod na buwan. Sa tagal ko rito hindi ko man lang narinig sa chismis ng kabilang parlor na may anak si Sir Gallagher at mam Rosey.

"Really dad?" sumingit ang isang tanong.

"Do you think I can be of any help?Baka maboring ako dito sa bahay."

"You have done your part sa business natin sa Maryland.You deserve some rest and vacation." 

Oo madugong inglishan ang narinig ko sa mag-ama. Maryland? Di ba state sa USA yun.Ayan kakanuod ko ng mga English movies kung anu- ano na ang nalalaman ko.

"I know you miss your Tocilog.Hahaha!" tawa ni Sir Gallagher sabay tapik sa balikat ng anak na halatang nanabik talagang makita ito.

Nakakatuwang tingnan ang mag-ama. Magkamukhang magkamukha sila. Mas matangkad nang kaunti si Sir Sed kaysa sa daddy niya.

Pareho ding business minded. Pero parang iba ugali ng anak.

Bumalik ako sa kusina dala ang pitsel na walang laman.

"Unang beses pa lang po ba ni Sir Sed dito ate Jenna? " paglapag ko ng pitsel sa lababo sabay tanong kay ate Jenna na katatapos lang mag-ayos ng task sa tablet ng mga katulong.

"Hindi. Tuwing December nandito silang lahat.Lahat ng miyembro ng pamilya nila. Nasa probinsya ka kasi pag nandito sila. Bumabalik sila sa Maryland USA pagkatapos ng bagong taon kaya hindi mo na sila naaabutan."

May hindi pala ako alam. Nakuha ko rin ang isang magandang sagot sa kanya.

"May ibang anak pa po ba sina sir at mam?" sunod kong tanong. Nanabik ako. Napaisip ako baka may lima pang anak na lalaki sina sir at mam.

"Meron,si Claire, ang bunsong babae at si Daniel David yung bunsong lalaki."

"May bunsong lalaki?Gwapo rin?" may kilig yung sunod na tanong ko kay ate Jenna.

"Oo gwapo rin siya pero mas gwapo ako doon." nagulat ako at muntik na atang kumawala ang puso ko sa gulat dahil sa isang matipunong boses nagmula sa likod ko. Natawa kaming pareho ni ate Jenna sa sagot ni Sir Sed.

Nakatayo si Sir Sed doon. Ang bango niya grabe. Humahalimuyak siya.Amoy bagong ligo.

Napangiti ako pero alam kong kailangan kong magsorry dahil dapat ang mga katulong hindi nagchichismisan.

"Naku sir Sed sorry po , sorry po. Pabalik na po ako sa kainan."

"It is alright. May I have some water please?Here is my glass. This is my favorite glass.Please remember."

English na naman. Hindi pa ako nagnonosebleed.Kaya ko pa.

Medyo bossy yung pakiusap niya. Sakto lang sa akin.

Pagkuha ko ng baso niya nagandahan ako.Parang nakita ko na noon ang basong ito.

Hindi ko lang maalala kailan at saan.

"Sed, maaasahan niyang si Amira. Hwag kang mag-alala ha."

"Ate Jenna, I miss you po." lumapit si Sir Sed kay ate Jenna, pagkasabi niya nito ay binigyan niya ng isang yakap na puno ng pananabik ang mayor doma namin.

Malambing pala siyang lalaki. Nakaukit sa mukha ni Sir Sed na nanabik talaga siya kay ate Jenna.

Gwapo na, macho pa,at malambing pa. Saan ka pa makakahanap niyan sa buong universe.Wala niyan sa Mars.

"Oh siya kung tapos na kayong kumain ng daddy mo magliligpit na kami ni Amira. Ihahatid namin siya ni Johnny sa airport." nangilid ata ang luha ni ate Jenna pero nauunawaan ko yon.Namiss din niya itong gwapong ito.

"Maii..maiiwan po ako dito?" mabilis kong tanong .

"Ayaw mo noon. We can eat all the ice cream we want?hehehe." isang sagot na may kasamang pang-aasar ang ibinigay si Sir Sed sa akin.

Sa totoo lang kinikilig ako.

Nakita kong biglang binaling ni Sir Sed ang tingin niya sa kisame na parang natatawa pa.

"Sir Sed ito na po ang tubig ninyo." inabot ko sa kanya ang baso niyang puno ng tubig.

"Sir Sed pasensya na po kayo kagabi. Kayo po pala yon.Akala ko kasi daddy ninyo."

"Oh it is ok.No big deal. Papalitan mo naman yun di ba?" sabay kindat niya sa akin.

Di nga. Kumindat siya sa akin?

Sabay mabilis syang bumalik sa kainan.

"Ako na po ang magliligpit ate Jenna. Ako na po ang bahala sa mga hugasin." May ngiti akong nagpumilit. Mas nais kong maghugas kaysa maglaba. Si Christine ang labandera ng mansyon. Medyo butch type na tomboy pero mabait. Parang kapatid ko na rin siya. Pero hindi namin type ang isa't-isa.

"So Sed, if there is anything you need just ask for Amira's help. She knows the house very well than your mother." birong paalala ni Sir Gallagher sa anak niyang noon ay nakatayo sa tapat ng malaking wooden front door ng mansyon. 

Nasa 9 ft ang taas ng pintuan. Hindi na nakakapagtaka. Mansyon ito eh. Puti ang halos kulay ng loob ng mansyon na may konting bahid ng kulay ginto ang bawat sulok. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa tingin ko paborito itong kulay ng pamilyang Gallagher. Nasa 5'10 ang amo kong gwapo.Paano ko nalaman. Sinukat ko.

Basta sinukat ko.


----------------------------------------------------------------------

Good morning My sunshine! (Tagalog-English Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon