Psychotic Flesh

1.4K 22 1
                                    

Psychotic Flesh by KittenMewo

Pinagmasdan ko ang isang lalaki, naglalaro siya sa loob ng court kung saan maraming tao at nagsisitilian dahil sa larong bola.
Hawak ng lalaki ang bola napunta ang atensyon sakanya, pinatalbog niya ang bola habang tumatakbo papunta sa kabilang panig ng court. Matulin at mabilis ang bawat galaw niya parang siya hinabol ng kung ano sa bilis niya nang narrating niya ang kabilang panig ay agad niyang ginawa ang posisyon kung saan ipapasok niya ang bola sa ring na ilang metro ang layo sakanya. Malayo at impossibleng mapasok ang bolang hawak niya. Tahimik ang lahat inaantay ang pahahantungan ng bola.
Papuntang kaliwa ang bola na unti unting pumasok sa ring. Three points! Nagawa niya.
Napangiti ako. Wala paring kupas ang galing niya sa larangan ito katulad pa rin siya noon. Naghiyawan ang mga taong nakikinood sobrang lakas ng mga hiyawan nila, nakakarindi sila.
Napatingin ako sa kanya sa reaksyon niyang halatang walang pakialam sa mga hiyawan at mga papuring natatamo niya. Ganon ka parin talaga. Iling iling kong sambit.
Hindi ka pa rin nagbabago. Ang mga mata niyang chinito pero ang lakas ng epekto, yung labi niyang hindi mo makikitaan ng silip na ngiti, yung husay niya sa larong ito, at ang asul niyang buhok na labis nagpapa lakas ng dating niya. Ikaw pa rin ang taong nakilala ko noon. Ikaw pa rin talaga iyan.
Siya pa rin si Gatorade ang lalaking sobrang mahal ko, ang lalaking saakin noon, ang lalaking pinagdadamot ko ng palihim sa lahat dahil hindi ko na siya hawak pa. Matagal ng tapos ang kontrata, matagal na siyang nakawala saakin.
Nais kong itali ulit saakin, akin naman talaga siy. Ako ang una niya pero anong magagawa ko? Wala na ang kontratang nagbubuklod saming dalawa?
Pero kahit tapos na ang 'dapat' lahat samin hindi ako papaya nabasbastang mawawala siya sakin.
Ako ang una niyang kinasama, ako ang una niyang kasintahan. Ako ang nakauna sakanya sa lahat, kaya saakin rin ang balik niya dahil kami ang para sa isa't isa. Kahit ano gagawin ko para mapasakin siya, lahat ng makasalanang gawain ay gagawin ko para sa taong pinakapapamahal ko na si Gato.
Sa kabila ng mga hiyawan ng mga tao, sa kabila ng mga ngiti ng bawat isa na nandirito nasa isang tao lang atensyon ko, kay Gatorade. Napasinghap ako ng makita ko ang ngiti niya. Ngiting tunay, mga ngiting hindi pa niya ngagawa sakin ng hindi pilit at may pagpapanggap.
Agad nag-alab ang mga mata ko. Hindi maari! Hindi maaring ngumiti ng ganyan si Gatorade! Akin lang siya, walang ibang tao magpapangiti sakanya kundi ako lang. Ako lang ang para sakanya, ako lang!
Maalab kong sinundan ng tingin upang malaman kong kanino nakatuon ang atensyon ng akin pinakamamahal ko.
Isang babae, isang babae ang kanyang tinignan. Babaeng may mahabang buhok, nakangitin rin siyang tumugon sa titig ng mahal kong prinsipe. Hindi maari!
Ugh. Napahawak ako sa dibdib ko naninikip nanaman, isang senyales na nasasaktan ako.
Hindi ko kayang sa iba nakalaan ang atensyon mo, Gatorade. Hindi ko kayang yang mga ngiti mong noon unang mong binibigaysaakin ay nakalaan na sa iba. Kumapara sa ngiting binibigay mo saakin noon mas tunay ang pinapakita mo ngayon, nakaka-inggit, nakakapanikip ng dibdib.
Agad bumalik ang galit sa mata ko. Ang galit na napunta sa babaeng iyon, ang babaeng nginitian ng mahal ko. Hindi pe-pwedeng mapunta siya sayo. Ako ang una, ako lang ang dapat para sa mahal ko.
Babantayan kita. Habang napapalapit sa mahal kong lalaki, mas nalalapit rin ang kamatayan mo.
Nakita kong umalis ang babaeng iyon sa pinagkaupuan niya, bumuka ang bibig niya na parang may sinabi sa kausap niyang lalaki na katabi niya pa kanina pa.
Tumayo siya at naglakad palabas ng gym hindi kasama yung lalaking katabi niya, sinundan ko siya. Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng court. Nilapitan ko siya at binantaan.
"Number 5, mag-ingat ka number 5." Bulong ko sa tainga niya at mabilis na umalis sa pinagkakatayuan niya.
Pang-apat na siyang binantaan ko at sa tingin ko mahihirapan ako sa isang 'to. Babatayan at kilalanin ko siya. Nakakaramdam ako ng kakaiba sakanya.

Sa sampung araw kong pagbabantay sakanya, pang-sampung araw na ring nagbabantay sakanya ang lalaking mahal ko. Binabantayan niya ang prinsesang kinasuklam ko ng sobra.
Yung sampung araw, naging buwan. Hanggang ngayon patuloy ko silang ginagambala nguni't hind ko magawa, dahil sa prinsipe kong nagbabantay sa prinsesang iyon patuloy lang ako sa pagbabantay at ganon rin ang ginagawa ng mahal ko. Nasasaktan ako.
Nakakatuwang isipin na parehas naming binabantayan ang isang tao. Ako, para pagbantaan at takutin ito at siya para protekhan ito. Nakakatuwang binabantayan niya ang babaeng ito dahil takot siyang masaktan ko ang babaeng tinuturing niyang girlfriend?
Nakakatuwang isipin na ang sakit sakit sa dibdib ng ginagawa niya. Ang sakit makitang iba ang binibigyan niya ng importansya. Sobrang sakit! Nakakagago na yung sakit.
Hindi ko alam kung anong demonyong sumapi sakin at dinala niya ako sa harap ng lalaking nagbibigay sakin ng sakit sa dibdib at ligaya sa puso. Kusang lumapit ang mga paa ko papunta sakanya.
Napatingin siya sakin gamit ang galit ng mga mata at sa hindi inaasang pangyayari mas matalim at sobrang samang titig ang sinukli ko. Nawala ang pagmamahal ko sakanya, pagkamunhi ay biglang umusbong sa katawan ko.
Napailing ako sa sinasabi ng isip ko. Hindi ko iyon gagawin. Hindi ito ang nararadaman ng puso ko pero ang sinabi ng isip ko ay kitilin mo ang buhay ng prinsipe mo, kapalit ng sakit at luha na binigay niya sa puso mo. Tama na ang pagkatanga, Nikki. Kumitil ka dahil kinitil niya lang rin ang puso mo.
Sa bawat paghakbang ng mga paa ko unti unti ako napapasangayon sa sinasabi ng isip ko. Kitilin ko kaya ang buhay mo, Rade?
Isang malademonyong ngisi ang kumurba sa labi ko. Malademonyong ideya rin kasi ang pumasok sa isip ko kung paano ko mapapatay ang lalaking pinakamamahal ko.
**
Naglalakad ako sa gilid ng coffee shop, iniisip ko pa rin ung plano kung paano ko siya mapapatay. Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Saan? Kailan? Paano?
Gusto kong masaksihan ang pagkawala ng buhay ng lalaking araw-araw kong sinasamba, napakagandang ideya sigurong patayin ka, Mahal?
"Nikki." napaatras ako, napapikit ng mariin. Bumibilis ang tibok ng puso ko, kumakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko hindi! Sigaw ng demonyo sa loob ko. Nagawawala ito, pilit kinokontra ang pag-ibig na nararamdaman ko sa isang tawag lang ng prinseping nasa likod ko.
Dahan dahan ko siyang hinarap, kagaya ng nasa malikhaing isip ko noon nagtagpo ang nag-aalab na mata namin.
Napangisi agn demonyo sa loob ko pilit binubulong saakin ang masasamang ideya na pumasok sa isip niya. Mga magagandang ideyangnagpapasaya sa loob ko.
Ngumiti ako kay Rade, ngiting mala-angel nguni't may pagkademonyong nagtatago sa ngiting ko ito.
Kagaya ng pagkalingon ko sakanya, dahan dahan ko rin siyang nilapitan. Isang metro nalang ang layo namin sa isa't isa at kitang kita ko ang mata niya -nag-aalab na mga mata. Ngumisi ako tsaka siya hinigit at hinalikan. Mga nakakapanuyang halik na panigaradong hindi niya nagugustuhan.
Napangisi nanaman ang demonyo sa loob ko habang patuloy na pinuputol ni Rade ang halik na hindi niyang magawang putilin dahil kahit papaano ay gusto niya-nagugustuhan niya ang halik ko dahil bumigay si Gatorade na sobrang kinatuwa ko.
Tinapos ko ang halik. Tinignan ko siya at hinigit pa aalis sa lugar na ito-patungo sa napadilim na kwarto. Madalim na kwartong kapapangyarihan ng isang milagro.
Pinagpatuloy ko ang halik na pinutol ko kanina. Walang atubili kong sinunggaban ang mga labi niya. Patagal ng patagal at palalim ng palalin ang halik ni Rade. Napangisi ako. Umupo pa ako sa hita niya at ramdam na ramdam kong gustong gusto niya ako dahil sa nararamdaman ko ang sa hita ko ang pagtayo ng bandera. Gusto mo pa rin pala ang mga halik ko, mahal.
Hinaplos ng mga kamay ko ang katawan ng taong sinasamba ko simula noon pa-si Gatorade na kinabaliwan ko. Bawat haplos nararamdaman ko ang daing niya. Nakakatuwang pakinggan ang mga daing niya. Ang sarap sa tainga ng mga ungol niya-ungol sa sakit na nadarama niya, daing sa bawat haplos ng matutulis kong kuko.
"Uh, uhh!!" daing niya ng diniin ko ang mga kuko ko sa dibdib niya. Napangisi nanaman ang mga demonyo sa loob ko. Tuwang tuwa akongnakikitang nasasaktan ka, mahal kong Rade. Nakakatuwang nararamdaman mo rin pala ang sakit na dulot ko.
We're fare and square.
Isang diin pa ng kuko ang ginawa ko, isang daing rin ang narinig ko na tila musika na ang sarap pagkinggan dahil galing ito sa taong minamahal ko.
"Ang saya sayang palang saktan ka, Rade?" isang nanunuyang ang tinig ko at isang malademonyong ngiti ang kumurba sa mumunting labi ko.
Nakakatuwang masaksihan ang nangyayari ngayon. Ang lalaking kinakabaliwan ko ay nakatali na ulit sa mga kamay ko.
Base sa nakikita ng mga mata ko. Ang kanyang katawan ay nakakadiin sa-pader, mga kamay na nakataas na nakatali ng sobrang higpit gamit isang napakapal na lubid, ang katawan niyang hubad ang pang-itaas kita rito ang bawat kalmot at bakat ng kuko sa parting iyon ganyon na rin braso. Sinong hindi mapapadaing sa napakadiin ng kalmot ng mga kuko kong napakahaba?
Napatingin ako sa paligid-ang kaninang madalim na kwarto ay nagkaroon ng kaunting liwanang na binibigay ng isang maliit na lampara. Kagaya ng sabi ko dito magaganap ang isang milagro-milagrong ikakatuwa ko, milagrong ikamamatay ng mahal kong si Lance Alexander nakilalang Gatorade.
"Anong sasabihin mo, mahal?" ngitian ko siya ng sobrang tamis ngunit hindi mawawala ang malademonsyong tingin at ngisi ko. Nilalamon ako ng demonyo sa katawan, ang sarap magpalamon sa demonyong ito.
Hindi niya ko sinagot, kagaya ng dati mailap pa rin mag-salita si Rade. Umupo ako sa harap niya at kita ko sa gilid ng mata ko na pilit niyang kinakalas ang makapal na lubid, asa ka pang makakalas mo yan.
Pinagmasdan kong maigi ang lalaking nasa harapan ko. Biruin mo ang siya iisang lalaking minahal at kinabaliwan ko sa Boyfriend Corp. na iyon ang magdudulot sakin ng sobrang kasiyahan? Noon hanggang ngayon siya lang talaga ang nagpapangiti saakin ng ganito. Iba talaga ang epekto ng isang Gatorade sa'yo, Nikki Nararamdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko napikit ako. Hindi! -hindi mo pa nagagawa ang nasa plano, Nikki. Tabunan mo yang pagmamahal na pilit bumabalik sa puso mo. Unti unting nag-iba ang kulay ng mga mata ko, mula sa itim naging pula ang mga ito.
Ginawa ko ang nasa plano. Sinaksak ko ang taong mahal ko. Una sa pulso. Hiniwa ko ang balat sakanyang pulso mabilis na nag-unahan ang mga dugo palabas unti unti rin itong naubos. Napangisi ang demonyo sa loob ng Makita niyang ang ugat sa pulso ni Gatorade.
Dahan dahan ang maingat kong hinati ang balat niya mula sa pulso hanggang sa braso hanggang sa lumabas ang likidong nagpapasaya sakin -ang dugo niya patulo'y na dumadaloy, hindi nauubos ang dami dami nito paulit ulit na pumapatak sa sahig. Parang yung pagmamahal ko sakanya, marami pero sa huli mawawala rin. Sa una punong puno pero sa huli-galit ang pupuno nun.
Kitang kita ng mga mata kung gaaano siya napapapikit sa sakit. Ang sarap titigan ng isang taong nasasaktan sa tuwing gumagawa ka ng nakakatuwa sa katawan nila.
Nilaslas ko ang kanyang balat padiin mula sa pisngi pababa sa kanyang braso. Nakakatuwang pagmasdan bawat dugong dumadaloy. Bawat dugong nasasayang. Sa isang patak nito sinalo ko. Ang sarap, lasang bakal pero ito ang kinakatuwa ng demonyo sa loob ko.
Tinoon ko ang atensyon ko sa duguang pisngi ni Rade dinilaan ko ang pisngi niya-aray!ah! napaluhod ko sa sakit na nararamdaman ng katawan ko dahil sa sipang ginawa ni Rade. Shit.
Kinuwelyuhan ko ang lalaking sumipa saakin-shit! Aray!
"Tangina wag mo kong tadyakan!" malakas kong sigaw sabay sampal sa dumudugong pisngi niya napahiyaw siya sa sakit ng sampal ko-tumalon siya at sinapa ulit ako napsubsob ako sa sahig malapit sa pinto.
Sa kwartong ito. Isa lang ang bintana at sobrang liit pa nito baka nga hindi mo mapansin kung hindi tititigang husto. Isa pinto na may ilang metro lang din ang layo sa pwesto ng lalaking nagpapainit ng ulo ko-biglang may humawak sa paa ko. Ang higpit ng pagkakahawak sumipa pa gilid pero hindi pa rin makapalag. Ang sakit ng hawak niya, naiirita na talaga ako sa lalaking 'to!
Gamit ang buong lakas ko hinila ko ang mga paa niya. May napunit. Inangat ko ang tingin ko sa lalaking hinihila ko at sumabit ang kanyang damit sa isang bakal.
Nakita ko pumatak ang ilang tulo ng dugo sa sahig mukhang galing ito sa dibdib niya na sa tingin ko ay sumabit rin sa bakal.
Napatili ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko. Tinadyakan ko siya sa tyan bilang defense mechanism. Napaluhod siya sa sakit at ginamit ko iyong pagkakataon para kitilin ang buhay niya.
Gawin mo na ang plano. Bulong ng demonyo sa loob ko. Tumango at ginawa ang isang bagay na dapat kanina ko pa ginawa.
Ang kitilin ang buhay niya.
Napatingin ako sa bintana. Nandoon ang intrumento para mapatay ko siya, tumalon ako at kinuha ang isang maliit pero napakatulis na kutsilyo sa taas may bintana. Kutsilyo. Tinabi ko muna ang hawak kong alas.
Humakbang ako palapit sa kanya at pinagsisipa ko siya. Sipang naglalabas ng lahat ng emosyon ko. Pagmamahal na nasayang, pagkabaliw sakanya, panghihinayang at ang nag-iisang emosyon na nag-dala saakin sa sitwasyon na ito-puot.
Kiatng kita ng mga mata kung paano unting unting nanghina ang katawan niya, mula sa nga braso niyang dahan dahang bumabagsak sa sahig hanggang sa mga mata niyang untin unting pumupikit at ang pahinga niyang malapit ng mawala.
Lumuhod ako upang masaksihan ng malapitan ang pagkawala ng hininga niya. Hinaplos ko ang mukha niyang labis kong pinupuri at sinasamba mula sa kilay hanggang sa labi niyang dati kong pang nahahalikan.
"Mahal na mahal kita, Rade, baliw ba baliw pa ako sa'yo diba? Tandaan mo hinding hindi yun mawawala, yung pagmamahal ko sa'yo panghabambuhay yun." Namumuo na ang mga luha sa pisngi, nanlalabo na ang mata ko. Iiyak na ata ako. "Ikaw lang kinababaliwan ng isang tulad ko, mahal."
Kasabay ng paghalik ko sa noo niya ay ang dahan dahan pagbaon ng kutsilyo sa-katawan ko.
Mahal kita at kahit anong galit pa ang mayroon ako sayo, hindi ko rin pala kayang kitilin ang buhay mo. Salamat dahil pinatay mo ako.
Dahil sa paglapit ng ng mukha ni Nikki ay siya ring paglapit ng isang matulis na bagay sa puso niya. Ang kutsilyong hawak ng kinababaliwan niya-pero hindi iyon ang pumatay sakanya.
Pinatay niya ang sarili niya. Kagaya ng mga palabas sa teleserye pinatay ng bidang babae ang sarli niya.
Sa ilang buwan kong pagbabantay kina Rade at Alexa isa lang ang kinabahala ko. Ang isang maliit na demonyong handang sumira sa relasyon nila, isang demonyong hindi sila titigilan.
Mag-ingat ka, mahal. Kasabay ng hangin mabilis rin nawala ang buhay niya. Wala na si Nikki pero hindi dito natatapos ang lahat -dahil may demonyong handang pumatay sa taong mahal niya. Demonyong papatay para makuha ang lalaking nais niyang dalin sa impyerno kinaroroonan nito.

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon