Game Of Heaven

1.4K 24 1
                                    

Game Of Heaven by Caramel04

---------
ALEXA
Naglalakad ako pauwi galing school. Medyo malayo ang bahay namin sa school, Medyo lang naman. Liliko lang ako sa isang street na may basketball court. Umupo ako sa isang tyangge sa tapat ng basketball court. Medyo napagod ako kakalakad. Etong tyangge ay sarado na, siguro dahil sa wala na masyadong taong dumadayo sa basketball court kaya nalugi yung nagtitinda at sinarado nalang. Haha, grabeh na tong utak ko, lahat nalang naiisip ko. Pati yung pagkaLugi ng lumang tyanggeng to naisip ko pa! Almost 5 minutes na akong umuupo dito pero tinatamad pa din akong tumayo. Dahil sa sobrang ka boringan nagsulat ako ng kung ano ano sa isang sticky note ko.
'true love isn't easy, but it must be fought for,' Yan ang isinulat ko sa sticky note ko. Putol yan na sentence galing sa sinulat ko sa isang paligsahan dito sa school nung valentines day. Dinikit ko yung dilaw na sticky note sa tyangge. At umalis na pauwi. Nakakapagod tong araw na to.
--
Next Day
4:30 PM
Marami ng kapwa kong estudyante ang lumalabas sa paaralan. May mga naninigarilyo sa waiting shed, may busy sa cellphone, may magsyotang naglalandian. Haaay, Lovelife nga naman. Nagsimula na akong maglakad pauwi para maaga pa akong makarating sa bahay. Malapit na ako sa basketball court, at nakita kong may mga naglalarong binata na ka-edad ko siguro. Mga schoolmates ko din yata kasi may hawak silang polo uniform ng school namin.
*patak*patak*
Ayy? Umuulan?! Tumakbo ako sa tyangge na pinagpahingaan ko kahapon. Patitilain ko lang ang ulan tsaka na ako uuwi, baka mabasa tong bag ko eh. Wala pa naman akong payong. Nagsitakbuhan din yung mga lalake sa basketball court at sumilong sa isang bahay na medyo malayo sa tyanggeng kinaroroonan ko. Haay, ano ng gagawin ko dito? Mukhang matatagalan pa ang pag tila ng ulan ah? Tinignan ko ang sticky note na dinikit ko kahapon, wala na duon! Hinde na saking sticky note ang nakalagay ngayon. Kulay asul siyang sticky note na may nakasulat na gamit ang big letters.
'BECAUSE ONCE YOU FIND IT, IT CAN NEVER BE REPLACED. - L.A.Z.' Yan ang nakasulat sa kulay asul na sticky note. Yan din ang karugtong ng sinulat ko kahapon. Paanong? As in Hooow?
Kumuha nalang ako ng sticky note sa bag ko at sumulat duon.
'Paanong?'O.o' parang shunga lang ako noh? Nirereplyan ko ang stranger. Eh sa curious ako kung paano niya nalaman ang karugtong ng sinulat ko.
Medyo tumila na ang ulan, naglakad na ako pauwi ng bahay.
--
Next Day
Uwian na naman, di ako makakauwi ng diretso sa bahay kasi dadaanan ko pa sa locker ko ang libro namin sa isang subject. nakayuko pa ako habang naglalakad, binibilang kung ilang steps papunta sa locker ko. Pero nagkamali ako sa pagbibilang sa kalagitnaan dahil nalito ako. Dumiretso na lang ako sa locker ko. Bubuksan ko na sana eto pero bago ko pa mabuksan may nakita akong Kulay Asul na sticky note. Binasa ko ang nakasulat, naka Upper case letter siya.
'YOUR SMILE IS MY GLOW, SUNSHINE.- L.A.Z.' Napangiti ako sa nabasa ko. Inilibot ko ang paningin ko, baka makita ko yung taong naglagay nun sa locker ko. Inipit ko siya sa libro ko. Naglakad ako, Sinulyapan ko ang tyangge at meron na namang sticky note na nakaiwan.
'SECRET. PANGALAN MO MUNA. :P -L.A.Z' Andami namang nalalaman tong Stranger na to. Di naman siguro masamang magpakilala diba? Di ko lang ilalagay last name ko. Alexa Gabrielle. Sinulat ko ang pangalan ko at dinikit yung sticky note. Hawak hawak ko yung sticky note at inipit sa libro kasama nung sticky note na nakuha ko sa locker ko.
--
Next Day
*bugsh*
"Aray." Sabi ko habang hinihimas ang noo kong nabunggo sa taong nasa harap ko. Nakaupo siya na parang natatae(Grabeh yung term, sorry) habang pinupulot ang mga notebook at libro kong nahulog sa sahig. Tinignan ko siya, Meron siyang Kulay Asul na buhok at sobrang kinis ng mukha niya.
"Eto Miss oh, Sorry ah." Sabi niya sabay ngiti at umalis. Natulala pa din ako sa likod niya na dahan dahang nawawala sa paningin ko.
'Sino Kaya Yun?' Tanong ko sa sarili ko. Parang ngayon ko lang siya nakita sa school ah. 'Haay, ano ba naman Alexa, paanong ngayon mo lang nakita eh wala ka ngang pakielam sa paligid mo!' Sabi naman ulit ng isip ko.
Pauwi na ako ng bahay at patuloy na naglakad. Dinaanan ko naman ulit ang tyangge at nakita ang sticky note na asul duon. Ewan ko ba ba't patuloy ko pa ding ine-entertain tong nagsusulat sa sticky note na blue na to.
'ALEXA <3 HOPE TO SEE YOU ALWAYS SUNSHINE. ;) -L.A.Z'
ANO? Gusto ko ng kausapin tong Sticky note na to at itanong kung sino ang sumusulat sa kanya! Pero ayoko! Baka sumagot noh! Pero seryoso gusto kong malaman kung sino to eh!
'Sino ka ba? Can I atleast know your name?' sulat ko sa sticky note at dinikit ulit duon.
--
Lumipas ang ilang linggo at nagpapalitan pa din kami ng sticky note sa tyangge na yun. Binigay niyang clue sakin ay 'Gatorade'. Di ko alam kung anong ibig sabihin niya sa 'Gatorade'. Ano namang gagawin at kinalaman niya sa Gatorade? Pero after that day, Nalaman ko ang pangalan niya ay Lance. Lance lang ang ibinigay niya sa aking pangalan. Patuloy pa din kaming nagkakapalitan ng sticky note.
Parati ko ding nakakasabay sa ilang P.E ang lalakeng nakabunggo ko dati na may asul na buhok. Halos ilang sessions kami sa P.E na magka-partner. Mabait siya, Parati pang nakangiti, Gusto ko siya. XD eeehhh >///< . 'Rade' ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Di ko alam buong pangalan niya eh. Alangan namang tanungin ko?
Isang beses nga Ngumiti siya sakin, kumaway at tinawag ako sa aking pangalan. Tinawag niya akong Alexa. Naiwan akong tulala nun.
Tsaka isa pa tong Mr. Stranger na to ng sticky note na blue! Parang Harmless naman siya kasi, parati niyang sinusulat sa sticky note ay-- 'Have a nice day, Keep smiling Alexa.' 'You're so beautiful, sunshine.'
Tsaka yung pinakagusto kong sinulat niya ay yung-- 'It's your hair and your eyes today, that just simply take me away. I'm out of my league, Alexa. <3 - L.A.Z'
Di ko alam pero parang di makukumpleto araw ko sa tuwing di ako makakatanggap ng isang sticky note galing sa stranger na to. Parang naging part na siya ng cycle ng buhay ko araw araw. Nakakawala ng pagod. Gusto kong makilala kung sino man tong taong to.
--
Three straight days na akong pabalik balik sa tyangge pero hindi pa din ako nakakatanggap ng sticky notes. Palagi akong malungkot ng umuuwi dahil dun, Dagdagan pa na three straight days ding absent si Rade. Wala tuloy inspirasyon :(, Naks! Pero totoo, Tatlong araw na akong parang lantang gulay. Isa, dahil tatlong araw na akong di nakakatanggap ng sticky note letters sa Lance na yun, at pangalawa, Absent si Rade. Haaay buhay, parang life.
Pauwi na ako, naglakad nanaman ako as usual. Parang exercise ko na to kada hapon nuh XD kaya di ako tumataba eh. Tumigil ako sa tapat ng tyangge pero di pa ako tumitingin. Baka ma disappoint lang ako dahil wala na, namang sticky note. Pinikit ko muna yung mata ko bago tumingin sa tyangge. Meron na!
'SORRY, NAGKASAKIT LANG. HOW ARE YOU? KEEP SMILING MY SUNSHINE :)' Nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan at ngumiti ako ng napakalawak. Niyakap ko ang sticky note at luminga linga sa paligid, Baka mapagkamalan akong baliw. May nakita akong lalake, Naglalakad, patungong school. Kulay asul yung buhok niya! si Rade! Tinawag ko siya.
"RADE! RADE!" Sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya. Nilingon niya naman ako at nginitian. Leche! Ang gwapo niya talaga. Tapos .. tapos.. ang bait bait pa niya. >//< Gusto ko siya kaso, di naman ako aasang magkakagusto siya sakin. Ang gwapo niya, Mabait, tsaka marami ng na-link sa kanyang magagandang babae. Katulad ng Cheerleading captain naming dito sa school, yung nanalo sa Campus Stand-out namin last year. Puro magaganda, talented at matalino yun. Eh ako? Cross out niyo nalang ang maganda. Talented lang ako at matalino eh XD
"H-hi. May K-kelangan ka?" Pabalik niyang sabi sakin habang nakangiti. Hinde siya naka uniform ngayon.
"Bakit ka absent? Na-miss mo yung P.E session natin kanina. Tsaka san ka galing?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya ng batok niya saka sumagot.
"Ah-ehh, may sakit ako! T-tsaka, may dinaanan lang ako diyan sa k-kaibigan ko sa kanto." Nauutal utal niyang sabi.
"Ahh, O-okay kana ba?" tanong ko.
"Oo, makakapasok na ako bukas." sabi niya sabay ngiti ulit sakin at tingin sa malayo.
Ano kayang problema nito?
"Buti naman."Bulong ko sa sarili ko.
"Ano yun?" Narinig niya yung sinabi ko!?
"W-wala! Ahehe." Naka peace sign ko pang sabi sa kanya. Ginulo niya lang ang buhok ko.
"S-san ka galing? ba't di ka d-diretsong umuuwi?" Nauutal niya ulit na sabi.
"Dun sa harap ng court, sa may lumang tyangge. Palagi akong umuupo dun." Sabay ngiti ko ding sabi sa kanya. Naalala ko naman kasi yung si Lance daw na nagbibigay ng sticky note sakin.
"T-talaga? A-ano yang hawak mo?" Tanong niya.
"Ah eto? Sticky note. Bakit?" Sabi ko sa kanya.
"W-wala, sige ingat ka ha." sabi niya at tumalikod na paalis. Nagkibit-balikat nalang ako at tumalikod na din.
--
Patuloy pa din ang pagpapalitan namin ng sticky note nung Lance dun sa tyangge. Mag-da-dalawang buwan na pala kaming nag papalitan ng sticky notes. Gustong gusto ko na siyang makilala, I like him. Nandito ako ngayon sa tyangge hawak hawak ang sticky note at ballpen ko. nag-iisip kung ano pwede kong isulat.
"Aish! Bahala na!" Pagmo-monologue ko.
'I want to meet you. Likod ng pinakamalapit na school dito sa tyangge. 4:30 p.m. Aasahan kita' Yun ang sinulat ko sa sticky note at dinikit yun.
--
Next Day
4:20 PM
Nagliligpit na ako ngayon ng gamit ko, at handa na akong makipagkita dun kay Lance. Papalabas na ako ng gate nung makita ko si Rade kasama ang mga barkada niya. nasa harap sila ng school nagtatawanan. Sinulyapan ko siya at napatingin din siya sakin. Nakatitig lang siya, iniwas ko na kaagad ang tingin ko. Weird niya ngayon.
Umupo ako dun sa isang waiting shed sa likod ng school. Hawak hawak ko ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang parents ko na baka late akong makauwi. 4:30 na. Wala pa si Lance. Di naman ako nag e-expect na agad agad siyang andito noh.
Lumipas ang isang oras at wala pa din siya. Nagdesisyon na akong tumayo at papaliko na sana ako nung may nakita akong nakahoodie na lalake. di ko nakita ang mukha niya dali dali naman siyang tumalikod at mabilis na naglakad, hinabol ko naman siya at tumakbo siya, natanggal ang hoodie niya. Nakita ko ang buhok niya. ASUL?
Nawala na sa paningin ko ang lalakeng tumakbo. Si Rade ba yun? Hinde nman siguro! assumera lang ako. Marami namang asul ang buhok sa mundo eh, hinde lang siya. Umuwi ako ng bahay na hulog ang balikat.
Kinabukasan, di pa din matanggal sa isip ko si Lance. Yung mga messages niya sa sticky note.
Di ko alam kung si Rade yung lalake. Eh ano naman kung si Rade yun? baka napadaan lang siya! Eh bakit siya tumakbo? Aish! gulong gulo na talaga utak ko!
Lutang na lutang ako habang naglalakad pauwi, dinaanan ko din ang tyangge. May sticky note.
'SORRY FOR DITCHING YOU.-L.A.Z' Hinde ko sinagot ang sticky note, kinuha ko lang siya ta nagalakad na ako pauwi.
--
Dinaanan ko ulit ang tyangge, at merong sticky note.
'YOU MAD? PLEASE, LEAVE A NOTE :(.-L.A.Z.' Yun ang nakasulat. Di ko pa din pinansin after ilang days hanggang sa umabot sa time na siya na yung nag set ng schedule na magpakita.
'ROOFTOP OF THE SCHOOL. LUNCH. PLEASE BE THERE - L.A.Z' Naging mabilis ang tibok ng puso ko nung mabasa ko yun. Paano siya makakapasok sa school nun?
Kaya, after that day, nung Lunch na. Kinakabahan akong umakyat ng rooftop.
Nasa harap na ako ng pinto ng rooftop ngayon. Woooh!
Pumikit pa ako bago ko binuksan yung pinto.
O____O
S-si..... Si..
"Hi Alexa."
"R-rade?" A-anong ginagawa niya dito? Huwag mong sabihing.. unti unti siyang lumalapit sa akin. bumibilis ang tibok ng puso ko at parang slowmo siyang naglalakad papalapit sakin. inilahad niya ang kamay niya sakin at nagsalita.
"Hi. I'm Lance Alexander Zamora. You can call me Gatorade if you want." diretsa niyang sabi habang ako ay nakatulalang nakatingin sa kanya.
"A-anong? P-paano?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya at tumingin sakin.
"A-ako Yun, Alexa. Di ko kasi alam kung sa anong paraan mo ako mapapansin eh. Natatakot akong baka pag pinansin kita snob mo lang ako. *chuckles* I want you as my friend simula pa lang nung lumipat ako dito sa school niyo. Kaso, habang tumatagal ng tumatagal iba eh. iba ka Alexa. Lalo pa nung nakita kitang nag-iwan ng sticky note sa lumang tyangge. inisip ko, you're one of a kind. I started liking you Alexa. Di ko nga alam kung gusto kita eh. Kasi pag nakikita kita, parang babae ako umasta kasi parang may humahalughog ng sikmura ko dahil sa sobrang kaba. Di din ako makapagsalita ng maayos pag ikaw kaharap ko, tsaka di nakukumpleto araw ko pag di kita nakikita. tsaka eto.. "
Kinuha niya ang isang kamay ko at tinapat yung sa bandang dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Malakas ang kabog nun. Katulad nung puso ko.
".. Nagwawala yan pag ngumingiti ka. Kaya parang ang laking pag-asa ko nung sumagot ka sa mga notes na iniiwan ko. Gusto kita Alexa--- hinde. Mali. Mahal kita. " Di ako makapaniwala sa mga narinig ko. Nakatitig lang ako sa kanya ng matagal at ganun din siya sa akin. Yumuko siya. Ngumiti lang ako at hinawakan ang chin niya para ma-iangat ang ulo niya.
"Mahal din naman kita eh." sagot ko sa kanya habang nakangiti. Lumapad naman ang ngiti niya at niyakap ako.
Di ko akalaing si Rade, na gusto ko. Si Rade na idol ko. Si Rade na Crush ko, Si Rade na hinahangaan ko, Si Rade na hinde ko inakalang minahal ko, MAHAL AKO. Di ko akalaing si "Sticky-note-stranger" ay si Gatorade.Grabeng biyaya si Gatorade o Lance. Lance Alexander Zamora, Mahal Kita. <3

[✓] Boyfriend Corp One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon