Game Over

17 1 0
                                    

Alam mo ba yung pakiramdam ng sumali ka sa isang contest , tapos akala mo ikaw na ung panalo dahil sa dami ng sumusuporta sayo tapos nung biglang nag announce ng winner may mas angat pa pala sayo . Masamang umasa , masamang mag assume , wag kang mag feeling dyan , masasaktan ka lang . 

Hindi ko inimagine sa buhay ko na magkakagusto ako sa isang lalaki na alam kong kahit kailan hindi ako magagawang pansinin , bakit ? Mataba , Maliit , May salamin at madaming tigyawat .

Alam ko sasabihin ng iba cliche na 'to storya na 'to . Di ko din alam pero talagang nangyayari pala talaga yung ganung mga bagay sa personal na buhay ? 

Nagkagusto ako sa isang lalaki , mas matanda sya sakin ng isang taon . Gwapo , Chinito , Matangkad , Magaling mag basketball , Mabait , Medyo makulit at matalino . Masasabi mong boyfriend material at masasabi mo ding may nag eexist pa palang ganun sa mundo na akala mo puro fictions lang . 

Mahilig akong magbasa ng mga storya mapa wattpad , libro , basta kahit anong may kwento hindi ako tinatamad kaya naman naimpluwensyuhan nila ako , lagi akong nag dadaydream na baka ganito baka ganyan yung mangyari at dahil nga ang iniisip ko ay ung mga nangyayari sa libro syempre impossibleng nangyayari , aasa ako at masasaktan . Tanga lang diba ?

Nagstart yun noong Freshmen pa ako sa University namin ngayon , nung una wala akong paki . Madalas ko syang nakakasalubong sa hallway , sa cafeteria , madalas ko siyang nakikita kasama yung mga kaibigan niya , hindi ko pa siya kilala nun , wala siyang halaga nun at dahil nga mas matanda sya sakin , Sophomore na siya . 

One time may project na kaming ipapasa nang mga kaibigan ko , tapos hinahanap namin ung prof. namin sa project na yun , lahat ng room pinasok namin and then nakita namin siya sa Science Lab namin . Vacant namin yun at nag kataong wala din syang klase .

Yung lalaking nakikita , nakakasabay at tinititigan ko sa canteen madalas , pumasok sa Lab kasama ung tropa niya . Yung tropa ko makapal yung mukha ( well , totoo naman ) kinausap niya yun , at dahil ako nga ay freshmen pa at first time kong makipag Close sa hindi ko kilala at hindi namin ka level . 

Naging close kaming magbabarkada , may time na yung kaibigan ko nagkagusto sa kaibigan niya pero sa huli hindi naman naging sila dahil din sa komunikasyon , may kaibigan din akong nagkagusto sa kanya mismo , dalawang kaibigan ko .

Sa kanila ko naranasan yung harapharapan kang sabihan ng masasakit na salita , yung tipong mapapasabi ka nalang ng "Kaibigan ko pa ba sila ?" pero naging maayos din naman kami . Hinding hindi masisira yung pagkakaibigan namin dahil sa lalaking yun . 

May foundation day kami sa University namin and , syempre habang busy yung iba sa paglalaro ng iba't ibang sports ako naman busy sa pakikipagdaldalan , madaming booths kang makikita , naamaze din ako dahil noong highschool pa ako hindi ko naranasan mag karoon ng ganito kaya enjoy na enjoy ako .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon