Chapter 8

0 1 0
                                    

Claire's POV

Halos nalibot ko na ang buong resort. Ang sakit na rin ng tuhod ko kakalakad-_-

"Gusto ko na umupo!" sigaw ko at saka naupo sa buhanginan

Hindi ko namalayan na palayo na pala ako ng palayo. Ang layo pa ng kwarto namin mula rito. Ayoko na maglakad>•<

Tumingin ako sa langit. Pagabi na pala. Anong oras na kaya? Dead batt na rin kasi yung cellphone ko. Arrgggh!

Ako lang ata mag-isa rito. Dapat pala sinama ko man lang si Ali. Kainis!

Napalingon ako sa kaliwa ko. May malaking bahay pala dito. Kaso mukhang haunted na. Mukhang sobrang luma niya na at halos pasira na rin.

Siguro nung panahon pa 'to ni Lapu-Lapu

Ok...OA ka na Kleng-_-

Gusto ko ng umalis dito kaso hindi ko na talaga kayang maglakad...~_~

"Claire? Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong sakin ni Nicole. Sa wakas! May kasama na rin ako!

"Nagpicture kasi ako kaso hindi ko namalayan na napalayo na pala ako." pag papaliwanag ko. Naisip ko na magpabuhat kay Nicole kaso parang tingting nga pala ang katawan nito...naawa naman ako HAHAHA

"Loka ka talaga! Paano kung may masamang nangyare sayo?" sermon niya saka iniabot ang dalawang kamay niya. Kinuha ko naman ito at saka tumayo.

"Ikaw? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya habang pinapagpag ang suot kong shorts. Puro buhangin na-_-

"Ahhh kasama ko si Josh. Nag cr lang ako kaya naiwan muna siya. Nandoon siya" tinuro ni Nicole ang haunted house na sinasabi ko kanina

"Nicole naman? Sa dinami dami ng lugar na pwede kayong magdate, jan pa talaga? Malay ko may mumo jan..." sabi ko. Tumago na lang ako sa likod ni Nicole. Ano ba yan?

Tinawanan lang ako ng loka-_-

"Ano ka ba? Hindi totoo ang multo 'no! Tara na nga..." hinila ni Nicole ang kamay ko papunta sa haunted house. Ang creepy talaga huhu

Pumunta kami sa likod ng lumang bahay. Sabi ni Nicole, nandito lang daw si Josh kanina...

"Baka naman pumunta na sa kwarto nila?" sabi ko.

"Hindi. Sabi niya eh hihintayin niya ako rito. Hindi niya ako basta bastang iiwan..." tama siya. Hindi ugali ni Josh ang basta basta na lang mang-iwan...lalo na kung nangako siya...

Hinahanap pa rin namin siya dito. Saan ba kasi nagpunta ang kumag na 'yon?

Inilibot ko ang mga mata ko. May nakita akong isang maliit na bahay sa may bandang dulo. Bukas ang pinto nito at...may ilaw? Baka nandoon si Josh?

"Nics, tara doon" turo ko sa maliit na bahay na nakita ko. Nabuhayan naman ng loob si Nicole ng makita na may ilaw sa loob nito. Siguro...tinaguan lang ni Josh ang girlfriend niya...tama..

Pumasok kami sa loob ng maliit na bahay. Mukhang bodega nga ito dahil sa dami ng mga nakaimbak na gamit na mukhang mas matanda pa kesa sakin.

Sobrang alikabok naman dito... At sobrang dilim pa.

"Josh?" tawag ni Nicole sa boyfriend niya.

Nakita namin ang cellphone ni Josh sa sahig...bukas ang flashlight nito. Siguro ito ang nakita naming ilaw mula sa labas.

Kinuha ko ang cellphone para patayin ang flashlight nito...

0.0

Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko...

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon