KABANATA 32

11.2K 486 96
                                    

[Adara]

"Breaking news! Mga katiwalian ni Mayor Brando Almendras ng Gubat, Sorsogon, kumakalat ngayon sa social media mula sa bagong post ni Eradicator—ang itinuturing na mystery ghost reporter ng bansa. Kasalukuyan itong pinaiimbestigahan ngayon ng kanyang tiyuhin na kasalukuyang gobernador ngayon ng Sorsogon na si Governor Franco Almendras. Dating pulis si Mayor ng bayan ng Gubat at mula sa mga taon ng pagiging pulis nito hanggang sa termino nito bilang mayor ng bayan, magkakasunod na itinala ni Eradicator ang mga ilegal na aktibidad na kinasangkutan nito taon-taon..."

Nakangiti kong tinanggal ang aking shades pagkalabas ko ng eroplano. Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ni Brando Almendras na kasalukuyang nakabalandra ngayon sa malaking TV sa gilid ko. Wala pa ring pinagbago ang itsura nitong mukhang asong ulol.

"I'm back," nakangising bati ko sa malaking screen nang ipakita ang interview ni Don Franco tungkol sa isyu ng kanyang pamangkin. Did you like my welcome surprise, Almendras? You should ready yourselves 'coz I've got a lot more on the table. Sadly, that's just a tease.

Wearing my polished business suit and stilettos, I shoved my hands in my pockets as I walked proudly inside the airport. I just let my long black hair flow down since Christian wasn't able to tie it for me before I left Virginia. You know? Christian does my hair all the time and I loved it. And now speaking of the overprotective boyfriend—he's calling. Video calling to be exact. Inayos ko ang sarili ko dahil isa sa pinakaayaw niya ay ang hindi ko pagsagot ng tawag. Ngumiti ako nang malapad bago ko ito sinagot.

"Hi, baby?" I tried to sound the sweetest as I flashed my sweetest smile on the screen.

"Where are you?" he asked. Boses lang niya ang narinig ko dahil hindi naman siya nakaharap sa camera at tanging kisame lang niya ang nakikita ko sa screen. But when I caught a glimpse of him, he was fixing the towel around his waist as he obviously just got out of the bathroom.

Damn. Bakit ang hilig mag-video call nito kapag kasalukuyan siyang nagbibihis?! Kinuha niya ang cellphone at umupo siya sa kama. He combed his damp hair with his hand as he tried to fix himself in front of the camera. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makita ang background sa likod ko. Hindi kasi pala ako nagpaalam na mauuna na akong umalis sa kanya.

"Sorry, baby." Nag-peace sign ako and I showed him my pakunwaring nagsisising face. "I promise I'll behave!" I assured, even raising my right hand.

He stared at me in blank amazement. "You're getting more and more stubborn, Adara," he said.

I pouted my lips. He called me by my name. "I just wanted to chill before I start working. Kahit 1 week lang."

His brows knitted in a frown. "You can chill for as long you want even if we both came back on the scheduled date," nakatatakot na sagot niya. Kaso imbes na matakot ako, lalo yata akong naaakit sa boyfriend kong 'to.

"Don't show me that face, baby. Nagsisisi lang akong hindi pa kita tinangay. My fault, okay? 'Wag ka nang magalit." I'm trying my best na makuha siya sa lambing kaso waepek naman yata. Mahal ba talaga ako ng lalaking 'to?!

"Just don't do anything stupid there or I'm gonna bring you back here. Understood?" Napairap ako. Pero siyempre sa isip ko lang. Tsk. Napaka-bossy kasi.

"Yes, sir," walang gana kong sagot. "And don't worry, Racer had prepared everything. Wag mo siyang pagagalitan kasi pinilit ko lang din siyang tulungan ako," sabi ko para manahimik ang kaluluwa niya. Si Racer ay malapit na kaibigan niya na kasama niya sa firm. Naka-close ko ito kahit medyo sira ulo dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay. He's a Filipino too kaya hindi ako nahirapang pakisamahan siya.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon