Archer's POV
"Hey,"panimulang bati ko nang sagutin ni Adonis ang tawag ko.
"Hmm,"mukhang nagising ko ito dahil sa tawag ko.
"Naistorbo ata kita, sige huwag na lang."sabi ko at papatayin ko na sana ang tawag.
"Wait, what?"kitang kita ko na ang nakakunot noong mukha nito.
"You called me to tell me na baka naiistorbo mo ako?"namamaos pa ang boses nito.
"Well, Fei is asking me if you can go with us, may gaganaping fan gathering, tsaka she's asking if you can help us sa pagtitinda ng mga merch, not so important."hindi ko mapigilang sambitin dahil sa hindi ko malamang dahilan tinawagan ko ito ngayong umaga para lang yayain itong sumama sa akin sa fan meet ni Blake pati kasi 'yong mga taga province ay kasama na ngayon.
Malaking event din ito, sina Fei at ang iba't ibang presidente ng mga fansclub ang nag-asikaso para daw makita ng lahat na marami pa ring sumusuporta kay Blake.
Hindi siya sumagot kaya naman agad kong naisip na iritado na ito sa akin. Hindi naman kami ganoon ka close so bakit ko nga ba naisip na tawagan ito.
"Hmm, I'm really sorry kung nagising ko man ang tulog mo! Sorry talaga!"mabilis kong sambit at pinatayan na siya ng tawag. Napakagat pa ako sa labi dahil sa kaba. Nataranta ako nang bigla ulit itong tumawag.
"May pustahan pa kami mamaya. Papatayin ako nina Thunder kung hindi ako sisipot."sabi niya.
"It's okay! Next time na lang, sorry talaga kung nagising man kita."sabi ko na natataranta.
"Anong oras ba 'yan?"tanong niya.
"Now?"tanong ko naman pabalik dahil hanggang kagabi ay nag-aalinlangan ako kung yayain ko ba ito.
"I'll come. I'll take a bath."sabi niya. Aangal pa lang sana ako dahil ang sabi nito kanina ay may game ito ngunit pinatayan na ako ng call nito. Kaunti na lang ay iisipin ko na talaga na fan siya ni Blake dahil dito.
Nag-ayos na rin ako dahil kanina pa ako tinatawagan nina Fei kung nasaan na daw ba ako.
"Ito na, nakaayos na, hintayin ko lang si Ayden."sabi ko pa.
"Alright, dalian niyo at medyo madami na rin ang tao dito."dagdag niya pa. Medyo maingay na nga sa pwesto nito kaya pinatay ko na rin ang tawag.
"Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni Aurelis na siyang kagigising lang.
"Fan gathering."simpleng sagot ko habang inaayos ang sapatos.
"Sus, makikipagdate ka lang e."sabi niya at nginisian pa ako.
"Kalapit lapit lang ni Bluster sa bahay natin kailangan mo pang pumunta sa ganyan."natatawang saad niya na inaantok pa rin.
"It's different! Ang mga kasama ko ay 'yong mga katulad kong sumusuporta sa kanya. Saka hindi naman pupunta si Blake e."sabi ko sa kanya.
"Sus, kung niyaya mo na lang kasi mga kaibigan mo at dinala sa tapat ng bahay nina Bluster."sabi niya na tinatawanan ako.
"You want me to invade Blake's privacy?"tanong ko at sinungitan siya.
"Ang sabihin mo, gusto mo ikaw lang itong pasilip silip kay Bluster diyan sa labas."sabi niya pa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na hinagisan ng unan na nasa tabi ko. Medyo napalakas iyon kaya tumama sa mukha niya. Tinawanan niya lang ako. Inis akong umalis sa kwarto naming dalawa.
"Ayan na pala siya, sakto ang dating mo."sabi ni Mama nang makitang pababa na ako at saktong pinapasok niya naman si Adonis.
"Hey, good morning."bati niya sa akin na nginitian ako.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Fiksi RemajaBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...