☽ Kabanata X ☾

267 88 19
                                    

Ang Unang Halik


Hawak ko na ang pinto at lumingon ulit ako sa likod ko, nakita ko na magkatabi si Ismael at yung Hari.
Yung dalawang lalaki na walang tiwala sakin at akala ko may pakialam sakin.

Labis ang pag aalala nila Tamida lalo na si Waywaya pero hindi ito ang oras para manginig ang tuhod ko. Nandito na ako at papanindigan ko to!

Tuluyan ko na ngang binuksan ang pinto at tanging kadiliman lang ang nakita ko sa loob. Hindi sa natatakot ako pero parang may kakaiba.
Pumasok ako sa loob ng kubo at biglang sumara ng malakas ang pinto, wala parin akong makita at malamig dito.

Hindi nagtagal ay biglang nagliwanag, nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako. At sa pagdilat ko ay nakita ko ang isang botelya, totoo nga siguro na ito na yun gamot. Lalapit na sana ako para kunin ito nang bigla may lumipad at dumapo sa kamay ko.

Isang Yesya.. napakaliit pero napakagandang Yesya. Kamukha nga ng mga Yesya yung mga Paru-paro pero iisa lang ang kulay ng mga Yesya, kulay puti lang.

Saan naman galing ito? Wala naman akong makita na bintana sa loob.
Nagbago ang itsura ng kapaligiran, naging katulad sa Hardin kanina.. Imagination lang ba to?

"Sinamahan mo ba ako dito sa loob? Salamat ha, at hindi ako nag iisa.." kinausap ko yung Yesya at napangiti.
Bigla naman akong natusok, ano to kinagat ba ako ng Yesya o natusok lang talaga.

Sobrang hapdi ng pagtusok sa kamay ko, lumipad papalayo yung yesya at dumapo naman sa botelya. Oo nga pala kukunin ko na to..malapit na sana ako pero lumipad ulot yung yesya at naging kulay itim.

Nagulat ako nang lumaki ang sukat ng kulay itim na yesya, nahati ito sa maliit na parang alikabok.
Nagkalat ang mga ito sa paligid ko at biglang dumilim. Ito ba yung dahilan kung bakit wala nang nakakalabas ng buhay dito? Makakalabas pa ba ako?!

Pinaligiran ako ng kulay itim na mga nilalang, di ko malaman kung parang lamok ba sila o bubuyog. Kung anong klase ng insekto man sila ay pinagtutusok nila ako.

Napasigaw ako sa sakit at narinig ko naman ang sigaw ni Tamida.
"Pristes Mersi?! Ano ang nangyayari sa loob?" tanong ni Tamida pero di ako makasagot. Oo nga pala may dala akong balabal na bigay ni Tamida, binalot ko yung sarili ko nito.

Kahit konting-konti ay nawawala yung hapdi pero di sila tumitigil sa pagtusok sa katawan ko.

Para silang mga karayom pero naglakad parin ako papalapit sa botelya. Pero bakit ganun? Parang habang naglalakad ako ay palayo ng palayo yung botelya? Bakit nangyayari to?

Patuloy ko parin na naririnig sa labas yung mga boses nila Waywaya at habang tumatagal ay nawawala yung bisa ng balabal. Sa patuloy na pagtusok nila ay nabubutas na yung balabal! Ano nang gagawin ko? Kailangan kong bilisan!

Tumatakbo na ako para makuha yung botelya pero mas lumalayo ito. Hindi ako pwede mapagod at sumuko! Nasalalay dito ang buhay ng nakararami.

Habang tumatagal din ay nanghihina ako, hindi lang mahapdi ang buong katawan ko. Parang inaantok ako na ewan.

Napaisip naman ako na baka ito yung dahilan kung bakit walang nakakalabas ng buhay sa kubong ito?
Ito din ba ang nangyayari sa kanila?

Mawawalan ng malay, manghihina at makatulog na parang... patay.

Ito na ang nangyayari sakin ngayon.. Hindi pwede! Hindi pwede!
Pinipilit ko talaga na makalapit at maabot yung botelya. May mga sumisigaw sa labas, parang si Ismael..

"Pristes Mersi! Anong nangyayari sa iyo sa loob?!Tutulungan kita! Hintayin mo ako!" Naririnig ko din na may gustong pumasok sa loob, parang sinisipa para masira.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon