kinagabihan nagpaunlak naman ang dalawa ng imbitasyon para sa victory party sa isang club...this time naka mini skirt at backless na sinuotan ng jacket si ana dahil casual lang naman ang party na pupuntahan nila..
namangha naman ang binata sa suot nito pero di na ito nagpahalata...
maya maya pa ay dumating na nga sila sa nasabing club at agad naman lumapit si roni para yayain sila sa loob at dun nga ay nagkahiwalay na silang dalawa....
malalim na ang gabi pero masaya pa ring nagpaparty ang lahat hanggang ...
"excuse me bro!"
nakita kasi ni kevin na tila binabastos na ang nakainom na si ana at pilit itong umiilag sa lalaking kasayaw,kaya nilapitan niya ito...
"ano bang problema mo?"tugon ni roni na lango na rin sa alak
"relax bro...wag mo naman sana bastusin yung kasama ko!"galit na sabi nito
at nagkagulo na nga sa gitna ng dance floor habang ang lahat ay nagtulungan namang awatin ang dalawa....
walang pasabi na umalis si kevin sa club hila hila si ana,at kahit malakas ang buhos ng ulan sumakay ito ng taxi at nagpahatid sa hotel.
basang basa silang pareho ng dumating sa hotel,at dahil nga wala nang malay si ana kinarga na niya ito hanggang sa loob ng kwarto nila...inihiga sa kama at saka nagpalit ng damit.....
"mmmm..kevin,salamat ha.."ani ng dalaga sa lalaking nakaupo sa tabi niya
"matulog ka na"
samantalang si ana dahil tila wala sa katinuan ay kung anu ano ang pinagsasabi
"alam mo ba kung bakit ako naiinis sayo?....."
nakinig lang ang binata sa mga sinasabi nito
"kashi niloko mo akoh!ako naman tong si gaga naniwala sayo...haha...mahal na mahal kita pero anong ginawa mo?...."at tumulu na ang mga luha nito
"pinaglaruan mo ako eh....kaya mula noon isinumpa ko na hinding hinding na ako magmamahal ulit!haha"patuloy pa rin tumutulo ang mga luha nito "pinaglaruan nyo ko..."at kung anu ano pa ang sinasabi nito hanggang sa makatulog na siya ...
samantalang naguguluhan naman ang binata sa mga sinabi ni ana.."ako ba tinutukoy niya?"tanong sa sarili
hindi naman umalis sa tabi ng dalaga si kevin sa halip natulog na lang ito sa silya malapit sa kanyang kama....
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...