Chapter 8

16 2 0
                                    

{CHAPTER 8}


"What?! NAHALIKAN KA NIYA SA MISMONG LIPS MO?!" sigaw ni Alyssa.

Ni kwento ko kasi sakanya yung nangyari kahapon.

"Hoy yang bibig mo! Baka ma issue pa ako dito dahil jan sa sinabi mo"


Gusto ko talagang i tape 'yong bibig niya. Paano na lang kapag may nakarinig sa'min sa labas? Paano kung sabihin nila na kami na? Mahirap kaya 'yon, lalo na kapag 'yong masasabi nila ay mali mali sa narinig nila.



"Pero saan nangyari? " nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam dun eh" sabi ko na sabay uminit yung pisngi ko.

"Masarap ba? Malambot?" aniya sabay humagalpak ng tawa. Nakakahiya.

"Tigilan mo na nga ako heh" naasar kong sabi.

"Alright " natatawang sabi niya.

"Kayo ni Tristan?  Any improvement? "


Bigla naman siyang sumimangot. Actually sweet sila dati pa pero hindi naman sila mag ka sintahan. Hindi ko nga din alam kung nililigawan ba ni Tristan si Alyssa.

"Hindi ko alam sakanya. Hindi naman siya nanliligaw Pero pakita siya ng pakita ng motibo para mag kagusto ako sakanya"

Nalungkot naman ako para sa best friend ko. Matanong nga si Tristan kung mahal ba niya o hindi si Alyssa.  Ayoko naman mangi alam sana pero ayoko din na umasa at masaktan ang nag -iisang kaibigan ko. Kung pinaglalaruan niya lang naman sana si Alyssa ay sana naman ay tigilan na niya.

"Eh ikaw? Mahal mo na ba si Matteo?" kinikilig niyang sabi.

"Hmm. Hindi naman siya mahirap gustuhin eh. Pero hindi ko pa alam. Ayoko mag padalos dalos kasi ayokong masaktan. " sagot ko naman.

"Sabagay."

Pagkatapos namin mag usap ay pumasok si Matteo. Tiningala ko siya na Nasa harap ko na ngayon. May kinuha siya sa kung saan.




"Goodmorning " aniya sabay abot sakin ng isang rosas.

Kinuha ko ito tsaka inamoy.

"Thank you" umupo na siya sa may likod namin ni Alyssa.

"Hey, Sabelle. Pwede mo ba ako samahan sa Saturday? Kukunin lang natin yung dress ko sa salon. Pinagawa ko since hindi ako nasukatan noong last week" Alyssa said.

"Bakit? Aanhin mo 'yong dress? "

"Kasal kasi nung anak ng tita ko nextweek so baka hindi ako makakapasok ng Ilang days. Gusto mo ba sumama? " aniya.

Oo nga pala nung nasa probinsiya pa kami Madalas akong pumunta sa bahay nila para makamusta ko si Alyssa. At sa bahay din nilang 'yon ay nagplaplano sila about sa mga kasal. Hindi ko pa kasi alam kung sino 'yon kasi minsan lang nila mapag -usapan. Ayoko din naman na tanungin.



"You mean si Ate Crista?  Siya yung ikakasal?!" Crista is her cousin.


Mas matanda siya samin ng mga 7-8 years I guess. Hindi na siguro ako magtataka nasa tamang edad naman na siguro siya, e.

" Oo. Ano sasama ka ba?"tanong niya.


Sasama sana ako pero baka hindi ako makagawa ng activities. Nextime nalang siguro, babawi na lang siguro ako. Medyo close din kasi kami ni ate Crista, mabait nga siya eh.




"Hindi ako pwede alam mo naman diba. Baka may ipapagawa silang activities "

"Sige Pero sasamahan mo ako sa Saturday? " nag babakasakaling sabi niya

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now