It's time for me to show everyone how beautiful,flawless and smart I am.
This time ipapakita ko sa lahat ang totoong Portia Bartolome.
Unti-unting bumagal ang pag-usad ng oras sa aking paligid.Tila ba nagtinginan sakin lahat ng tao pagkalabas ko ng backstage, kitang kita sakanila ang pagka-mangha at pagpuri sakanilang mga ngiti.
Naglakad ako na para bang walang tao sa paligid ko. Tinignan ko si cassandra habang kasama si drake at agad tumingin sa audience.
Mahal kita drake pero mas mahal ko ang sarili ko.
Ayun na lamang ang aking naisabi habang papunta sa aking pwesto.
"Portia wala kang partner?", tanong ng guro namin sa philosophy
Tumango ako habang malungkot ang itsura.
"Ayun tamang tama,ipa-partner kita sa Stem 1 candidate,sakto pareho kayo ng napiling sport",biglang hinatak ni Ma'am Alvarez ang lalaking tinutukoy niya
Natawa ako bigla ng makita si anime boy. Pero aaminin kong bagay sakanya ang napili niyang costume and for the first time hindi ko siya makikita ngayong hawak ang cellphone at nanunuod ng anime.
"Oh 'wag kang masiyadong magwapuhan sa'kin halata sa nganga mo", natatawa niyang sinabi
Ngayon ko lang din napagtanto na nakanganga ako habang pinagmamasdan siya kaya itinikom ko ito agad. Ano ka ba naman portia nakakahiya!
"Psh ang galing ha, pareho pa talaga tayo ng napiling sport, siguro nabalitaan mo ano?", ngumingise ako habang nang-aasar
"Asa ka", pagka-sabi niya nito ay agad kaming tinawag para sa parade.
Bumaba na kaming lahat sa stage at nagsimula na ang intrams,kami ay pinapunta sa court para mag-parada.
"Ang init", reklamo ko
Nagulat nalang ako ng bigyan niya ako ng tubig.Mabait naman pala ang isang ito.
"Wow thank you, ganiyan ba mga napapanuod mo sa anime?", tanong ko
"Dami pa sinasabi, mamamatay ka na sa init kadaldalan pa din pinapairal mo", sabay inom ng tubig niya
Napaka-suplado talaga nito.
"I'm Portia Bartolome, nice to meet you Mr.Anime Boy na suplado", sabay lahad ng kamay
"Estevan Williams",sambit niya kahit hindi siya tumitingin sa'kin
Nginitian ko na lamang siya at nakita ko sa aking peripheral vision na naka-tingin sa amin si drake kaya't tumayo ako at nagpahangin muna.
"Are you still mad at me?",tanong niya sa likod ko
"Nag-aalala ka ba o gusto mo lang malaman, saan sa dalawa drake?", lumingon ako sakanya
"Please portia, I know I've made a mistake pero inisip ko lang nararamdaman ni cass", sambit niya
"Eh ako drake?, putsa paano ako? hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko?",tanong ko sakanya habang naiiyak ang tono ng boses
"No,portia naman 'wag kang mag-isip ng ganiyan,alam mo kung gaano kita ka-mahal", nilapitan niya ako at akmang yayakapin pero umatras ako
"Alam ko drake, mahal mo lang ako pero hindi ako mahalaga sayo!", pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong umalis sa harap niya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, lahat ng gusto kong sabihin sakaniya ay nasabi ko. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sakaniya 'yon. Gumaan ang pakiramdam ko bigla.
Pagka-balik ko sa court ay agad akong tinignan ni estevan
"Lq?", matipid niyang tanong pero natawa ako bigla
"Chismosong suplado", sambit ko
Naiiyak pa din ako pero masisira ang make up ko kaya pinigilan ko, sayang.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...