Hi guys! I'm just new here in wattpad so since I love writing stories, i'll give it a try. Hope you like my first story. :))
Five years na kami ng boyfriend ko and still counting. Ako c Berna, short for Bernadette at ang aking boyfriend naman ay si Nick, short for Romnick. 21 years old palang ako at siya naman ay 23. Yes! We're still young. Kami na 16 years old palang ako. Excited eh! Back then, super kilig to the bones lalo na noong bago palang ang relasyon namin, lambingan oras oras, hatid sundo sa school, sabay kumain, always sabog ang cellphone sa kakatadtad ng text. Pero salahat naman ng relasyon nawawala ang stage na yan. Ang "kilig stage" na tinatawag. Kung pwede nga lang di na matapos ang stage na yan eh. Hayy..
3 years na kami magka live in. Mula pa nung bago sya grumaduate sa college. Ako naman college undergrad. Madami na kaming pinagdaanan, madami nadin ang mga nangyare. Minsan sa sobrang komportable na namin sa isa't - isa, parang nagkakasawaan na.
"Mee, anu ba naman yan?! Pagod na pagod na ako sa trabaho ni di ka man lang naglinis dito sa kwarto! Dyos ko naman! araw araw nalang ba kitang pagsasabihan?! Konting konsiderasyon naman!"
"Umagang umaga naman, putak ka naman ng putak! Para kang babae. Pasensya na, napagod na ako kagabi dahil naglaba ako kaya di na ko nakapaglinis. Huwag mo ng gawan ng issue! Prang ikaw lang lagi ang napapagod."
Madalas na ganto ang sitwasyon namin, sigawan sa umaga lalo na pag makalat ang bahay. Ayaw kasi ni Nick ng makalat na kwarto. At ako naman aaminin ko na medyo may katamaran. Lumaki kasi ako sa side ng papa ko na hindi masayadong napapagod sa bahay.
Pero teka, parang naaalala ko, hindi naman kami ganto noon. Noong simula palang namin.
(Flashback)
"Hello mama! nasa bus stop na ako, asan na ba kayo? Ang dami kong dala oh. Sabi ko gumising kayo ng maaga eh. Alam niyo naman na uuwi ako. Bilisan niyo na mama ha!"
As usual tuwing uuwi ako ng Bicol, lagi nalang late ang mga tagasundo ko, ang mama at ang aking sister na si Em. Umuuwi ako every bakasyon noong high school ko. Hiwalay na kasi ang mama at papa ko, nasa Manila ang Papa ko at si mama naman taga Bicol. So since na ang papa ko ang nagpapaaral sakin, sa Manila ako nag stay.
"Ayy naku anak, miss na miss na kita! ang laki laki mo na! Dalagang dalaga ka na! Tamang tama uwi mo Fiesta na sa baryo naten! Ohh kumusta yung papa mong my luslos?! Nananakit padin ba? Sabihin mo lang sakin pag sinaktan ka anak ha?!"
"Ma naman, daming tao ang ingay ingay mo. Tara na! Asan na ba yung tricycle?! Oh Em, bakit ang tahimikmo,madami akong pasalubong sayo dito sis! Mamaya nalang pag dating natin sa bahay."
"Sige ate! (bicolanang bicolana ang tono "sigey atey ! " ) "
Hayy sawakas, nakauwi din sa probinsya. Ang sarap ng hangin, ang presko! Wooo! Ang daming palayan, mga puno, at mga bulaklak. Sobrang excited na ako makarating sa bahay. Gusto ko na makita ang mga pinsan ko! After a year nakauwi na ulit ako. Nga pala, bakasyon ko ito after ng 4th year hyskul graduation ko. After 30 minutes, nakarating na din ng bahay! Sarap ng hangin mula sa ilog! Sobrang nakaka-miss! Ayan na, pag baba ko palang ng tricycle papasalubong na ang mga pinsan ko.
"Insan! Magayunon ka na baga! (Bicol dialect for "ang ganda mo na!") Ang puti mo, nakakahiya ang balat ko. Tara na ! sayawan na! Mag bibisperas na! Yeyy!"
--to be continued. antok na ko ee. haha
BINABASA MO ANG
KAPIT
RomanceAno ang gagawin mo kung ang dating perfect relationship na meron ka ay unti-unti ng nawawala? Ang lambigan, nauuwi na sa sumbatan. Ang kilig hindi na maramdaman. Ang pagmamahal na nabahiran na ng mga kasalanan. Ang Limang taon na pagsasama na unti-u...