A/N: A jeje one shot. Hahahaha. Charot. I wrote this two years ago. Ngayon lang nagkalakas ng loob i-publish. :D XDD Hope you'll like this. <3 <3
Hi Tulay! @_gette_ Dedicated 'to sa'yo. Hahaha. Matuwa ka sana sa ending :D :3
P.S. May sequel 'to. :))
*****
Naniniwala ba kayo sa signs? Hindi 'yung signs na tulad ng P as in parking lot. Hindi rin sign languages. Hindi mga ganyang signs ang tinutukoy ko.
What I mean is, signs when you will meet the one for you. Naniniwala ba kayo dun? Kasi, ko? At first, oo.
Sabi kasi ng pinsan ko. Bago raw nya makilala 'yung boyfriend nya, nanghingi sya ng sign sa langit. Anong hiningi nyang sign? Sana raw may kambal 'yung magiging boyfriend nya. And ayun nga, nagulat na lang sya na may kambal na babae si boyfie nya. Ang galing 'nu? Kaya tin-ry ko rin. Humiling din ako ng sign. Anong hiniling kong sign? Simple lang. Pag may lalaking nakaputi na dumaan, sya na ang lalaking para sa akin. Nakapikit pa ako nung hiniling ko 'yan, and nung pagdilat ko? Andaming nakaputing lalaki ang dumaraan. May doktor, nurse at mga pasyenteng naka-hospital gown. Ang galing 'di ba? Nakalimutan kong nasa hospital nga pala ako that time. Am so disappointed. Kaya di na ulit ako humiling.
Tapos, nagkakwentuhan kami ng isa sa mga bestfriends ko about din sa boyfie nya. At ang kwento? Humingi rin daw sya ng sign bago nya nakilala si Harold, 'yung boyfriend niya. Anong hiningi nya? Humingi raw sya sa mga ulap ng first letter ng lalaking para sa kanya. Naging letter H daw ang hugis ng mga ulap that time. Then, couple of weeks chinat sya ni Harold sa fb at dun nag umpisa ang love story nila. Oh, 'di ba? Pang movie ang peg! Kaya ako 'tong si Inggitera, nakigaya.
Humingi ulit ako ng sign, pero sa mga ulap naman. Anong hiningi ko? Hiningi ko na kapag may lalaking nahulog mula sa mga ulap, sya na ang the one for me. Impossible, right? Pero ganun talaga. Gusto ko kasing patunayan, kung real talaga ang sinasabi nilang signs. Kaya kahit imposible, sige pa rin ako. Ang kaso, pagtingala ko, iba yung nalaglag. Ipot ng ibon. Nasa ilalim nga pala ako ng puno that time. So ayun, after ng mga palpak na signs, 'di na ako humiling ulit.
"Hoy, Yel! Anong iniisip mo? Kanina ka pa di nagsasalita dyan eh. Di mo din ginagalaw yang pagkain mo." Tanong ni Shane, 'yung bestfriend kong nanghingi ng sign.
"Napaisip lang ako. Ano ba ang mas makapit? Tuko o butiki?" Sabay subo ko sa aking yummy spaghetti. Haaays. Nakakagutom talaga mag-aral.
"What a nonsense question?" Singit naman nitong si Zain.
"Tsk." Palatak ko. Wala akong maisip na dahilan eh.
"Uy, Yel. Si crush mo, oh!" Turo naman ni Joyce sa bandang likod ko. Syempre ako 'tong si Maganda, walang nagawa kundi ang lumingon. Haleeerr.. Silay din 'yun kay crush.
"Ang gwapo talaga ni Jaycee." Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi 'yun nakalagpas sa tenga ng mababait kong mga kaibigan.
"Ang landi." Sabat naman ni Shei. Tss. Nagsabi lang ng gwapo, malandi na agad?
Lumingon ako sa kanila with annoyed face.
"Bakit ba ako ang nakikita nyo ngayong araw?" Medyo inis kong sabi. Kanina pa kasi nila ako binubuset. Sa classroom pa lang, ako na ang pinagkakaisahan nila. Hanggang ngayong break ba naman, ako pa rin?! Tsk.
"Wala. Trip ka lang namin. Today is your lucky day kasi." Sabi naman ni Chi sabay kagat sa burger nya. Tsss.. Meannie chubby!
"Nakatingin yung crush mo rito." Bulong ni Dax. Tumingin naman ako kay Crush. Nakatingin nga sya pero nag-iwas din. Oh my gosh. Kikiligin na ba ako?!