"Makinig kayo nang mabuti.", mariing sabi ng isang makisig na lalaki sa nakahilerang mga bata sa kanyang harapan. "Dito kayo mag-e-ensayo hanggang sa kayo ay maging--"May nagtaas ng kamay. Napalingon ang lahat sa kanya. Hindi ibinaba ng batang babae ang kanyang kamay kahit na halata sa mukha ng matandang lalaki ang pagkagalit sapagkat siya'y na-istorbo sa pagsasalita.
Pak!
"Iyan ang makukuha ng mga walang respetong tao, katulad mo! Ito ang magsisilbing unang leksiyon ninyong lahat! Huwag na huwag ninyo akong istorbohin kapag nagsasalita ako! Maaari lamang kayong magtanong kapag sinabi kong maaari na kayong magtanong!", bulyaw ng lalaking malalaki ang braso at mga binti.
Sabay sabay na nagsi-tango ang mga batang babae. Lumabas ng silid ang lalaking hula nila ay nasa singkwenta na ang edad. Agad naman silang nagkumpulan at isa-isa silang nagtanong kung ayos lang ba ang kasama nila matapos makatikim ng marahas na parusa mula sa kanilang guro.
"Bakit ba tayo nandito? Mas gusto ko na lang bumalik sa lansangan, kaysa manirahan dito.", pagre-reklamo ng isa.
"Hindi ko rin alam kung bakit tayo inilagay dito. Ang akala ko nga ay may mag aampon na sa akin. Kung ito lang din naman pala ang magiging kapalaran natin, babalik na lang ako sa bahay-ampunan.", sagot naman ng isa.
"Basta ako, ayos na ako dito. Ayaw n'yo ba dito? Libre na ang pagkain, libre pa ang matutuluyan! Hindi katulad ng tiyahin ko na lahat ng ipinapalamon sa akin, e inililista!", giit naman ng isa.
"Kahit naman may kapalit, pipiliin ko pa ring tumira dito. Wala na kasi akong mauuwiang pamilya kasi nadisgrasya ang mga magulang ko, kaya ako na lang mag-isa ngayon.", malungkot na kwento ng isa.
"Tumahimik na kayo, paparating na si sir! Baka mapagalitan na naman tayo 'non!", pagsita ng batang pinarusahan ng kanilang guro.
"Teka, ikaw ba? Gusto mo bang manatili dito?", tanong ng batang lansangan.
"Oo, kasi kahit saan naman ako magpunta, susukuan pa rin ako ng mga tao. Walang nagtatagal sa akin. Samantalang dalawang linggo na akong naririto, ito na ang magiging tirahan ko!", sagot ng batang naparusahan.
"Oh, ano ang pinag-uusapan ninyo?", bungad ng kanilang guro mula sa pinto.
"Wala po.", sabay sabay nilang sagot.
"Dalawang linggo na kayong walang pakinabang sa lugar na ito. Kaya ngayon, sisimulan natin ang inyong intense training . May mga tanong ba kayo?"
Nagtaas ng kamay ang batang lansangan. May halong kaba at pagtataka sa kanyang mukha.
"Bakit po namin kailangang sumabak sa ganyan e, sampung taong gulang pa lang kami?", tanong niya sa kanilang guro.
"Walang saysay ang tanong na iyan. Ano naman ngayon kung bata pa kayo? Kaya nga dapat nag e-ensayo na kayo habang mga bata pa kayo! Ikaw, give me 10 push ups! Ngayon din!", nanggigil na sermon ng matandang lalaki.
Agad na tumalima ang kawawang batang lansangan. Nagkatinginan na lamang ang apat na natira sa hilerang iyon. Ano nga ba itong pinasok nila?
BINABASA MO ANG
Transforming Angels Into Demons
Fiction généralePaano kung ang babaeng sa unang tingin ay tila mala anghel ay may tinatago palang dilim sa kanyang pagkatao? Matatanggap mo kaya ang isang babaeng natatangi sa ganda, ngunit nakakasindak sa sama? Subaybayan ang limang maririkit ngunit mababagsik na...