Chapter(34): Revelations

1.9K 71 2
                                    

Enjoy reading guys! Thank you and sorry huhuness!

WARNING: TYPOS UP AHEAD!

Third Person POV...

Wala ka nang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata ni Shane kundi ang poot at galit.

Kinuha nya ang baril na hawak ng kanyang Lolo saka tuluyang tumayo at humarap sa direksyon ng pinto kung saan na nakatayo ang mga lalaking syang pumaslang sa kanyang Lolo.

"Sumuko ka na."sabi pa nung isa.

"Patayin nyo nalang ako."bulong ni Shane pero sapat na para marinig iyon ng iba sa mga lalaki.

"Hindi pa pwede, kakausapin ka pa nila Boss at magpapaalamanan pa kayo ng mga kaibigan mo."nakangising sabi nung isang lalaki.

"Iharap nyo na ko sakanila, tang*na!"sigaw ni Shane saka naglabas muli ng smoke bomb at ibinato iyon sa gawi ng mga lalaki.

Agad na sinuot ni Shane ang kanyang mask saka kinuha ang kutsilyo nya sa kanang braso at tahimik na lumapit sa pwesto ng mga lalaki.

Tahimik nyang ginawa ang lahat ng dapat nyang gawin. Ang pagpaslang sa mga walanh awang pumaslang sa kanyang Lolo.

Sobrang apektado si Shane sa nangyari sa kanyang Lolo dahil sa saglit palang sila nagkakasama pero agad na tong binawa sakanya.

Igaganti kita Lolo...

Nang mawala ang usok ay kulang sa kalahati nalang ang nakatayo. Agad na pumasok si Shane sa kwarto saka iyon ni-lock at hinarangan ng kung ano ano.

Napalingon si Shane sa patalikod sa pinto nang makarinig sya ng mahihinang palakpak.

"Magaling kapatid ko, buhay pa ba ang ating Lolo?"

Agad na napalingon si Shane sa taong nagsalita. Mas lalo pang dumilim ang mukha ni Shane ng makita kung sino yon.

Alliah...

Susugod na dapat si Shane pero bigla syang may naalala.

"Wag kang magpapadalos dalos."

Napapikit ng mariin si Shane saka ito tumayo ng maayos at walang emosyong tiningnan ang kanyang mga kalaban.

"Shane."

Nawala ang tingin ni Shane kay Alliah ng marinig nya ang sigaw ng kanyang Kuya.

"H-Hindi ka na d-dapat pumunta dito."si Joan habang lumuluha sa loob ng kanyang kulungan.

At doon lang napansin ni Shane na nakapalibot sakanya ang kanyang mga kaibigan na nakakulong. Tila sila mga ibon na hindi makalabas sa kani-kanilang mga hawla.

"Release them now. Ako ang kailangan nyo diba?"wika ni Shane.

"Darating din tayo dyan, kailangan nyo lang muna humarap sa mga nakakataas para naman hindi masayang pagkawala ni Lolo."mahabang litanya ni Alliah.

Agad na napaluhod si Shane ng bigla nalang may humampas sa kanyang binti. Agad nyang naramdaman ang nanunuot na hapdi at sakit sa kanyang mga binti.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon