F.a.c.e.b.o.o.k???

12 1 0
                                    

Ano nga ba ang facebook?

mukhang libro?

librong may mukha?

pagsinabing facebook

puro kalokohan ang maiisip mo, lalo na kung hindi mo talaga alam kung ano nga ba ang facebook

pero sa panahon ngayon,

may ngipin o wala, matanda o bata, mayaman o mahirap, maganda o panget

alam kung ano ang facebook...

Ang facebook ay isang social networking site, na libre ang pagsali. Maaring magadd ng mga kaibigan, makapagmensahe at makakakonekta o makakahalubilo sa iba ibang mga tao, lokal man o foreign countries. Maipagbibigay alam na rin ng isang indibidwal ang tungkol sa kanyang sarili, pamilya, trabaho, at kung saan saang lugar na pinaglalakwatsahan.

sa facebook nakakapagkita muli ang mga dating magkakaklase simula kinder hangang college ata makikita mo na, pati yung mga teacher o proffesor mo makikita mo na at maadd.

sa facebook ultimo magkakaaway nagkikita din, okrayan dito, parinig dun, status dito, comment dun

yan ang nagagawa ng facebook sa buhay ng tao, napaglalapit ang magkakalayo , napagkikilala ang di magkakakilala, at may nagkakaibigan din dahil sa facebook. :)

nakakatuwa hindi ba?

nakakatuwang may nakaimbento ng ganitong website..

at dahil nakakatuwa...

dito iikot ang storyang inyong mababasa

opo.

tama nga kayo ng nabasa

dito maguumpisa ang ating kwento,

isang kwentong base sa tunay na kathang isip, at pawang kasinungalingan lamang, at nabuo lang dahil sa puyat ang author at walang magawa...

sana magustuhan ninyo :* :* :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon