" BROKEN PEN "

8 0 0
                                    

"Ayoko na mag sulat ng kahit na anong akda!"

"Wala rin namang saysay dahil di pinapansin ng iba!"

"May makita nga lang na mali itataboy na nila!"

"Hindi nila iniisip kung gaano ko pinaghirapan isulat!"

Halos mapunit na ang papel ko sa sobrang diin kong mag sulat ng mga hinaing ko sa buhay.

Sinasadya ko ring punuin yung papel dahil sa paraan naiyon nabubuhos ko yung sama ng loob ko sa mga sinasabi nila sa akda ko.

"Kaonting soporta lang naman yung gusto kong hingin!"

"Bakit napakadamot niyo sa akin?!"

"Kailan ko ba mapapatunayan na magaling a---"

Hindi ko na ituloy ang huling sasabihin dahil biglang nasira ang panulat ko. Mabilisan kong kinuha ang pantasa at agaran yon ginawa.

Ngunit nakapagtataka lang dahil hindi ko maikot ang lapis sa pantasa, kahit anong gawin kong diin ay ayaw talaga.

"Pati ba naman ikaw na panulat ko ay hindi narin gagana?" Daing ko sa sarili

Padabog kong inihagis ang panulat ko kasama ang pantasa sa table ko. May halong prustasyon akong nararamdaman kaya inis kong naihagis ito.

"Nakakainis! Miski sa magulang ko wala akong makitang suporta para sa kakayahan kong mag sulat! Ipakitang magaling ako at may kakayahan!" Nasabunutan ko ang buhok at inuyuko ko ang ulo.

Hindi ko na alam ang gagawin, napakahirap para saakin mag isip ng kwento na patok sa tao. Pero kahit sabihin mong buong puso kang nakagawa? Hindi makakaligtas ang pang aabuso at paninira ng iba.

"Nakakapagod na." Isang patak ng luha ang lumabas mula sa aking mata.

Ilang minuto akong natahimik, walang animo'y tinig na maririnig. Isang kakaibang likhang maingay lamang sa labas ang naririnig, hanggang sa mapansin kong gumagalaw ang panulat ko, at kusa itong sumusulat.

Taranta akong umalis sa kinuupuan ko at halos madapa pa ako dahil sa takot, ikaw ba naman makita mong gumagalaw ang panulat mo at walang may hawak nito.

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa panulat ko?" Tanong ko kahit walang sasagot nun.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay bigla natumba ang lapis at natahimik ang paligid.

Takot man akong lumapit ngunit kailangan kong harapin para malaman ko kung anong nakaukit.

"Kahit mawalan man ng tinta ang panulat mo? Huwag kang titigil gumawa ng kwento, maaari ka paring mag patuloy kahit wala ako. Sapagkat ang kwento na iyong binubuo ay nanggagaling mismo sa iyong puso, ngumiti ka ipakita mo sa kanilang hindi ka nag iisa at kailanman hindi ka apektado sa paninira nila. Isa lamang iyong salita na maaari mong maiba dahil sa iyong aking kahusayan sa pag susulat, hindi man nila makita ang iyong kahusayan? May palihim paring nakaantabay at palihim kang pinapalakpakan. Tandaan mo hindi mahalaga sa mundo ng manunulat ang papuri ng iba. Sapagkat kahit wala ka nito ay sisikat ka at makikilala rin ng iba. Hahangaan sapagkat ika'y napakagaling talaga."

'Matatakot ba'ko? Oh tatanggapin ko ang misteryong nakasulat sa papel ko?'

Compilation of one shots storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon